Siya

0 0 0
                                    

Mikee's POV

"Daanan natin si Bryle" sabi ni kuya habang nag aayos ng seatbelt niya

"Bakit? Malapit lang naman siya dun ah?" Tanong ko dito

"Well, hindi niya pa kaya na magdrive" sabi nito at tsaka tinuro ang seatbelt ko

"Ayoko siyang makita" sabi ko dito at tsaka inayos ang seatbelt ko

"Mikee, kaibigan mo si Bryle" sabi nito at tsaka nagsimulang magdrive

"Kaibigan ba talaga?" Tanong ko dito

*Flashback*

"Sakit ng ulo ko pucha" reklamo ko habang naglalakad sa hallway

"Gago ka kasi eh, sabi ko umuwi na tayo pero inom ka parin ng inom" sabi ni Bryle, bestfriend ko

"Tsss, iniwan mo rin naman ako diba?" Sabi ko dito at tsaka inagaw ang kape na iniinom niya

"Bakit? May pinopormahan ka naman diba? Sino nga ba yun?" Tanong nito sakin habang may mapang asar na tingin sakin

"Wala yun, di ko nga nakilala eh" sabi ko dito at tsaka naunang maglakad sa kanya para hanapin kung anong room namin

"ARAY!" Sabay namin reklamo ng magkauntugan ang mga ulo namin

"IKAW?" Sabay nanaman namin sabi nang magtagpo ang mga mata namin

"Hi" bati ko dito at tsaka tinanggal ang shades na suot ko dahil sa hangover

"Hi" sabi nito habang ngumingiti na parang hindi alam kung anong gagawin

"Hangover?" Pang aasar ko dito habang tinuturo ang shades niya

"Ah" sabi niya habang hinahawakan ang shades niya "Oo" sabi nito at tsaka dahan dahan niyang tinanggal ang shades na suot niya

Dun ko rin nakita kung gaano siya kaganda. Oo nakita ko siya sa bar pero madilim dun at puro party lights kaya ngayon ko lang nakita na ganito pala siya kagada.

"So, bago ka dito. Anong klase mo?" Tanong ko dito

"Langya naman pare iniwan mo naman ako dun" reklamo ni Bryle

"Una na ko ah? Hinahanap ko pa class ko eh" sabi sakin bigla ni...

"Ano nga pala name mo?" Tanong ko sa kanya "Siguro naman pwede mo ng bigay sakin name mo?" Nginitian ko ito at tsaka nag offer ng kamay ko "I'm Mikee" pakilala ko dito

Pero nang aabutin niya na ang kamay ko bigla naman nag ring ang bell.

"Sorry ah? Next time na lang siguro" sabi nito at tsaka nagmamadaling umalis

"Sino yun pre?" Tanong sakin ni Bryle

Napangiti lang ako habang tinitignan siya na nagmamadaling maglakad para hanapin ang room niya.

[Room]

"Bryle pare!" Sigaw ni Kenneth na isa pa sa mga nakaka inuman namin

"Pre musta? Sino nanaman bago mo?" Tanong ni Bryle habang tumatabi dito

"Nung summer? Si Samantha Davis pero ngayon? I'm targeting the new girl" sabi nito habang may nakakalokong ngiti

"Sino?" Tanong ko dito

Tinuro niya naman ang babaeng naka upo sa sulok at nagbabasa ng libro.

"Hindi" sabi ko kay Kenneth "Hindi mo siya liligawan" pag uulit ko at tsaka lumapit sa babaeng naka upo sa may sulok

Tumayo ako sa may harapan nito at tsaka siya tinitigan. Ni hindi ito nag abalang tignan kung sino ba ang nasa harapan niya dahil sa pagbabasa niya.

"May utang ka pa sakin" sabi ko dito

Nagulat naman siya at tsaka dahan dahan na tumingin sakin.  Napangiti naman ito at tsaka napa iling nang makita niyang ako ang kumausap sa kanya.

"Ano utang ko sayo? Mr.?" Tanong nito sakin

"Mikee" pakilala ko ulit dito

"Mr. Mikee, anong utang ko sayo?" Tanong nito sakin

"Your name?" Tanong ko dito at tsaka muling inoffer ang kamay ko sa kanya

"Tricia" pakilala nito "call me Trix, Mr. Mikee" sabi nito at tsaka nakipag shake hands sakin

"Nice meeting you Ms. Tricia" sabi ko dito at tsaka siya nginitian

"Hoy Mikee!"

*End of Flashback*

"Mikee" bati ni Bryle

"Sakay ka na Bryle" sabi ni kuya

"Salamat" sabi ni Bryle at tsaka sumakay "Mikee, kamusta?" Tanong nito sakin

"Mukha ba kong okay?" Tanong ko dito











Note: Please vote or comment 😊😊

First Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon