Chapter IV

11 0 0
                                    

Nandito na ako sa school ngayon... Wala pang masyadong tao 6 am palang.. Ayokong ma-late.

"Z! " sigaw niya. Sino pa nga ba eh di si Janaya.. 😂

Lumingon ako at nginitian siya. Sila ang may ari ng school na to. Oh diba rich kid? 😂 char

"Janaya" bigkas ko at niyakap siya.

"Oh Anong meron? Parang ilang taon kayong di nagkita ah" sabi ng nasa likod ko.. Pamilyar ang boses niya.. Oo siya nga  Jusko bakit nandito  siya?

"Oh what brought you here? " tanong ni Janaya nang kumalas siya sa pagkakayakap namin..

So magkakilala sila? Hmm

Hindi ko nagawang lumingon.. Para bang napako ako sa kinatatayuan ko ngayon.

Mas lalo akong nagulat ng sabihin niyang...

" Di na ulit ako sa Pilipinas mag aaral"

"talaga?" paninigurado naman ni Janaya

"Oo. I will stay here until I will finish college "

" That's good" sabi naman ni Janaya... Tumingin sakin si Janaya at muling tumingin sakanya...

"Si Zarlyle nga pala"

Unti unti akong humarap at ayun. Nakita ko lang naman ulit ang gwapong nilalang.. Para siyang anghel.

"Hi Zarlyle" sabi niya

"Hi Dean" Bati ko at ngumiti

" You already know each other?" tanong ni Janaya

"Yes, we've met yesterday at National Bookstore " sabi naman ni Dean

" Ahh oo" pagsang-ayon ko

"Tara pasok na tayo sa classroom " alok ni Janaya

Habang papunta kami sa classroom ay napansin ko na kanina pa sumusunod si Dean

" Dean pasok ka narin kaya sa classroom mo baka ma-late ka" pagtaboy ko sakanya

" hahaha pareparehas tayo ng section ok? " wat?!

" ahh ok" di ko pinahalata na nagulat ako..

Hinintay namin lahat na magsidatingan Hanggang sa nagsimula na ang klase...

Ganto naman lagi pag first day of classes. Magpapakilala at kung ano ano pang common na ginagawa sa first day of classes..

Nagstart na nag discuss ang teacher namin.. Nakayuko lang ako at nagsusulat. May biglang nagbukas ng pinto naagaw niya ang attensyon ng lahat maliban sakin. Nagpatuloy lang ako sa pagsusulat.

"Good morning ma'am" sabi niya.

Omo! 😱 kilala ko yung boses na yannnnnnnnn!

"Good morning mister. Please introduce yourself " sabi ni ma'am

"ok ma'am.. Uhmm good morning guys I'm Kenneth C. Rivera at gusto kong maging kaibigan kayong lahat" sabi niya...

Hindi parin ako tumitingin. Alam ko naman na ang itsura niya eh. Siya lang naman ang nag-iisang lalaki na kaibigan ko.. Siya lang din yung kaibigan ko na hindi na nagpaparamdam. Nagkita lang ulit kami nung Sabado sa mall. Hahah siya lang naman ang kasama namin na naggala.

"ok thank you.. You can sit beside Ms. Zambian's side"

"Excuse me ma'am? " I asked then looked straight to Ms. Perez eyes

"Just for now Ms. Zambian"

" ok ma'am " napilitan lang ako

Nakaupo na siya sa tabi ko. Di ko matiis na di ko siya tignan.. Nag-side glance ako at nakita siya na nakatingin din sakin.. Ugh yung mata niya ang ganda. Agad akong umiwas ng tingin. Ayokong muling mapalapit sa taong matagal na akong hindi kinilala.

"Hi Z, nice to see you again" bati niya

Nginitian ko lang siya. Yumuko na ako at muling nag sulat.

"Bakit ang bait niya parin? "
" Bakit ganon parin ang boses niya? "
" Bakit? "
" bakit? "

Ang daming katanungang nabuo sa isipan ko. Bakit nga ba niya ako iniwan?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagdaan ang maraming panahon at kami na ay nagkaka usap. Siguro nga muli kaming pinaglapit ng tadhana.. Pero I don't really believe in Tadhana..

Nandito kami ngayon sa labas ng campus free cut kase at naghahanap kami ng pagmemeryendahan..

"Gusto niyo ng fishball? " tanong ni Janaya

" Sige ba" we said in unison..

Magkakasama kami ni Janaya, Dean, Kenneth at ako..

Nandito na kami sa fishball-an

Nagflash back yung mga  Tinanong ni Kenneth sakin sa siopawan...

"Ate may fishball pa po? " tanong ko sa tindera

" Ay ija naubusan eh" sabi naman niya

"ay ganon po ba? Sige salamat po"

"Kenneth san tayo kakain ngayon? " tanong ko sakanya

" Sa siopao-an nalang" sabi ko ulit

"Anong gusto mo?" tanong ko kay Ken

"Asado. Eh ikaw anong gusto mo? " tanong niya

" Hindi ko nga alam eh.. Ano bang masarap? "

"Eh yung puso ko gusto mo?"

"Huh? Anong ibig mong sabihin? " tanong ko

"Ahh hehe 😅 wala... Wala naman.. " sabi niya

"ah talaga lang ha.. Sige puso puso nalang 😂 " sabay siko sa tagiliran niya

End of flashback...

" Hoy!Z! Nakikinig ka ba?!" pagbalik ni Janaya sakin sa realidad

"Ha?" sabi ko ng wala parin sa wisyo

Napansin kong napatingin si Kenneth sakin..

"Eh yung puso ko gusto mo? "

Omo! 😱 dejavu

"ha?" kainis to

"Hahaha bola bola daw sakanya" sabi niya sakanila

"Yieeee!" sigaw naman ni Janaya

"Uy girl tumigil ka nga diyan! "sigaw ko naman sakanya na bigla naman niyang ikinatigil.

Tumawa lang si Kenneth pwera nalang kay Dean... Habang kumakain

" Dean ok ka lang ba? " tanong ko..

Magkatabi kami bale ang sitting arrangement eh ganto

      Ako     Dean
      Kenneth Janaya

" Oo, ok lang ako. May naalala lang ako" sabi niya ng walang expresiyon ang mukha.

Natapos na kaming Kumain ng walang umiimik.

Nakapasok na kami sa mga susunod namin na klase at pansin ko na walang imik si Dean.. Ano kayang problema nito?

MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon