3

147 6 0
                                    

"uy! Gala tayo? Weekend na bukas!" Masayang aga ni Winzel samin

"Kelan? Bukas or ngayon yang aya mo teh?" Tanong ni Venice

"Kayo ba? Keri naman ako anytime" sagot naman ni Jemaimah

"Pwede ako ngayon, bukas ang hindi kasi ako nakatoka gumawa ng script namin eh" sabi ni Zeph

"Gagawin ko pa yung Diorama ko sa may Filipino department ngayon eh, kaya nga andami kong dalang gamit" sagot ko sabay turo dun sa dalawang eco bag sa sahig

"Odi bukas na lang?" Tanong ni Claire

"May meeting kami" biglang sabi ni Raio

"Meeting saan?" Takang tanong ni Venice

"Sa advertisement, kakasabi lang sakin kanina nung isang kagroup namin sa 4B nung nagtapon ako ng basura sa likod" sagot niya

"May meeting? Tinatamad ako" nakasimangot na reklamo ko

"Matulog ka kasi nang maaga para di ka tamarin" suway sakin ni Raio. Mas lalo lang akong sumimangot

Ano ba yan, weekend tapos gigising ako nang maaga.

"Samahan ka ba namin sa Filipino department?" Tanong sakin ni Claire

"Hindi okay lang. Maaga pa naman, mga 30 minutes lang siguro ako dun. Final touch nalang naman na kelangan kong gawin" sabi ko

"Sure ka ha. Mauna na ako guys, pinapabili ako ni mama ng loaf bread, agahan daw namin bukas" paalam ni Zeph

Nag kanya kanyang paalam na kami sa isa't isa. "Kaya ko na" binuhat kasi ni Raio yung mga eco bag

"Konti na lang mapuputol na katawan mo. Ang bigay ng bag mo tapos dalawang eco bag pa bibitbitin" saway niya sakin

"Sorry na pa, ito naman sermon agad" biro ko sa kanya. Mukha kasi siyang tatay HAHAHAHA

Pagdating namin sa Filipino department may mga ibang students din na busying ginagawa ng mga projects nila para sa exhibition.

"Kaya ko na talaga to, wag mo sabihing babantayan mo akong nag tratrabaho" reklamo ko sa kanya

Hindi naman siya umimik Saka umupo sa gilid. "Ih! Sige na umuwi ka na! Akala ko ba malaki na ako?" Reklamo ko saka siya hinila patayo at tinulak palayo ng konti

"Kaya mo na umuwi mag isa? Pano yang mga bitbit mo?" Tanong niya sakin

"Kaya ko na yan, mababawasan naman laman nung eco bag kasi gagamitin ko sa exhibit" explain ko

Tumingin lang siya sakin kaya nag pa cute ako nang konti para tuluyan na siyang umalis. "Ingat ka pag tatawid, tanga ka pa naman sa kalsada" Sabi niya

"Ito! Umalis ka nga lalaitin mo pa ako eh" reklamo ko saka hampas sa braso niya

"Bye" Sabi niya saka kinuha na yung bag niya

Bumalik naman na ako sa exhibit para tapusin yung mga dapat kong gawin.

•••

Almost (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon