Napatigil ako sa pagdadrama ko noong may biglang lumapit sa desk ko. Isang matangkad na lalake.
Nasa Wedding Shop ako ngayon. Ako ang naka-toka sa table para mag-intertain ng costumers habang yung isang kasama ko eh may kausap sa phone.
"Y-yes, sir?"
Bakit napaka familiar ata ng boses nya? Bakit nakaka-intimidate ang taong to?
Nakapamewang sya habang iginagala ang paningin sa loob ng shop.
Ang ganda ng mukha nya. Kung iimaginin ko man si Blaze, siguro mukha nya ang pinakamaganda sa imagination ko.
"Magpapa-coordinate sana ako for my wedding."
Sabi nya sabay tingin sa akin. Nag-eecho sa tenga ko ang word na wedding.
Ikakasal na pala ang lalakeng ito? God, Geng. Nasasaktan ka na naman ba? Bakit? Sa katangahan mo umaasa ka na namang sya si Blaze? Awat na Geng.
"Miss, I said magpapa-coordinate ako."
He snap his fingers on my face kaya nagising naman ako bigla.
God, nakakahiya na talaga to.
"Okay ka lang Geng?"
Napatanong sa akin ang kasama ko.
"Oo, Im really sorry sir."
Nakakahiya talaga.
Dinala ko nalang yung costumer sa may recieving area ng shop. May dalawang magkaharap na sofa roon at isang table sa gitna na gawa sa glass.
"My friend recommended you kaya I personally came here in your shop for the information's."
Napaka-englishero, parang si Blaze.
"Thank you for choosing us sir. So, kaylan po ang target date nyo for the wedding?"
Tanong ko sabay tingin sa notebook na nasa lap ko.
Geng, umayos ka.
Hindi ko kayang tumingin ng diretso sa mata nya. Nakakatunaw kasi, ang lalim ng tingin nya.
"Its a christmas wedding at twenty-fifth midnight. I want a beach wedding."
Nagsimula na ako sa pagsusulat ng mga information na gusto nya.
Sino naman kaya ang babaeng papakasalan ng lalakeng ito? Kung sino man sya, napaka swerte nya. Minsan lang mangyari na hands-on ang groom eh, madalas kasi bride yung madalas na nag-aasikaso ng kasal.
"What do you think about the wedding gown's sir?"
Sabi ko habang inililibot ko sya sa loob ng shop. Ikalawang araw na ito ng preperation namin. Malapit na rin kasi ang pasko kaya kaylangan na ng paspasan.
"Dont you have christmas costumes?"
Weird akong napatingin kay sir dela Vega. Christmas costumes?
"The girl I want to mary loves Santa Claus very much. Im jelous that she might love him than she loves me, but I also love her very much. I want to be her Santa Claus."
Napapailing na sabi nya.
He loves his girlfriend that much. Napaka swerte ng babaeng yun.
"Hey,miss. Okay ka lang?"
Napatingin ako ulit sa kanya saka tumango.
Kumusta na kaya si Blaze?
"You must be missing someone."
Ngiti lang ang isinagot ko sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
I Wish Love on Christmas
Short StoryCharacters Diary~~~~~~~ Does forever really exist? HIndi ko alam. Hahaha. Diary, natutunan ko sa buhay ko na ang love pala dumadating sa mga oras na least mo syang ineexpect. Love sometimes just pass us by, and when it did you dont have to run after...