Admiration, secret crush
"Sino naman kayang tatanga-tangang tatambay sa favourite spot ko?"
Irita kong sabi habang papalapit ako sa puno ng Narra sa likod ng school. Dito kasi ang tambayan ko, resting place. Pag nandito ako feeling ko sobrang payapa ng mundo. Kaya naman kapag may nakikita akong tumatambay dito or kahit ng P-PDA, nag iinit ang ulo ko.
"Hoy sino ka--"
Natigilan ako ng makita ko ng tuluyan ang 'tambay' sa pwesto ko. Nag kanda buhol buhol na ang dila ko at I know, nakaramdam ako ng pag-init ng pisngi ko.
Shit, si Edward John Barber.
Ang student council president, soccer varsity player, ang campus heartthrob at ang ultimate crush ko.
Of course hindi alam ng lahat to, maski na ang best friends kong sila Kisses, Kristine at Fenech walang alam dito. Ayoko kayang putaktihin ng hate notes no! Madami kasing nagkakandarapa sa kanya, unang una na ang campus queen b... itch, si Heaven.
Umupo ako sa tabi niya making sure to keep a right distance para hindi siya magising. Prenteng prente siyang nakaupo, nakasandal sa puno, nakapikit ang mga mata habang nalulunod sa kawalan dahil sa music na tumutugtog sa earphone niya.
"Ang gwapo mo talaga..." hindi ko mapigilang sabihin pero syempre pabulong lang.
Sigh.
Tinitigan ko yung muka niya. He looks so peaceful.. and cute? Hehe ibang iba sa Edward na gumagala sa campus. Yung masungit at full of authority. Yung Edward ngayon, parang isang cute na puppy na natutulog. Sarap iuwi!
"Ang haba pala ng pilikmata mo no? Tapos ang tangos ng ilong mo, tapos yung lips mo.. kissable." Dirediretso kong sabi. For sure naman ako di niya naririnig 'to. Una, tulog siya. Pangalawa, naka earphone siya. Kaya kahit anong sabihin ko, wala siyang maririnig.
"Kilala mo ba ako? Ha? For sure kasi ako, hindi. Magkaiba naman tayo section. Section A ka, section B naman ako. Tapos di naman ako kapansin pansin sa campus, pero kilala mo ba ako ha? Edwardo?" Natatawa kong sabi, "Hindi naman ako sing ganda ng mga nagkakandarapa sa'yo. Yung heaven na yun? Bitch yun eh! Char! Pero gustong gusto ka nun. Hehe"
Napatingin nalang ako sa langit habang ninamnam ang moment na 'to. Aba minsan lang mangyari na makatabi ko ang isang Edward John Barber no.
"Hay, mahirap ba magkaroon ng pogi problems? Mahirap bang habulin ng kakababaihan sa campus? Siguro madami ka nading girlfriend ano? Ang gwapo mo kaya, ang talino mo pa. Balita ko, mayaman ka din daw. Uy di ako stalker ha. Sadyang chismosa lang mga kaibigan ko."
Siguro parang tanga na ako ditong nakikipagusap sa lalaking di naman ako naririnig pero isa na to sa pinaka masaya at nakakatawang katangahan ko.
"Alam mo.. galing na galing ako sa'yo. Pano mo napagsasabay yun? Varsity ka, student council president pa. Tapos balita ko, top 1 ka pa sa section nyo. Eh ako nga e, choir lang di na magkaugaga."
Pinitas ko ang damo sa gilid ko, seryoso. Kinutkot ko na ata lahat ng pwedeng kutkutin dito sa tabi ko. Nakakakaba bai.
"Pero alam mo, dahil don.. mas lalo mo akong napahanga. Mas lalo kitang nakilala. Na hindi ka lang pala yung Edward na masungit or yung Edward na varsity player at student council president kundi yung Edward na matyaga, maalaga, mabait. Akala ko ang yabang yabang mo, pero kabaliktaran pala ng lahat."
Napangiti na lang ako. I don't even know why I'm saying this. Siguro kasi chance na 'to or kahit anong sabihin ko, alam kong di niya maririnig. Kailangan ko lang sigurong ilabas tong nararamdaman ko.

BINABASA MO ANG
Passé Cliché
Novela JuvenilDrabbles/one-shots that give a glimpse into Edward and Maymay's life together. A love story told in snapshots.