("Blaze.")
Ano? Blaze?
"Wala akong kilalang Blaze. Paano mo ako nakilala? Saan mo nakuha yung number namin?"("Too many questions. C u. Cant wait till tonight.")
Napakagat labi ako. Shemay. Text palang yan Geng. Wag mo sabihing nafo-fall ka? Agad-agad? Ura-urada besh?
Nailapag ko nalang ang cellphone ko sa mesa habang napapakagat labi.
Grabe, kritikal na 'to.************
Kakahiga ko pa lang sa kama noong nag-ring agad ang cellphone ko. Bigla akong tinamaan ng kaba noong malaman kong si Blaze na nga ang tumatawag.Wusshh. Gemma talaga. Bakit ba naman kasi ako kinakabahan?
"Hello?"
Sagot ko sa tawag."Hey."
Hey? Nagwawala na agad ang loob ko dahil sa hey? God. Nababaliw na ata ako.Yung hey nya ang nagpataas ng conversation namin. Alas-tres na ng madaling araw noong mapagpasyahan nyang matulog. Ngunit kahit konte naman hindi ako dinapuan ng antok. Para kasing kape ang boses nya na pinipigilan ang antok ko. That night, he even sang a song for me. Napaka-shemay pero kinilig ako ng todo.
Mula nun, parang hindi na nagmamatter sa akin kung sino sya. Naging kontento ako sa mga bagay basta ba nakakausap ko sya. I even gave him my personal number. Hindi na baleng hindi ko kilala ang buong pangalan nya. As long as nandyan sya na nakikinig sa akin tuwing sinusumpong ako, sa tuwing naiinis ako, at sa tuwing bored ako. Dumating na talaga sa point na sobrang komportable ko na sa kanya. Every minute kinukumusta nya ako, tumatawag sya tuwing gabi at tinatanong kung kumusta ang araw ko. Parang may something na, pero walang label.
One day palabas ako ng Wedding Shop noong nilapitan ako bigla nung classmate ko noong college na nagtatrabaho sa bangko na nasa harap ng shop.
"Geng, pinapabigay ni Blaze."
Nanlaki ang mata ko sa sinabing iyon ng kababata at former classmate ko na si Rosalie.
Paano nya nakilala si Blaze? Bakit nya kilala si Blaze? Sobrang gulong-gulo ko na halos hindi ako nakapagsalita. Para akong robot habang tinatanggap yung flowers, chocolate at teddy bear na iniabot nya. Nginitian lang nya ako bago sya muling pumasok sa loob ng bangko.Tinext ko si Rosalie, pero hindi nya ako nireplyan.
Naisip ko na baka classmate ko rin si Blaze noong college na nakalimutan ko lang kaya kinontact ko ang iba ko pang former batchmates. Pero sabi nila wala raw silang kilalang Blaze. Damn, sino ba talaga si Blaze?Lumipas ang mga araw at panibagong gifts na naman ang natanggap ko galing kay Blaze. This time, yung bata naman na anak ng kapitbahay namin ang nagbigay. Nagtano-tanong ako sa mga kapitbahay namin pero wala rin daw silang kilalang Blaze.
Hanggang dumating ang araw na hindi na nagpaparamdam si Blaze. Kahit anong text ko sa kanya hindi na sya nagrereply. Ano na bang nangyayari sa kanya? I missed him a lot. Tanga-tanga ko kasi napapaiyak nalang ako bigla dahil sa pagka-miss sa kanya.
One night sinubukan ko ulit syang tawagan. Ika-apat na araw na nya ngayong hindi nagpaparamdam.Nag-ring na yung phone. Mabuti naman at nakokontak ko na sya ngayon. Ilang ring pa hanggang sa may sumagot. Pero na-end ko bigla ang tawag noong boses ng babe ang sumagot.
Napatanga nalang ako. Feeling ko nababasag yung puso ko, even though hindi naman kami. Most especially, hindi ko kilala si Blaze at wala namang kami. Why do I have to feel this way?
Kinabukasan I tried to be okay sa trabaho. Kahit na halos wala akong tulog kagabi kakaisip sa lalakeng yun. Tanga-tanga ko kasi talaga eh. Bakit ba ako na-fall sa lalakeng hindi ko kilala? What if pinagtitripan lang pala ako ng taong yun? What if by now eh tawang-tawa na yun sa katangahan ko? Naisip ko ba yan bago ako nahulog sa kanya? Ang tanga ko.
Umiiyak na naman ako. How did he made me feel this way?"Excuse me."
Napatigil ako sa pagdadrama ko noong may biglang lumapit sa desk ko. Isang matangkad na lalake.
Ms. Em: Yung may gift part. Talagang nangyari yan. <3
BINABASA MO ANG
I Wish Love on Christmas
Historia CortaCharacters Diary~~~~~~~ Does forever really exist? HIndi ko alam. Hahaha. Diary, natutunan ko sa buhay ko na ang love pala dumadating sa mga oras na least mo syang ineexpect. Love sometimes just pass us by, and when it did you dont have to run after...