Prologue

6.2K 136 10
                                    

Khalee's Point of View.

"Kent, please! I'm begging you. Don't leave me" halos mawalan na ako ng boses ng sabihin ko yan sa kanya. Iyak na ako ng iyak, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala si Kent sa buhay ko. Mamatay ako.


"I'm sorry, Khalee. I don't love you anymore. May mahal na akong iba. Ayoko ng patagalin pa tong relasyon natin" matigas parin na wika niya samantalang ako durog na durog na ang puso ko—ang buong katawan ko.



"Please! Choose me. I promise that i will do anything just to make you happy wag mo lang akong iiwan. Please! Nagmamakaawa ako sayo, Kent. Love" mangiyak-ngiyak parin na wika ko habang naka-back hug sa kanya. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko hanggang sa maramdaman kong hinawakan nito ang kamay ko.



Is this the sign na hindi na niya ako iiwan? God! Please. Sana lang OO. Dahil hindi ko kakayanin kapag nawala siya. I really really loved him—so much.



"Khalee" iyon ang pinakamagandang musika na narinig ko buong buhay ko. Dahan-dahan siyang humarap sakin. Tinitigan niya ako, Oo. Nasasaktan siya, alam ko yan dahil nakikita ko sa mga mata niya.



"Don't leave me" wika ko habang nakatingin sa mata nito.


Hinawakan niya ang pisngi ko na kanina pa basang-basa dahil sa dami ng luhang tumutulo. He wiped my tears and after that nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Wala akong nagawa kundi ipikit ang mata ko. Naramdaman kong dumampi ang labi nito sa labi ko at doon na ako nakaramdam ng saya. Sobrang saya ko dahil alam kong hindi na niya ako iiwan.



Lord. Sana hindi lang ito panaginip. Sana totoo ito.




Pagkatapos ng halik na yun nananatili parin akong nakapikit. Dinadama ko ang halik niya.


"I-L-Y, Khalee" sabi nito. Hindi ko na nararamdamang nakahawak siya sakin pero nanatili parin akong nakapikit.


"Please, say it correctly, Love" sabi ko.



"I—I'm Leaving You, Khalee. I'm sorry" Biglang tumulo ang luha ko, literal na huminto ang tibok ng puso ko. pakiramdam ko gumuho ang mundo ko. Sana nga guguho na talaga. Sobrang sakit. Akala ko ok na kami, akala ko hindi na niya ako iiwan pero ginawa niya parin.



Milyong-milyong karayom ang tumutusok sa puso ko, hanggang ngayon nakapikit parin ko habang umiiyak. Ayokong dumilat dahil ayoko siyang makitang lumalayo mas masakit sakin na papanoorin ko siyang palayo sakin.




Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now