Chapter 2: Phantom 10

38 4 3
                                    


Red Pov.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa balat ko.Bumangon ako at ginawa ang routine ko tuwing umaga at pagkatapos lumabas na ako ng room.

Nasaan na kaya ang Tatlo na yun??hindi ko naman alam pasikot sikot dito.Tinatamad akong ememorize ang mapa ng paaralang ito.Pag ako maligaw kasalanan ng tatlo na yun.Hintayin ko nalang sila sa baba dahil baka machugi ako ng di oras dito.

Naglalakad ako papuntang baba ng makasalubong ko ang tatlong tukmol.

"Nandito na pala siya,pupunta pa sana kami ng room para gisingin ka" sabi ni Grey..

"Kain tayong cafeteria"suhestyon ni Gian.

"Ikaw nalang kumain ng cafeteria,balak ko mag almusal ng kanin no"joke ni Grey..

"Gago,ang ibig kong sabihin kumain tayo sa cafeteria hindi kumain ng cafeteria" paglilinaw ni Gian...

"Sabi ko nga,tara na gutom na ako" ani Grey..

Naglakad kami papuntang cafeteria at walang tigil parin ang bangayan ng dalawa..

"Red,tahimik ka" sabi ni Nathan..

"Malamang hindi ako maingay eh"pagbara ko kay NaThan..

"Loko,bakit ka nga ba tahimik?"tanong niya ulit..

"Kasi hindi ako nagsasalita?"pagbara ko ulit sa kanya..

"Ang gulo mong kausap,dun na nga ako sa dalawa kahit may mga lahing baliw yun ang titino naman sumagot" may halong inis niyang sabi....Pikon ang gago...

Pagdating namin ng cafeteria umupo kami sa pinakahabang mesa sa loob ng cafeteria ,pagkaupo namin agad nagbulong bulongan ang mga estudyanteng naroon.

"Ako nalang mag oorder"pagprisinta ni Nathan

"May i sit?"tanong ni Dean na may bitbit ng trey.I noded.

Nupuno ng bulong bulongan ang loob ng cafeteria dahol sa pag upo ni Dean sa mesa namin,dahil nga ba kay Dean o dahil sa amin.Tiningnan ko naman si Dean na tahimik lang sa pagkain.Nakabalik na pala si Nathan dala ang inorder niya.

Mas lumakas pa ang bulong bulongan ng pumasok si Ash na may kasamang tatlong babae.Agad siyang tumungo sa deriksiyon namin ng makita niya kami.

Mahaba naman ang table kaya kasya kaming siyam.

"Guys,sila nga pala ang ka roomate ko si Kimmy,Klare,at si Mika ang naghatid sa atin kahapon.Meron pa sanang isa eh kaso hindi ko alam kung saan siya nagpunta"mahabang saad ni Ash.

Yung mga estudyante naman ay walang tigil sa bulong bulongan,bulong doon bulong dito.

"Oh ayan na siya"sabi ni Dean na kanina pa tahimik.

Tumigil ang lahat sa mga ginagawa nila,ang kaninang maingay ay tumahimik na at ang lahat ay napatingin sa isang babae na naglalakad habang nakapikit.
Sino ba siya??
Naglakad siya papunta sa table namin at umupo sa pinakadulo,.,

"Oy Sammy san ka nangga---"

"Gusto niyo ng gulo no?hindi niyo ba alam na ang tanging myembro lang ng Phantom 10 ang makakaupo sa inuupuan niyo?"pagputol ng kararating lang na babae sa sasabihin ni Ash

"Hindi,atsaka kung gusto mong umupo edi umupo ka ang haba nitong mesa eh ang daming reklamo" sagot naman ni Ash..

"Tumayo na kayo dyan kung hindi---"

"Kung hindi?Ano Lian?"pagputol ni Klare ng sasabihin ng Lian daw.

Bakit ba ang hilig nilang mamutol ng sasabihin?hindi ba pwedeng patapusin muna?Ang gulo nila...

"Kung hindi mamamatay sila"sagot naman ni Lian.

Agad kamin napatingin kay Ash,hindi lang kami kundi ang lahat ng tao sa loob ng cafeteria ng tumawa siya ng malakas hindi lang basta tawa kundi halakhak na.Baliw rin to...

"Anong nakakatawa??tanong ni Lian kay Ash ..

"Ikaw,ang aga mong mag joke,sa tingin mo ba kaya mo kaming patayin?.Nagkakamali ka "Ash said with smirk.

Agad kaming napatayo ng higitin ni Lian si Ash sa buhok at tinutukan ng kutsilyo sa leeg.

"Grey tulungan mo kakambal mo"bulong ko kay Grey.

"Wow.parang hindi mo siya kapatid ha,Wag mo siyang maliitin bro" sagot niya..

Ngumiti lang si Ash at hinawakan ang kamay ni Lian at binalibag ito.Sa isang iglap nabaliktad na ang sitwasyon si Ash na ngayong ang may hawak ng buhok ni Lian habang may kutsilyo na nakatutok sa leeg niya ...

"Next time mamili ka ng kakalabanin,hindi ang isang katulad mong mukhang tukmol ang makakatalo sa akin."sabi ni Ash at marahas na binitawan ang buhok ni Lian....

"Uno alam mo ang batas,ang sino mang mangahas na sakatan ang isa sa myembro ng phantom 10 ay makakatanggap ng parusang kamatayan" sabi ni Lian..

"At alam mo rin ang kaparusahan sa ginawa mo.Papatayin ko sila pero isasama kita o tatanggapin mo ang pagkatalo mo.Isa kang kahihiyan."malamig niyang sabi at lumabas na ng cafeteria...Ay walkout...

Crudelis AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon