Kami

0 0 0
                                    

Mikee's POV

"Mikee, alam ko may atraso ako sayo... Hindi ko na mababalik."

"Oo naman, di mo na talaga mababalik yun, Bryle"

"I'm sorry, Mikee. Malaki atraso ko sayo at alam ko na kahit na anong gawin ko hindi mo na ko mapapatawad pero sa maniwala ka man o hindi... Siya mismo nagsabi sakin na gawin ko yun"

"Tama na Bryle! Tigilan mo na!"

"Mikee maniwala ka naman sakin"

"Hindi! Kahit kailan hindi ako maniniwala sayo at kahit kailan hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sakin!"



*Flashback*

"Pre, lakas ng tama mo dun sa bagong chic ah?" Sabi ni Bryle habang nagsisindi ng sigarilyo

"Mabait siya" sabi ko dito at tsaka tumingin dito "At masaya kausap"

"Seryosohan na ba yan?" Tanong nito sakin at tsaka tumingin sakin

"Hmm... Di ko pa alam" ngumiti ako ulit dito at tsaka nagsimulang maglakad palayo

"San ka punta?" Nagtatakang tanong nito sakin

"Kita na lang tayo bukas pre" paalam ko dito at tsaka tumakbo palayo


[Bell]

"Ang hirap naman ng requirements"

"Oo nga eh, puro projects"

"Miss Tricia, miss tricia!" Sigaw ko ng tuloy tuloy silang maglakad ng kausap niya

Agad naman napalingon... Napalingon lahat ng lumabas ng room.

"Hi" sabi ko at tsaka nginitian si Tricia

"Pano mong..."

"Uh.. Student assistant kasi friend ko so..."

"So sinusundan mo ko?" Tanong nito

Lumapit naman ako sa kanya at tsaka ito nginitian.

"Oo, parang ganun na nga" sabi ko dito

"Then, leave me alone?" Pagsusungit nito

"Pero gusto kong makipagkaibigan" sabi ko dito

"Mr. Mikee, alam ko na ganyang style ninyo okay? Please? Tigilan mo ko" sabi nito at tsaka ako tinalikuran pero agad ko naman hinawakan ang kamay nito para pigilan

"Ms. Tricia, alam ko heartbroken ka pa and walang tiwala sa mga lalaki pero I'm telling you... Okay lang ako makipagkaibigan sayo" sabi ko dito

Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali kapag hindi ko siya nakikita. Mas lalong hindi ako papayag ng hindi ko siya makita kaya naman nang hawakan ko ang kamay ko pakiramdam ko hindi ko na kayang bitawan pa.

"Okay" pag sang ayon nito sakin "Friends" hanggang dun lang yun

"Friends" sabi ko dito at tsaka siya nginitian

"Hindi ko ba ko papakilala?"

"Ah, oo nga pala, friend ko si Kathy" pakilala niya sa kaibigan niya

"Hi Kathy" pagbati ko dito at tsaka muling tumingin kay Tricia

"Anong... Meron?" Pagtataka niya

"Labas tayo?" Tanong ko dito


"Akala ko ba nagkaintindihan tayo na friends?" Tanong nito sakin

First Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon