Sapphire's POV*Rinnnggg* Rinnnnggggg*
Ringgg*Rinnngg*Nagising ako sa nakakabwesit na tunog ng alarm clock dito sa kwarto ko. aisht! Bakit ba kailangang maaga pumasok? Di ba pweding hapon para maiba naman? Kabadtrip!
"FIRE! gising na! First day of school natin bilang koleheyo. Bawal tayo malate." Si Breyna yan isa sa mga kasama ko dito sa dorm na nirerentahan ko.
Tumayo na ako at naligo, nag handa nadin ako para sa pag pasok. Sana lang nag handa si Summer ng breakfast.
Nang natapos akong maligo at nag bihis ay bumababa nako para makakain.
-
"Goodmorning everybody! wait for me Zapire University!" Si Breyna na kasabay ko ding lumapas ng kwarto niya.
"tsk. Para namang hindi ka galing ng Zapire Univ. Last year! Tigilan mo nga ko Breyna" Si Summer yan
"oo nga naman! Akala mo talaga hindi siya galing dun kung makapag emote. Hahaha" sabat ko
Nakakaluko talaga mag react to si Breyna! Nakapa Oa ahm.
"Mag kaiba kaya yun, last year grade 12 tayo diba? Excited ako kasi sa wakas college na tayo. Omg! Di ba kayo excited dun?" anito na tuwang tuwa
Hindi naman halata na Saming tatlo siya talaga pinaka excited diba? Hays
"Excited naman kame, hindi nga lang kasing oa mo! Hahaha tara na nga mag breakfast." Sabi ni Summer
"Ah basta Excited talaga ko kaya wag kayo mang basag jan." Sabat naman niya.
---
Nang matapos kame kumain ng agahan, dumiretso na kame sa University na pinapasokan namin, actually dito din kame nag grade 11 and 12 nila Summer at Breyna.
Nag lakad lang kami papuntang school kasi malapit lang naman sa dorm namin tong bungad ng school, yun nga lang kailangan mong mag tricycle papasok, Para kasing nasa gitna ng gubat tong University namin e. Pag una ka ngang nag punta dito hindi mo mapag kakamalang may University pala sa loob nito. Pero ok nadin naman to, atleast tahimik dito kaya nga dito ako nag aral e. Ayuko kasi sa magulong school. Hindi din ganun kalaki tong school namin pero sobrang ganda naman, nakapa. Eligante padin tingnan kahit pa sabihing limang Building,gym at isang malaking field lang meron dito the rest puro puno na.
Hindi na nga nasisinagan tong school namin ng araw dahil puro puno e.
Pag dating namin ng mismong school dumiretso muna kame ng Cafeteria total medyo maaga pa naman.
"Bakit parang may pinag kakaguluhan yung mga tao dito?" tanong ni Breyna ng makaupo kame sa isang lamesa malapit sa bungad ng cafeteria.
"oo nga, napansin ko din pag pasok palang natin." sabi ko
Tamang tama kasi may pumasok na dati naming mga classmate.
"Karen! Hi!" bati ni breyna sa isa naming kakilala
"Oh hi breyna, hi summer, hi Sapphire! Dito pala ulet kayo nag aral. I thought lilipat kayo ng University" sabi ni karen
"Hindi no. Anyway, anong meron bakit parang may commotion na nagaganap sa mga studyante? Bulungan ng bulungan e." Si summer
"Hindi niyo ba nabalitaan?" sabat ng isa pa naming ex-classmate na si Joy ata.
"Taposin mo na kaya sasabihin mo, wag mo kaming bitinin." Pasyadong pa suspens e.
"aw sorry hahaha wala ka padin palang pasensya sa katawan, anyway ito na nga may lima kasing transferees sa school natin this year at sa pag kakaalam ko may mga bago din tayong mga prof." mahabang turan ni Joy.
"Ang oa naman pala nila masyadong mag react, ano naman ngayon kung may limang transferees?" Sabi ko na medyo na hihimigan ang pag kairita.
"Ano kaba?! Sobrang ganda at gwapo kaya nila! Hindi na nga sapat ang salitang gwapo't maganda para idescribe sila e." sabi naman ni Karen
"Oh my gosh! Talaga ba? Nakita niyo?" tanong ni Breyna
"Hindi, pero yun yung sabi ng mga nakakita sa kanila." Ani ni karen
"Ngek?! Hindi niyo naman pala nakita pero ganyan kayo makareact. Hahaha" natatawang sabi ni Summer
"HOY ANO PINAG UUSAPAN NIYO?!! SALI KAME!" si Elison, isa sa mga pinaka close friend namin.
"Grabe Eson mag kakaheart attack kame dahil jan sa bunga-nga mo." yamot na sabi ni Summer.
"tsk. Don't me sam alam ko naman na namiss mo lang ako e." pang aasar na balik nito.
"Kapal mo talaga kahit kilan Eson! Tska please lang stop calling me sam" asar na sabi ni Summer
"
Ang ganda kaya ng Sam, bakit ba ayaw mo?" si Elison
"Tumigil na kayong dalawa! Hindi nanaman kayo matatapos kakabangayan niyo e." Singin naman ni Zen sa ginta ng pag babangayan ng dalawa.
Si zen talaga taga awat ng dalawang yan e. Hahaha matatawa ka nalang talaga sa kanila kasi walang gustong mag patalo sa kanila, ikaw nalang susuko.
"Tara na! Mag s-start na class natin. BSAD kayong tatlo diba?" tanong ni Zen saming tatlo
"oo, kayo din?" tanong ko din
"Yes, so tara sabay sabay na tayo. Iisang class lang tayo malamang." Si Elison yan sabay Hila samin palabas ng cafeteria.
"Ang lamig mo Eson, why is that?" Si Breyna
"Because im cool. Hahaha" tagot naman niya
"tsk. Cool mo muka mo." engos ni summer sa sinabi ni Elison
"Wag mo nanaman akong simulan sam ah!"
"Ops! Tumigil kana summer." pag aawat nanaman ni Zen. "Tara na kailangan nating mag madali, kasi kung mag aaway pa kayo jan malamang malalate tayo."
At pumasok na nga kame ng aming first class.
----
[A/N]SORRY KUNG PANGET. TATRY KO LANG GUMAWA NG VAMPIRE STORY.
EXCUSE THE WRONG GRAMMAR AND TYPOS. THANKS!^^ -Jellyice
YOU ARE READING
THE OUTSIDERS (Pure Blood Series #1)
VampireNormal sila kung mag salita at kumilos, may magagandang balat at mga mata, Sa palagay ko nga sila palang yung nakita kong ganyan ka perpekto ang mga katawan at itsura. Kung titingnan, wala kana talagang maipipintas o masasabi manlang sa kanila. Pero...