Chapter 5

29.9K 285 54
                                    

Ito na ang inaabangan ng MinZhan diyan. XDD

**

Minzy's POV

Nakayakap lang sakin sa likuran si Zhander. Pinupuno niya lahat ng kaligayahan ko. Mahal ko talaga siya. At ilang beses ko mang sabihin na mahal ko siya ay hindi ako magsasawa. Basta mahal mo ang isang tao ay walang dahilan para itigil pagmamahal mo dito.

"Let's go home.." Sabi niya malapit sa tainga ko.

"Let's go." Sabi ko din.

Inalalayan niya ako papasok sa kotse.  "Gentleman.." Pagbibiro ko.

"I should. Para naman mapunan ko ang mga pagkukulang ko nung hindi pa kita mahal noon.' Sabi niya at sinara na yung pinto ng kotse. 

Panay landas ng tingin sakin ni Zhander habang nagmamaneho siya. Nakangiti siya at randam kong masaya siya. Nakahawak yung isa niyang kamay sa manabela. Yung isa naman niya ay nakahawak sakin. Balak ko sanang bawiin dahil sa hiya pero nadala yung kamay niya sa hita ko. Naramdaman ko yung init ng palad niya. Agad niya rin itong tinanggal.

"I'm sorry." Sabi niya at inalagay na yung parehas niyang kamay sa manibela.

Nung malapit na kami sa bahay ay biglang huminto yung kotse niya. "Shit!" Sabi niya at tinatry na -start uli ang sasakyan.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Nasiraan yata ako." Sabi nya. "Nang kotse. Pero nasiraan ng ulo dahil sa'yo ay matagal na." Sabi niya ng nakangiti. Biglang tumibok nanaman ng mabilis ang puso ko.

Bumaba siya para tignan yung sira ng kotse. Medyo malapit na yung bahay namin dito sa kanto. Bumaba na rin ako para magpaalam.

"Diyan na naman yung bahay namin. Lakad nalang ako." Prisinta ko.

"No! Ihahatid kita." Sabi niya.

Biglang bumuhos yung ulan ng napaka lakas. "Shit! Inside.." Sabi ni Zhander at inalok ako sa loob ng kotse. 

Pero mukhang naka-lock at nasa loob ang susi. "Fvck!" Sabi niya at pinandungan ako.

"Basa ka na. Tara sa bahay. Doon na tayo sa loob. Malapit na naman." Sabi ko.

Agad naman siyang sumang ayon at nagtakbo kami papunta sa bahay namin. Basang basa kami nung nakarating kami sa loob ng bahay. Tahimik at mukhang walan na si kuya kaya safe sa tanungan. 

"Sige, Alis na ako..' Sabi ni Zhander.

Pinigilan ko siya sa paglakad. "No! Ang lakas ng ulan. Hindi ka makakapasok sa kotse mo. At basang basa ka pa. Kaylangan mong magpalit ng damit. " Concerned kong sabi.

Another RoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon