Chapter 10

3.8K 75 14
                                    

"Wake up sleepy head!" panggigising sakin ni Amerie.

"Inaantok pa ako pwede bang mamaya na lang?" sabi ko sabay talukbong ng kumot.

"No Baby. You need to wake up now." pangungulit nito.

Kainis ayoko pa nga kaseng bumangon! Puyat kaya ako kagabi as in!

Hindi pa ba siya nasiyahan nun sa ginawa niya? Kakapapak sa leeg ko at saan mang parte ng katawan ko na maabutan at madampian ng labi niya?!

Nandyan kang kagat-kagatin braso ko, panggigilan ang pisngi ko, paulanan ng halik leeg ko hanggang tenga ko. Ang pinaka malupit gusto pa niya talaga akong paupuin sa lap niya para daw mas mayakap niya ako ng mahigpit. Bagay na talagang tinanggihan ko.

Hindi lang ako makakibo kase kahit anong tutol ko naman siya pa din pati yung gusto din naman niya ang masusunod. So anong use nag pag tutol ko diba? Mapapasama lang ako at gagawin pa niyang mas malala yung trip niya sakin.

Kahit naman humihingi na ako ng tulong sa Ate ko kagabi tinatawanan lang niya ako. Grabe diba? Tino-torture na ang sariling kapatid siya ayun walang ginawa kundi ang tawanan lang ako. Tinuturuan pa niya talaga si Amerie ng gagawin. At yung isa naman susunod din. Sino kawawa, edi AKO! Sino nasarapan, edi SIYA! Sino ang natuwa edi, ATE KO!

Urgh pero ang lala ni Amerie ngayon sobra. Oo na-miss ko talaga siya, yung mga halik niya, her scent, and every inch of her. Pero wow naman oh nalulunod ako sa ginagawa niyang pag bawi kuno sa mga bagay na na-missed at mga hindi niya nagawa.

"Nako good luck sayo kung mapilit mong magising na yan." rinig kong sabi ni Ate.

"Huh! Ako pa ba Ghie? Tignan natin kung hanggang saan ang katigasan ng ulo ng kapatid mo." teka nag babanta ba siya sa lagay na yan? Dapat na ba akong maalerto at kabahan ngayon?

"Al ano tatayo ka ba talaga dyan o kaya naman mas gusto mong pati yang kama mo ang buhatin ko na lang din hanggang sa labas."

"Jeez Amerie." nabuhayan ako bigla kase nag salita na ulit si Ate! Sige lang Ate ipag tanggol mo naman ako sa babaeng ito kahit ngayon lang! Isa ka pa eh I mean kagabi ka pa din eh! "Alam mo dun na lang din ako sa choice na sige buhatin mo na nga siya hanggang labas. HAHAHA! Pero Friend huwag mo akong matawag tawag kapag nabigatan ka sa kama ha!"

Ahy wow! Ayun oh nalintikan na! Kumampi pa ba talaga kay Amerie? Grabe ang friendship na meron sila ah! Suportado pa niya sa mga kabulastugan ng kaibigan niya! Parang hindi niya ako talaga kapatid kung isugo ako sa babaeng ito ah!

Naramdaman kong may humiklat ng kumot ko at nakita ko si Amerie yun na nakapamewang.

"Eto na eto na. Gising na ako oh. Tatayo na nga eh." takot ko lang na gawin nga niya yung sinabi niya.

Mamaya sumpungin pa siya ng kabaliwan niya at kung ano pang gawin niya sakin habang buhat niya.

"Susunod ka din pala kailangan pang tinatakot." pagtataray nito. Wala talagang tatalo sa katarayan nitong babaeng ito.

Kaagad kong kinuha ang towel ko pati ang damit ko na inihanda ko kagabi pa. Agad na akong pumasok sa banyo at ni-lock ko ang sarili ko sa loob.

Baka kase mamaya niyan sumunod pa sa dito si Amerie. Eh malaki din talaga topak nun.

Laking gulat ko ng makita ko na nasa loob pala ng banyo yung Koreanang hilaw!

"Oh? Good Morning Ally."

"Go-good morning din. Sorry hindi ko kase alam na nandito ka pala."

"Nah. Okay lang yun wala namang problema eh." nakangiti nitong sabi.

What? My EX-GF is now our new Teacher?! (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon