"Ano group niyo?" Tanong ko sa mga kaibigan ko
"1 ako" sagot ni Zeph
"Ako 2" sagot naman ni Claire
"Ay ano ba yan 3 ako" reklamo ni Jemaimah
"Teh! 3 din ako!" Tili ni Winzel
"May 2 ba sainyo?" Biglang singit ni Venice na kararating lang
"Ako teh!" Saka sila nag high five ni Claire
"4" nakasimangot na sabi ko saka pinakita yung papel
Tinapik tapik ni Zeph yung likod ko "Kaya mo na yan, malaki ka na" bwisit to
Pumunta na kami sa kanya kanya naming groups. At least may ka group akong kaklase ko, may kausap pa rin ako if ever tas hindi ako OP.
"Hi, group 4 ka rin? Upo ka na dito" aya sakin nung isang taga 4B
"Pwede bang ikaw muna mag sulat ng ideas natin for today? Wala kasi kaming gamit na dala"
"Ay sure, no problem" sagot ko saka naglabas ng paper and ballpen. Nakakahiya may bling bling pa yung ballpen ko pero hayaan mo na ang mahalaga maganda tinta niya tas smooth pang sulat. Ang ganda kaya ng penmanship ko
"Complete na ba group natin?" Tanong ng isa samin saka nag bilang if ilang members na ang dumating.
"You're Brea right?" Tumango naman ako. "Pakibigay yung IDs niyo sa kanya para isulat niya sa paper tapos gawa nalang ng gc later" suggest niya
Nagsibigayan naman sila ng mga ID sakin.
Habang busy akong nagsusulat ng mga pangalan may biglang tumili kaya napatigil ako at napatingin kung sino yun. Bat feeling ko kaibigan ko yun?
Ay si Winzel nga! Hay nako, ano nanaman kayang pinag uusapan nila ni Jemaimah.
Pagtingin ko sa ginagawa ko nalaglag pala yung cutie na ballpen ko kaya umurong ako ng konti saka pinulot yun sa ilalim ng table. Pag ayos ko ng upo biglang nag slide yung pwet ko paatras sa bench. Good thing may tao sa likod ko at hinawakan yung balikat ko kaya hindi ako totally nabaliktad. Out if reflex, napahawak ako sa gilid
"Ay sor--" paglingon ko sa nasa likod ko bigla akong napatigil
My golly! Bat nasa likod ko si Winno!
Ang lapit lapit pa ng upo niya sa likod ko as in super lapit! Shemay! Tuhod niya pala yung nahawakan ko for support! Nakakahiya magkabilaang tuhod pa kasi naka manspread siyang nakaupo sa isang maliit na shelf.
Bigla akong umurong paharap "ow!" Tumama yung siko ko sa table
"Uy, okay ka lang?" Nag aalalang tanong nung nasa harap ko
Hinimas himas ko na lang yung siko ko, ang sakit shemay! "Okay lang, hihe" nahihiyang sagot ko. Nakakahiya!
"Uy Winno ka group ka din pala namin?" Gulat na sabi ng isang taga 4B
"Luh to, kanina pa ako dito" natatawang sabi niya. Ang pogi ng boses!
"ID ko" napalingon ako sa nagsalita "Uy ka group ka namin?" Andito pala si Raio eh. Tumango lang siya
"Ma'am madaya! Bat andun sa group 4 yung muse at adonis ng 4A tapos andun din si Winno" reklamo ng isang taga ibang group
"Ay bakit ako? Bakit parang kasalanan ko?" Pang gagaya ng teacher namin kay Bea Alonzo
"Wag niyo na yang gawing big deal dahil magaganda't gwapo din naman kayong lahat. Galingan niyo para may pa swimming tayo after Christmas party" natatawang sabi ng teacher ng 4B
"Ay oo nga! Ang swerte naman ng group natin" tuwang tuwang sabi ng ibang ka group namin
"Since andito si Brea na muse, siya na lang bida natin guys, may objections ba?" Please mag object kayo. What if may iba palang gusto maging lead odi siya na lang please.
"Si Brea na! Dapat yung model natin yung pinakamaganda" agree naman ng isa.
Please lang kinakabahan ako. Bat feeling ko need ko na ma pressure kasi mukhang mataas na ang expectations nila sakin.
Nag share share na kami ng ideas. Hindi ako masyadong nakisali sa discussion kasi busy akong mag jot down ng mga sina suggest nila. Syempre decided na agad na ako ang lead sa video yung sa lalaki na lang ang pinag uusapan.
"Ang hirap naman mag decide pag dalawang Adonis ang nasa group" natawa kami sa reklamo ng isang ka group namin
"Rampa nga kayo jan tapos palakasan ng clap kung sino lead natin" suggest ng isa
Natawa naman ako bigla. Hindi ko ma imagine rumampa si Raio HAHAHA
Nagulat ako nang may biglang humampas sa table "What if! What if gawin na lang nating love triangle?!"
"Luh auntie! Advertisement to hindi Wattpad presents" natatawang sabi ng isang kaklase ko
"What if lang naman. Like alam niyo yun? Yung sa plot natin eh mag enroll na sila sa school natin kasi dito nila mahahanap true love nila char"
"Anong true love true love yan? Mag meeting kayo about sa project niyo, puro kayo crush crush" awat ng teacher namin
Natawa naman kaming group. "Ay oo nga ma'am! May isa diyan kinikilig kasi ka group yung crush!" Biglang sigaw ni Winzel
Ay nako naman! Ibinida nanaman ako ng kaibigan ko!
Mabuti na lang at tumunog na yung bell kaya nag start na kaming mag ayos ng mga gamit namin.
"Brea, pwede bang ikaw na din gumawa ng gc since nasayo naman yung paper. Pa send na lang din nung napag meetingan natin mamaya. Kahit picturan mo na lang yung paper, wag mo na iencode"
"Ay sige, pa abang na lang mamayang after school hours" paalam ko sa kanya
"No prob. Sige alis na kami" ngumiti naman ako saka inayos na din yung mga gamit ko
"Uy teh! Kamusta naman ang life sa group niyo? Buti hindi ka nangisay sa kilig" asar sakin ni Winzel
"Ito talaga! Hiyang hiya ako sayo baklang to! Kulang na lang mag name drop ka" inis na sabi ko saka siya pabirong hinampas
"Ay sige! Next time na mag merge class ulit tayo iname drop kita" natatawang sabi ni Zeph saka sinundot sundot yung tagiliran ko
"Ah Hi, yung ID ko pala hindi ko nakuha" napalingon ako sa kumalabit sakin
Oh my gosh! "Ay, sorry!" Sabi ko saka hinanap yung ID niya. Kaloka! San ba yun?!
"Auntie! Nag papanic ka jan, nakaipit jan sa paper mo yung ID" napatigil ako sa sinabi ni Venice saka tinignan yung papel ko
Oo nga! Nakaipit! "Ay eto oh, sorry" nahihiyang sabi ko saka inabot sa kanya yung ID niya
"It's okay, sige alis na ko" nakangiting paalam niya saka umalis
"Vakla! Kahit ako kinikilig para sayo!" Tili ni Winzel
"Ano ba! Stop!" Pigil ngiting sabi ko. Sinusundot sundot kasi nila tagiliran ko. Pati tiyan ko nasusundot na
"Enebe~ step~ Pabebe mo teh!" Natatawang asar ni Claire
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
This story is pure fiction.~TheUNNOTICED
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
BINABASA MO ANG
Almost (Under Revision)
RomanceBeing scared of rejection means missing an opportunity. • posted as twitter serye (08.05.19) • revised (05.29.23)