1

532 10 1
                                    

Naglalakad kaming mag kakaibigan papunta sa canteen nang makasalubong namin ang grupo ng crush ko "Brea si Winno oh!" Pang aasar sakin ng best friend kong si Zephanie

"Shh! Ito naman baka marinig ka" bulong na saway ko sa kanya. May pa turo turo pa kasi buti na lang hindi sila nakatingin sa banda namin. Busy silang nagtitingin ng mga pagkain.

" Yiiieee! Yung pangarap mo!" dagdag asar naman ni Winzel

"Isa ka pa! Baka ikaw" Pambawi ko. Patuloy lang silang nag aasar hanggang sa madaanan namin yung pwesto nila Winno

"Grabe kayo!" Reklamo ko nang makarating kami sa room namin

"Sus! Arte ka pa eh kinikilig ka naman!" Jemaimah

"Ay dapat pala tinulak kita kanina para kunyari nasagi mo lang tapos mag sorry ka ganun!" Suggest naman ni Claire

"Pano pano? Ganito?" Tapos kunyari tinulak ni Venice si Winzel "ehe, sawri pu" pabebeng sabi ni Winzel saka sila nagtawanan lahat

Ang ingay nila jusko! Buti nasa room na kami

"Guys lipat daw ng room sabi ni ma'am. Manonood ata tayo kasi bitbit niya kanina yung projector" announce ng isang kaklase namin

"Luh si ma'am, may white screen din naman dito sa room lilipat pa" reklamo ni Zeph

"Sumbong niyo nga to kay ma'am mamaya" asar ni Winzel

"Hoy joke lang! Mamaya ako nanaman utusan niya mag deliver nung mga gamit sa next subject niya" awat ni Zeph

"Wait! May gagamit ba nitong room? Andami kong dala pwede ko bang iwan na lang tong bag ko tas notebook na lang dalhin?" Tanong ko

Nag dala kasi kami ng ibang nga materials para sa isang project namin

"Ay teh, sigurado meron yan lalo na malalaman ni ma'am na walang tao dito baka ipatawag niya din yung klase niya" sabi ni Venice

Napasimangot naman ako. Ambigat na nga ng bag ko may eco bag pang bibitbitin. Hahawakan ko pa tong juice at pagkain ko.

Sinuot ko na muna yung bag ko saka kinagat yung burger. Pano ko ba bibitbitin tong dalawang eco bag nang maayos? Baka mabutas tong plastic ng juice tas malalaglag pa tong burger na kagat ko

"Amin na, malaglag yang pagkain mo"

"Uy hihe, thank you"

"Wow napaka gentleman naman ng Raio namin, pabitbit nga din nitong laptop ko beh" asar ni Winzel

"Kaya mo na yan, malaki ka na" banat ni Raio saka tinulak ng mahina yung balikat ko palakad palabas ng room

"Pano yang inumin mo? Ako na hahawak oh, sipsip ka na" alok ko kasi dalawang eco bag na nga yung bitbit niya

"Ay ang sweet! Bat di na lang kayo ano? Nilalaggam ako mga bhie?" Asar ni Claire

"Baliw" natatawang sabi ko. Naka diapers palang ata kami nito ni Raio magkasama na kami. At this point, hindi kami talo.

"Hindi mo mababago ang isip niyang si Brea. Jusko masyado na siyang head over heels na five inches kay Winno" banat ni Winzel

"Ay ang ingay teh? Marinig ka nang iba oh nakakahiya" reklamo ko

Tumawa lang nang malakas si Winzel. Kaloka tong baklang to.

Pagdating namin sa room naka prepare na nga yung projector

Almost (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon