Chapter II

5 0 0
                                    

Nagising ako sa isang pangkaraniwang araw, sa pangkaraniwang lugar at sa pangkaraniwang lugar.. Alas 9 na ng umaga ng magising ako sa sarili kong kwarto... Gusto pang matulog ng utak ko kaso katawan ko na mismo ang bumangon. Bumaba ako ng hagdan at nakita ang pamilya ko.. Napangiti ako dahil nakita ko na kompleto kami hanggang ngayon...

" Oh anak gising ka na pala"
Sabi ni mama

"Good morning ma,pa" sabi ko sabay beso sakanila..

"Bakit parang ang ganda ng gising mo ngayon?" tanong ni kuya Joshua...

"Matagal na kuya " sabi ko..

Si kuya Joshua ang panganay namin. Bale tatlo kaming magkakapatid.

Josh
Jaye at
Zarlyle

Napansin niyo siguro kung bakit ako lang ang Z sakanila. Ganto kase yun...

Enter flashback...

" Congratulations ma'am it's a girl"

Kinuha ako ni mama...

" Ang cute cute naman ng anak ko" sabi ni mama

" Ma'am ano pong ipapangalan niyo sakanya? " tanong ng nurse

" Jessa! " sigaw naman ni lola

" Ma may napagusapan na po kami ni Zach" ani ni mama..

" Jessa dapat para sa letter J nagsisimula ang mga pangalan ng mga anak mo" pagpupumilit ni lola

"Zarlyle.. Oo ma Zarlyle" sabi naman ulit ni mama

"Bahala ka maganda din naman ang Jessa ah" ani ulit ni lola

End flashback..

Zarlyle, yan ang pangalan ko kasi pinagsama ang pangalan ni papa at ni mama.. Zach ang pangalan ni papa.. Karyle naman ang kay mama... Dinagdagan ng isang L para hindi halata na pinagsama mga pangalan nila.. Ang unique diba?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kumakain na kami ng agahan ngayon... Ang tahimik...

" So ready na ba kayong pumasok next week? " pagbabasag ni papa sa katahimikan..

Nakalimutan ko at last 2 days nalang ang bakasyon at pasukan nanaman..

"Oo naman pa.. Handang handa na talaga" bakas sa mukha ni kuya Josh ang pagka-excited niya

"Excited ka lang kasi makikita mo nanaman crush mo eh" asar naman ni kuya Jaye

"Oo nga kuya hahaha" pagsang-ayon ko

"hindi nga sabi eh!"pagdipensa ni kuya Josh

" wag lang umiyak kuya Josh alam na namin nila mama" ani ni kuya Jaye.

"oh tama na" saway ni papa

At sabay sabay kaming tumawa.. Natapos ang agahan namin ng masaya... Naka-upo ako ngayon sa salas at nanonood ng Love in the Moonlight 😍 😍.. Ganda kasi eh

*Ring* *Ring*

1 message received

From Janaya
 
     Free ka ba ngayon? Mall tayo you want?

Pagkabasa ko ng text niya napansin kong nag diamond ang mga mata ko..

Si Janaya ay kababata ko. Close na close kami.. Para na nga kaming mag kapatid eh.. Only child siya.. Unica hija naman ako kaya Ayun! Ang totoo niyan eh magpinsan kami kaya close kami.. Nag reply ako sa text niya...

To Janaya:
  
   Sige wait for me at our favorite coffee shop.. I'll just get myself ready

✅ message sent

Pagkatapos kong mag reply tumayo na ako at pumunta sa kwarto.. Chinarge ko muna yung phone ko bago ako pumunta sa banyo..

Natapos na akong naligo at sa sobrang atat kong magbihis nadulas ako...

*whooop*

" aray" sabi ko sabay hawak sa pwet.. Sakit nun.. Tumayo ako ng dahan dahan at tuluyan ng nagbihis.. Nag suot ako ng isang black ripped jeans, black na sando at maong na jacket.. Tinupi ko ang manggas nito hanggang sa ilalim ng aking siko.. Nag apply ako ng pulbos.. Oo pulbos lang.. Di ako yung mayaman na tadtad ang kolorete sa mukha.. Hindi ako ganon.. 😂

Pagkatapos kong maghanda lumabas na ako sa kwarto.

"oh san ka pupunta?" tanong ni papa

" sa mall papa.. Uuwi din po ako ng mga 8pm?" sabi ko

Tinignan ni papa ang wall clock tinignan ko rin ito.. 4 pm palang

" ok sige. Ingat.. Ito oh pang shopping mo" then he handed me 5 thousand 😱... Rich si papa.. 😂

"ok thanks pa" tas kiss sa cheeks.

Nakalabas na ako ng pinto ng maalala ko yung cellphone ko na nagcha-charge.. Bumalik ako sa kwarto para kunin at full charge na rin ito.. Muli akong lumabas ng bahay at kinuha ang sarili kong kotse.. 18 na ako at may driver's license na ako..

Agad akong nakarating sa mall.. Nag park na ako at pumunta sa paboritonamin ni Janaya na coffee shop.. Agad ko siyang nakita at umupo sa harapan niya

" Hey" sabi niya

" Ano tara na? Shopping na tayo? " alok ko

" di ka na ba magco-coffee or what? " tanong niya naman

" hindi na" pagtanggi ko
"sure ka? " tanong niya ulit

" oo daming tanong tara na" hinila ko siya palabas ng coffee shop..

"So? San tayo pupunta ngayon?" tanong ko

" Ikaw nagyaya na umalis na ng coffee shop tapos di mo pala alam kung san pupunta" sabi niya habang nagpipigil tawa

" alam ko na! " sambit ko.. May umilaw na bulb 💡 sa gilid ng ulo ko..

" Ano san tayo? " tanong niya

" punta tayo sa Surplus! " sabi ko

" Ok sige" pagsasang-ayon niya

Papunta na kami ng Surplus ngayon... May nag message sakin kaya nag phone ako habang naglalakad...

From Krista International School:

   Good afternoon! We would like to say that the classes will be on Monday August 6,2017. Bla bla bla bla bla

Di ko na tinapos dahil reminder lang pala...

Huminto ako at tumingin sa likod.. Wala si Janaya.. Akala ko ba sumusunod siya? Tinawqgan ko siya at hindi niya ito sinasagot... Asan na kaya yun?

"Z!" tawag ni Janaya...

"Janaya! Ano ka ba! Bigla bigla ka nalang mawawala! Di mo pa sinasagot mga ta~" naputol ang sinasabi ko ng magsalita siya

"Kasama ko si... " hindi niya tinuloy ang pagsasalita at nagpakita ang kasama niya...

Natulala ako... Akala ko ba nasa America siya?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Waaaaaaaaaaahhhh makakaraos din tayo.. 😂

MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon