Chapter 1:

4K 89 47
                                    

Khalee's POV.

Pababa na ako sa hagdan ng mapansin ko ang salamin na nakasabit sa may wall namin. Agad akong umiwas dahil ayokong nakikita ang mukha ko. Oo! I have scars on face. Hindi ko alam kung napaano ito. Basta isang umaga nagising nalang ako sa hospital na may ganito sa mukha ko. Wala naman akong maalala kung bakit. Sabi nila na-disgrasya daw yung nasakyan kong taxi nun kaya na-ospital ako pero hindi ko maalala ang pangyayaring iyon, pero mabuti na din yun atleast hindi ko maalala ang trahedyang iyon. Hindi ko nga alam kung anong taon nangyari iyon eh. Wala. Wala akong maalala pero naaalala ko ang mga bagay na nangyari noon sadyang ang pagkaaksidente ko lang talaga ang hindi ko maalala.




"Ma. Diba sabi ko huwag na huwag po kayong mag-lalagay ng salamin sa kahit anong sulok ng bahay. Lagyan niyo na sa kwarto huwag lang dito sa labas" sabi ko kay Mama. Agad namang tinanggal nung yaya namin yung salamin sa wall.





"Anak, I'm sorry. I forgot" paumanhin ni Mama. Tumango lang ako bago nagtungo sa garden.




Minsan natutulala nalang ako at pilit na inaalala yung nangyari sakin dati pero sumasakit lang yung ulo ko. Naisip ko nalang na maglakad-lakad muna para naman malibang ako. Nagpaalam na ako kay mama na mamasyal muna ako.





Dumaan muna ako sa Coffee shop bago pupunta sa park. Lahat sila nakatingin sakin nang papasok na ako sa Shop, nakatakip kasi yung kalahati ng mukha ko kaya siguro akala nila multo, pero buti nalang binati ako nung mga empleyado doon. Hindi ko alam kung bakit nila ako kilala pero mabuti na din yun para naman kahit papano hindi ako maiilang sa kanila.




"Stra-strewberries and Cream Frappuccino for Ms. Khalee" patuloy nung babae bago binigay sakin yung receipt. Nagtataka lang ako kung bakit nila alam yung paborito ko.






"Ok, just wait for your order Ms. Khalee" sabi niya. Umupo muna ako saglit habang hinihintay na tawagin ang pangalan ko.







"Ms. Khalee. Here's your order" tawag sakin nung lalaki, tumayo agad ako upang kunin yung order ko ng biglang may kumuha ito mula sa tray.





"Hey! That's mine" bulyaw ko sa lalaking kumuha nun. Tinignan niya lang ako bago sumipsip.






"We have the same order, sayo nalang yung order ko. I need to go. Thanks!" sabi niya sabay sipsip sa inorder kong Frappuccino.






Ang kapal din ng mukha ng gagong to eh. Nangunguha ng hindi kanya. Dahil sa inis ko hinila ko ang damit nito.







"Hey! Bitawan mo nga ako!" Inis na wika nito sakin, binitawan ko naman ang damit nito.






"Ibalik mo sakin yan dahil akin yan!" Seryosong wika ko habang nakatitig sa kanya. Tinignan ako nito saglit bago sumipsip ulit.






Naglalaway na ako dito. Gago siya! Paborito ko pa yan tapos kukunin niya lang. Hindi ako papayag.






"Seriously Ms? Nabawasan ko na and may laway na din to. Don't tell me gusto mong tikman ang laway ko. Lips to lips nalang tayo, gusto mo?" Natatawang wika niya. Napakagat labi ako ng sabihin niya yun, lahat na yata ng tao sa paligid nakatingin samin. Nakakahiya!






"Yes! I want-" sabi ko sabay lapit sa kanya. "to throw this sweet frappuccino on your face! Stupid!" Nanggigil na wika ko bago inagaw yung hawak niyang frappuccino at tinapon sa mukha niya. Nanlaki pa ang mata nito sa ginawa ko.





"What the fvck!" Napamura pa ito.





"Iyan dapat ang ginagawa sa mga lalaking bastos at walang respeto sa mga babae! Nangunguha ng hindi kanya, siguro ganyan ka noh? Girlfriend ng iba, inaagaw mo!" Galit na wika ko sa kanya habang pinapunas ang mga nagkalat na cream sa mukha niya.





Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now