Nang matapos kaming magkwentuhan at kumain dito sa napakaganda at mala paraisong mini park ay agad na kong nagpaalam na uuwi na para ibalita ung magandang balita sa aking magulang na nakakuha ako ng scholarship sa Pereno University na kilalang school sa Cavite.Pagkarating ko sa bahay namin ay nagmano ako kay mama na nasa sala at nanunuod ng tv.
"Ma, si papa?" Tanong ko kay mama .
"Nasa trabaho na anak san ka ba nanggaling . ? " tanong nya .
"Ma, nakausap ko si jhoelle sabi nya meron daw pong try out ng volleyball sa school,nila at gagawing scholar ng school nila. Kaya tinry ko MA, NAKAPASOK AKO makakapagaral parin ako ! " masayang balita ko sa kanya.
"Talaga ba anak ??!! Sabihin mo kay jhoelle maraming maraming salamat at minsan kamo dumalaw dito satin para maipagluto ko sya ng masarap kong adobo." Sabi nya na makikita mo ang kasiyahan sa kanyang mukha .
"Ok sige ma, iniwan ko kasi sya dun sa school marami padaw kase syang tatapusin ." Sabi ko .
"Ahh sige anak pagmay time nalang kamo sya . " saad ni mama.
Nakakatuwa sa kabila ng mga problemang kinahaharap namin ay mayroon paring hope na kailangang kapitan dahil galing ito kay lord .
Umalis ako para magliwaliw at naisipan kong may bike pumunta ng tishabet field . Haha . Para itong park pero damuhan ang unang bubungad sayo napakalawak na damuhan. May roong naglalaro ng soccer sa gitna at may naglalaro ng volleyball sa may gilid at sa kabilang gilid naman ay mga nagbabaseball. Nakisali ako sa mga nagvovolleyball na dati ko naring nakakalaro dito (lagi kase ako nandito pag bored ako nagpapapawis lang haha kaya din,lumakas sa larong volleyball )
Nang matapos ang laro na pagod at halos pawisan na lahat ng sulok ng damit ko ay nagbike ako paikot sa napaka laking lugar na ito. Habang akoy nagbibike ay parang nahihilo ako na parang ewan pero hindi ko ito pinsin at nagbike na lamang .
Ilang sandali pa kong nabike upang matuyo ang pawis ko ay bigla nanaman akong nahilo at dito sa pagkakataong ito ay natumba na ko sa bike . Bago magblanko ang lahat ay may nakita akong lalaking papalapit at tuluyan nakong nawalanng malay.
Nang magising ako ay parang puti nalamang ang aking nakikita nang malibot ko ang akinh paningin ay nasa hospital pala ako. Nang tatayo na sana ako ay biglang may pumigil sakin.
"Wag ka munang tumayo magpahinga ka muna." Sabi ng hindi ko napamsing nasa gilid ng aking hinihigan pag angat ko ng aking ulo ay para kong natulala ng wala sa oras dahil napakagwapo ng nasa harapan ko ngayon.
"Ahhh--ehhh-- ikaw ba nagdala sakin,dito ? Sana hindi mo nalang ako dinala dito kase wala naman ako pambayad dito" sabi ko nalang nang nauutal na nahihiya.
"No worries. Nabayaran ko na yung bill dito sa hospital kaya mabuti pa magpahinga ka muna sabi ng doctor sobrang napagod masyado ang katawan mo . " Sabi nya . Tama nga naman sya naisip ko galing akong tryout tapos naglaro ulit ako .
"Ahh ehh oo nga eh pasensya na sa abala ha salamat narin sa pagdala mo dito sakin . " sabi ko nalang.
"Uyy hindi to libre ha " sabi nya na kinakabahan ko kasi wala kong pera .
"Ahh ganun ba magkano ba ang bill ko dito" sabi ko .
"Hmm. Kung lahat lahat siguro mga 10k. " sabi nya .
" Hala napakalaking halaga naman nyan pano kita mababayaran wala kong pera. Mahirap lang kame sana di mo nalang ako dinala ri--" hindi ko na natapos ung sasabihin ko nang bigla syang nagsalita.
"Hindi ko nman sinisingil ng pera ang gusto kong kabayaran eh bigay mo sakin,ang cellphone number at address mo at sasama ka sakin ngayon" sabi nya na ikinagulat ko .
"Ahh ehh wala po akong cellphone pero eto po ung address ko *** Medicion 2-D Imus, Cavite" sabi ko
"Malapit lang pala ang bahay nyo sa amin. Taga dyan lang ako sa Samalabanan" sabi nya oo natatandaan ko,malapit nga lang ito.
"Ahh ganun ba haha. Taga dun ka pala . Nga pala ano nga palang pangalan mo,?" Tanong ko .
"Justin Peregrino" sabi nya na may pagkindat pa ifairness kinilig ako,don haha . Ang gwapo talaga kase nya . Maputi , antangos ng ilong, ang cute ng mga mata kala mo mata ng asong nangangamo , at ung labi nya na manipis na ang sarap halikan . Haha grabe ung isip ko masyado na kong malibog neto. Haha .
"Ahh ok so kaano a o mo si matt peregrino? " patukoy ko kay chachu.
"Pinsan ko" maikling saad nya .
"Ahhh ok." Sabi ko.
"Halika na labas na tayo" sabay ngiti nya .
Hindi nako nagsalita pa dahil nahihiya talaga ko sa kanya.
"Ok si... Sige " nahihiya talaga ko kasi gwapo nya talaga. Ang mga peregrino ba anak ng mga dyos at dyosa? Hahaha
----ITUTULOY-----
BINABASA MO ANG
The Four Peregrino's (BxB)
Любовные романыKwento ito ng isang bisexual na nang hangad lang ay ang makatapos at makapagtrabaho para maiangat ang buhay ng kanyang pamilya sa kabila ng problemang pinansyal na kanilang kinakaharap .. At sa isang iglap dumating sa buhay nya ang The FOUR Peregri...