Chapter 19

24.6K 807 578
                                    


A/N:

Salamat po sa lahat ng nag-hintay sa update. Thank You So Much. Nakapagtiis pa kayo. Hihihi. I Love You Guys! Sana magustuhan niyo itong update. Mwah.

——

Drake Alexander's POV.

Habol ang hininga ko paggising ko dahil sa masamang panaginip na yun. No. Hindi yun mangyayari. That was just a dream, hindi yun magkakatotoo. Napatingin ako sa orasan. 1:55 am. Sinubukan ko ulit matulog ngunit hindi na ako dinadalaw ng antok. Hanggang ngayon kasi si Kheazy padin ang iniisip ko dahil sa panaginip na yun at idagdag pa yung binigay ng isang messenger na dna, simula kanina hindi na ako natahimik kakaisip lalo pa nakita ko ang pangalan ni Zhyrus doon. Posible naman kayang ipapa-dna niya si Zhyrus, ginawa ko na yun noon at naging positive ang resulta kaya ko nga tinanggap si Zhyrus kahit masakit para sakin na iwan si Kheazy. Tumayo ako upang maghilamos pagkatapos ay nidial ko ang cellphone number ni Kheazy.

"The subscribers cannot be reach, please try again later."

Ngunit sinubukan ko padin pero hindi ko talaga siya matawagan. Nagdalawang isip pa ako kung pupunta ba ako sa bahay nila hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili kong nagbibihis ako upang puntahan ito sa bahay nila. Habang nagdadrive ako napansin ko ang kumpulan ng tao sa may daan kaya huminto ako at lumabas upang tignan. May nagbanggaan yata.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ko malaman kung bakit pero habang papalapit ako mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng tunog ng ambulansiya.


"Kawawa naman yung babae, patay na. Sayang ang ganda pa man din niya." Narinig ko yan sa isang babae sa harapan ko kaya dali-dali akong naglakad palapit sa pinangyarihan ng banggaan.Napapikit nalang ako ng makita ko yung babaeng nabangga. Poor girl. Maganda pa naman.

Patungo na ako sa bahay nila Kheazy ng bigla siyang tumawag. Biglang gumaan ang loob ko ng makita ko siyang tumatawag. Sinagot ko agad iyon.


"Oh God. Buti naman nagparamdam ka na. I called you many times pero hindi kita makontak." Sabi ko.

"Naka-off phone ko eh." Malamig na sabi niya sakin.


"Ok. Mag-usap nalang tayo later. I'm on my way to your house" pagkasabi kong iyon ang pinindot ko agad ang end call button ng phone ko. hindi ko na hinintay ang iba pang sasabihin nito dahil alam kong magtatanong na naman siya kung bakit pa ako pupunta sa bahay nila. Obviously, i just wanna see her. Masama ba yun? Maghapon kaya siyang hindi nagpakita sakin. Simula kasi kaninang umaga pagalis niya hindi na siya nagpakita. Hindi ko alam kung saan na siya nagpunta kaninang natanggap niya yung binigay ng messenger. At mabutin na din na pupunta ako upang tanungin kung ano ba talaga yun. Bakit ko nakita ang pangalan ni Zhyrus doon.



Kheana Zaila's POV.

Pupunta daw siya dito sa bahay. And so? Ano naman ngayon? Tsk. Wag kang gaga, Kheazy. Nalaman mo lang na hindi niya anak si Zhyrus lumalandi ka naman. Wag kang ganyan. May parte ng utak ko na sinasabi ang mga salitang yan sakin. Hell. No. Di naman ako umaasa ah. Nang makita kong papalapit na siya ay biglang kumabog ang dibdib ko. Hindi na ako mapakali. Para ng sinisilihan ang pwet ko sa kinauupuhan ko. Baka mamaya sabihin niya hinintay ko talaga siya dito sa sala. Tsk! Hindu naman siguro. Kanina pa ako nakaupo dito habang nanonood. Nakakaloka. Bakit ba ganito ang iniisip ko. Tinapunan ko siya ng masamang tingin pagpasok palang niya sa bahay. Welcome na welcome eh no? Di pa marunong kumatok.

"What the hell are you doing here? Disoras na ng gabi" Irap ko sa kanya pag-apak niya sa bahay.

"Grabe ka naman! Para namang hindi ako welcome sa bahay niyo. Tsaka naligo naman ako hah!?" Sagot nito sakin habang nakaupo na ito sa tabi ko.

The Second Time Around (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon