Mikee
"Mikee, gumising ka na! Naglasing ka nanaman eh!"
"Five minutes"
"Kanina pa yang five minutes mo hoy!"
"Mikee ko, gising na"
"Ito na babangon na" umupo ako at tsaka hinarap si kuya na kanina pa ko ginigising
"Aantayin na lang kita sa baba ah? Ayusin mo sarili mo Mikee, please" pakiusap nito
Tumingin lang ako dito at tsaka ito nginitian at tinanguan. Tumango lang din ito at tsaka lumabas ng kwarto ko.
Pag labas na pag labas ni kuya agad naman akong sumandal at hinilot ang ulo ko. Hangover, ito na ata ang talent ko na walang makakatalo. Dun lang ako magaling...
*Flashback*
"Hoy, Mikee! Lasing ka na gago umuwi na tayo"
"Pare, isa na lang to oh"
"Pre, umuwi na tayo may pasok na tayo bukas oh"
"Isa na lang, isa na lang talaga" pakiusap ko
"Tsk! Bahala ka nga, mag c-c.r lang ako, pag balik ko uuwi na tayo" sabi nito at tsaka ako iniwan mag isa
"Para sa mga sawi!!!" Sigaw ko at tsaka inangat ang bote ng beer
"Cheers!" Sigaw naman ng isang babaeng nakaupo sa may likuran ko
Agad ko naman itong nilingon at nakita ko ang isang babaeng umiinom ng beer, sira sira ang make-up kakaiyak at tsaka humihikbi habang umiinom.
"Heartbroken ka din?" Tanong ko dito
Ngumiti ito ng mapait at tsaka ako nilingon. Halos magkalapit lang ang upuan kaya naman nakita ko ang lungkot ng mga mata nito.
"Bakit ba lahat kayo nang iiwan?" Tanong nito sakin
"Bakit kayo? Magulo ang utak?" Tanong ko dito
"Nakakapagod magmahal" nagpunas ito ng luha at tsaka tumingin sakin "Ikaw? Magmamahal ka pa ba?" Tanong nito
"Wala... Wala pa kong first love" sabi ko dito at tsaka tumawa ng mapait
"Huh? Eh bakit ka heartbroken?" Pagtataka nito
Wala akong sineryoso... Pero yung bestfriend ko na gustong gusto ko nagkaroon na ng boyfriend... Yan ang totoo...
"Wala pa kong nagiging girlfriend" pagsisinungaling ko "Basted" isa pang pagsisinungaling ko
"Poor you" sabi nito at tsaka inubos ang baso ng beer niya
"Anong name mo?" Tanong ko dito
"Bakit kailangan mo malaman?" Tanong nito
"O sige, kung ayaw mo sakin magpakilala, bakit ka iniwan?" Tanong ko dito
Natigilan ito at tsaka huminga ng malalim at tumingin sakin.
"Nalaman niya na kasi" sagot nito
"Anong nalaman niya?" Tanong ko dito
"Mikee tara na pre!"
*End of Flashback*
"Mikee, tara na"
At yun... Yun ang unang beses na nakita ko siya. Ang babaeng magbabago pala ng buhay ko. Ang babaeng matatawag na rin natin na first love ko..
BINABASA MO ANG
First Last Love
FanfictionNaniwala pa ba kayo sa first love? Yung unang kita mo pa lang tumibok na agad puso mo, yung hindi mo maalis ngiti mo kapag kausap at kasama mo siya, yung nakakadama ka ng kakaibang saya kapag kayong dalawa yung nag uusap at magkasama, yung walang ib...