Perfect
" OK, Seraphina, that's good,now face the camera and smile! "ani tita belle habang kinukuhanan ako ng litrato na ilalaban para sa metro magazine ngayong taon
Hinawi ko ang aking medyo magulong buhok sa isang bahagi ng aking balikat at ngumiti.
" wow!,ang ganda ng model na iyan sino siya?" Rinig ko ang bulung-bulungan sa aking paligid. Ang mga make up artist, mga janitress, at ang mga crew dito sa loob ng studio
"Ano ka ba hindi mo pa ba siya nakikita sa mga billboard dito sa Manila? O kaya'y sa mga sikat na magazine??" Patanong na sagot ng isa sa mga may hawak ng make up doon sa mukhang bago. Pero magandang Babae.
Hindi ko mapigilang makinig at mapangiti dahil sa mga papuri na sinasambit nila sa akin.
Umiling ang babae at yumuko
" siya ang nagiisang babae sa crimson family, yoong sikat na pamilya sa ating bansa dahil sa mga malalaki at malalago nilang negosyo, at siya rin ang isa sa mga nangungunang female model sa buong asya " nanlaki ang mata nang babae habang pinoproseso ang kaniyang narinig doon sa make up artist.
Ramdam ko ang sabay nilang pagsulyap sa aking kinaroroonan, nahiya akong sumulyap pabalik kasi baka malaman nilang nakikinig ako sa kanilang usapan. At isa pa gusto ko rin malaman kung ano pa ang tingin ng mga tao sa paligid tungkol sa akin .
" OK show some little of your skin miss and try to find your angle" nabaling ang aking atensyon Kay tita belle na ngayon ay tinitingnan ang nasa monitor.
Hinawi ko ang damit na nasa aking balikat at umangulo roon at ngumiti., rinig ko naman ang palakpak Ni tita Belle habang masayang tinatapik ang photographer, at kasabay nito ang pag sambit niya ng salitang 'perfect'
" Alam mo, ang swerte niya," ani make up artist at bahagyang nalungkot.
" paano mo naman nasabi?" Inosenteng tanong no'ng mukhang probinsyana
" kasi ang perpekto ng buhay niya,.....maganda siya, matalino, mayaman, at talentado.....siguro kung ako siya gagawin ko na ang lahat ng gusto Kong gawin sa buhay ko" aniya
Bahagya akong napatikhim dahil sa aking narinig. iba ang nakikita nila sa akin
" oo nga ano., pero ang tanong ,mabait ba siya?" Agad na nanlaki ang mata ng make up artist at saka siya hinarap sabay hawak sa kaniyang dalawang braso at bahagyang iyinugyog ito
" seriously tinanong mo ba iyan?........sa lahat ata ng mga nakilala Kong angat sa buhay siya lang ata ang marunong manlibre sa mga empleyado niya araw araw, at isa pa, ang swerte ng mga katulong at janitress na hawak niya kasi binibigyan niya ng 30 minutes break sa kalagitnaan ng trabaho. Ngayon, masasabi mo bang hindi siya mabait ?"
Bahagya akong napangiti,at nakaramdan ng paginit sa aking pisngi . dahil kahit pala sa konting bagay na aking naitutulong sa kanila ay na-a-appreciate nila ito ng buong puso
Pero bakit sa kabila ng pagiging perpekto at maswerte sa harap ng maraming tao ay parang may mali at parang may kulang sa aking pagkatao..........
"Mayroon pa akong isang tanong .." Napatango ang babae dahil sa kaniyang nalaman ngunit mas lalong kumislap ang kaniyang mata nang ibinaling ang usapan sa magazine na kaniyang napulot sa ilalim ng lamesa
" sino iyong mga lalaki na nasa magazine na may malaking C sa mga signature. Ganoon din kasi ang nasa magazine ni miss seraphina?"
Biglang nagliwanag ang mukha ng kaniyang kausap nang marealize ang sinabi nito
" ahh yo'ng crimboys ba?..........sila ang mga pinsan Ni miss Seraphina, ang gu-gwapo nila ano!"......tili Ni miss M.U.A habang tinuturo ang mga pictures ng mga pinsan ko sa magazine
YOU ARE READING
Almost Perfect Nymph
Romance" no body's perfect " Seraphina Xyrinx Crimson is the one and only girl in a very famous,rich,and powerful family in the country Being this famous is not easy you need to face the pressure that the world was giving to you.... Lahat ng tao ang Tingi...