Grey Pov.Mag iisang liggo na kami dito sa Crudelis,wala namang kakaibang nangyari bukod dun sa fighting scene ni Ash at Lian,at nong Myerkules din pala..Grabe nakakatakot ang uno na yun ha.Muntik ng machugi si Red dahil sa pagsakal niya..
"Dude labas lang ako"pagpaalam ko kila Red..
"Okey mag-ingat ka"sagot ni Red.
Lumabas ako ng dorm namin para maglibot.Kung titingnan ang paaralang ito parang isang ordinaryong paaralan lang ito,pero ang hindi alam ng iba maraming brutal na pangyayari ang nasaksihan ng karamihan dito.Bakas ang takot sa mga mukha ng mga estudyanteng nag-aaral dito.Kahit isa sa kanila wala man lang lakas ng loob para tumakas dito.
"Ano pa ba ang mga lihim dito sa Crudelis ang hindi namin nalalaman?" Pabulong kong tanong..
"Gusto mong malaman?"
"Ay baboy" gulat kong sabi.Bat ba bigla bigla nalang to sumusulpot..
"Hindi naman ako baboy ha"sabi niya na may halong pagtataka habang sinusukat ang bewang niya.,
"Bat ka ba kase sumusulpot ng basta basta?parang kang kabute"sabi ko na ikinanguso niya..
"Anong kabute,ikaw kaya tong mukhang sabog kung maglakad..ang lalim kase ng iniisip mo kaya hindi mo namalayan na nasa harap mo na ako"paglilinaw niya.
"Ano ba ang gusto mong malaman tungkol sa paaralang ito,linggo naman ngayon kaya may oras pa ako para mag kwento" wika niya..
"Lahat lahat"sagot ko..
"Tara sumunod ka" pag-aya niya .Sumunod ako sa taong hindi ko kilala.Wow.Bago to..
Nakarating kami sa lumang building na halatang hindi na ginagamit.Umakyat kami sa rooftop at umupo..
Tiningnan niya ako na parang bang sinusuri.Anong problema ng babaeng to??
"Anong gusto mong unuhin ko?"tanong niya.Anong klaseng tanong yun??Saan ba nag-uumpisa ang kwento diba sa umpisa??..
"Kahit saan"tanging nasagot ko..
"Ang Crudelis Academy ay isang ordinaryong paaralan noon,bago mamamatay ang asawa ng nagmamay-ari ng paaralang ito ang ama ni Madam Lydia si Dr.Argent.Isang sikat na scientist si Dr.Argent.Pinatayo niya ang paaralang ito para sa mga kabataan na gustong matuto tungkol sa Science.Sikat ang paaralang ito dahil sa mga experimentong nagagawa ng mga estudyanteng nag-aaral dito.Isang araw namatay si Mrs.Argent sa hindi malamang dahilan,nalungkot at naging balisa si Dr.Argent.Finucos niya ang sarili niya sa paggawa ng mga research tungkol sa muling pagkabuhay ng isang patay.Balak ni Dr.Argent na buhayin ang kaniyang asawa sa pamamagitan ng mga experimento niya.Ang unang naging subject ni Dr.Argent sa kanyang Experiment ay si Dr.Cross ang business partner niya nagturingan ang dalawa bilang tunay na mgakapatid kaya hindi makapaniwala ang lahat sa mga nangyari."