C12: One Year Later

1 0 0
                                    


#Road43AnotherBeginning

-

Isang taon na ang nakalilipas matapos mawala ang kaniyang kapatid na si Alyssa. Hindi siya naniniwala na tumakas at naglayas ang kaniyang kapatid dahil kilala niya ito. Matanda siya ng isang taon kay Alyssa pero kung ikukumpara sa kaniyang kapatid, tahimik lang siya at laging seryoso.

Masakit para sa kaniya ang mawalan ng kapatid. Pero hindi niya alam na mas masakit pala ang malaman na ampon lang pala siya matapos mamatay ang mga magulang ni Alyssa sa isang plane crash papuntang Vietnam 4 months ago. Binigay sa kaniya ang isang sulat na ginawa ng Mama ni Alyssa, ang kinilala niyang Mama.

Papunta siya ngayon para sa enrollment sa kaniyang University. Sa ngayon, nakatira pa rin siya sa dati nilang bahay at sinu-sustento ng kaniyang Tita.

Natapos na siya mag-enrol nang may nakita siyang babae. Pamilya ang mukha ng babae sa kaniya nang makita niya ito sa registrar. Hindi siya nagkakamali, dahil ang tao na iyon ay kaibigan ng kaniyang kapatid. Gusto niya itong lapitan, kausapin, ngunit hindi niya alam ang pangalan ng babae.

Nang matapos ang babae sa registrar ay umalis na ito pero bago pa man ito tuluyang makaalis ay nagkasalubong ang kanilang mga mata at alam niya, na kilala siya nito.

"Uh...ate ka ni Alyssa diba?" Tanong ng babae at tumango naman siya habang nakatingin pa rin, kinikilala ang itsura.

"Kaibigan ako ni Alyssa. Magkaklase kami last year." Pagpapakilala ng babae sa harap niya.

"Alam ko, ikaw yung minsang dumalaw sa bahay namin diba" saad niya.

"Ah, oo" sagot nito habang naiilang tumingin sa kaniyang mga mata.

"Ano ulit pangalan mo?" Pagtatanong niya at muling sinalubong ng babae ang kaniyang tingin at sumagot, "Annica, my name is Annica" sagot nito.

Sabay silang naglakad palabas tila pareho ng iniisip. Pumasok sila sa isang cafe at parehong nag-order ng maiinom. Gusto niyang makausap si Annica para mas makilala ang kapatid niya bilang isang kaklase o kaibigan sa ibang tao.

O magkaroon ng impormasyon para malaman kung nasaan ang kapatid niya.

"Okay ka lang ba? Uhm I mean kamusta ka naman?" Pagtatanong ni Annica. Gusto niyang umirap sa tanong na iyon.

Hindi ba obvious na hindi siya okay? Okay lang ba siya kahit namatay na ang buong pamilya niya?

"Namimiss ang kapatid ko, namimiss ang mga magulang ko."  Ang sagot niya na lang.

"Napanood ko nga pala sa balita..." Pag-umpisa ni Annica pero hinayaan niya na lang na matapos ito sa sasabihin kahit alam niya na ang mga kasunod nito.

"Sorry pala sa nalaman ko. Condolence" pagpapatuloy nito.

Sorry?

"Bakit ka nagso-sorry? May kasalanan ka ba? Ikaw ba ang dahilan ng plane crash?" Hindi niya napigilan ang sarili niya maging sarcastic.

Naiintindihan ni Annica ang nararamdaman ni Olivia ngayon. Sadyang hindi niya lang alam kung ano ang sasabihin niya.

"Sorry." Saad ulit ni Annica pero hindi na ito pinansin ni Olivia.

"May gusto akong malaman..." saad niya at biglang kinabahan si Annica pero hindi niya pinahalata.

"Sige, ano iyon?"

"May boyfriend ba si Alyssa? O may kilala ka bang may gusto sa kaniya? O sino man na you know, pwede niyang makasama nung nawala siya?" Pagtatanong niya.

Alam ni Annica ang totoong sagot.

Wala

Pero hindi niya alam kung paano magsisinungaling lalo na sa taong mas nakakakilala kay Alyssa. Sa tao na nakasama ni Alyssa buong-buhay niya, maliban lang na maaga itong namatay dahil sa isang aksidente na hindi maaaring malaman ng iba.

"Uh...wala siyang boyfriend. Pero hindi ko alam kung sino yung mga nagkakagusto sa kaniya"  sagot ni Annica. Palihim niyang hiniling na sana hindi siya mapansin na kinakabahan sa tanong niya.

"Ganun ba. Kailan mo siya huling nakita?" Tanong muli ni Olivia.

Sa Villa Ruiz, Road 43, sa Rest House, sa mismong swimming pool.

"Nung last day ng school year namin. Uwian." Pagsisinungaling niya. Hinigpitan niya pa ang hawak niya sa kamay niya na nasa ilalim ng lamesa, pilit na pinapakalma ang sarili.

"Okay. Last question..."

"Sino yung last niyang kasama bago mo siya huling nakita? Uwian niyo na yun diba?" Pagpapatuloy niya.

Kami. Kami ang huling kasama niya.

"Wala, mag-isa lang siya" muling pagsisinungaling ni Annica.

Tumango naman siya at nanahimik. Nagpaalam na rin siya kay Annica na uuwi na siya at pinasalamatan siya sa oras na nagka-usap sila.

Pagkalabas niya ng cafe ay huminga siya ng malalim.

"Liars go to hell." Saad niya.

Alam niyang may nililihim ang babae na iyon. Kitang-kita niya sa mga mata nito na hindi ito nagsasabi ng totoo.

Hindi pa ito ang huling pag-uusap nila dahil sa susunod, hindi niya na hahayaan na magsinungaling si Annica sa kaniya. Dahil sa susunod, may malalaman na siya para makatulong na mahanap ang kaniyang kapatid.

Dahil kung kaibigan niya si Alyssa, baka alam nito kung saan pumunta ang kapatid niya.

Buhay man, o hindi.

-

ROAD 43Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon