Makalipas ang limang taon, muli siyang nagbalik. Siya, siya na mismong kayang pabaliwin ang utak at isip ko.
Akala ko sa loob ng limang taon, kaya ko na, tapos na at wala na yung matinding paghumaling ko sa kanya pero.. Akala ko lang pala.
Pagkababa palang niya ng sasakyan. Unang tapak palang niya sa mala-buhangin na daan. Naramdaman ko uli ang isang pakiramdam na tanging siya lang ang may kayang gumawa.
"Fernie, mauuna na ako." Pagpapaalam ko sa kaibigan ko habang nasa gilid kami ng daan.
Ayoko siyang salubungin. Masasaktan lang naman din ako.
"Teka Keilah.." pipigilan pa sana ako ni Fernie pero nagmadali ako sa paglalakad palayo. Palayo sa kanya.
***
Alas-dos na ng hapon nang maisipan kong mamalengke sa kalapit na bayan. Isasama ko sana ang kabayo ko na si Ricky pero sabi ni Kuya na gagamitin niya raw. Kaya heto, naglalakad nalang ako papunta, tutal ilang metro lang naman ang layo non.
Habanag naglalakad, bigla akong napahinto sa daan dahil sa dalawang kabayo na humarang sa harap ko. Inangat ko ang aking tingin at sa kada kabayo may isang sakay, pero siya mismo ang unang napansin ng aking mata. Sa itsura ba naman kasi niya, sinong hindi mapapatingin?
"Sa'n punta mo Keilah?" ibinaling ko ang tingin ko sa isang tao na nakasakay pa sa isang kabayo. Si Kuya Briazlan kapatid niya.
"Sa palengke po. Napag-utusan lang ni mama para mamaya." sagot ko. Medyo napapapikit pa ang mata ko at bahagyang napapa-atras ang leeg dahil sa sinag ng araw na direktang tumatama sa mukha ko, pero agad naman iyon nawala dahil umatras siya at ng kanyang kabayo kaya natatakpan niya ako mula sa sinag ng araw. O baka, umatras lang talaga ang kabayo niya. Wala na kaya siyang pakealam sa akin.
"Ah, ganon ba? Sige, aasahan ko talaga ang pagdating mo mamaya. Una na kami. Ingat ka." tumango at ngumiti ako sa naging tugon ni Kuya Azlan. Nauna niyang pinalakad ang kanyang kabayo kaya nagkaroon kami ng kaunting sandali para magka-titigan. Kung paano niya ako titigan noon, ganoon parin hanggang ngayon, isang malamig na titig.
Bukod sa kanyang mukha na walang ekspresyon, tanging pangangatawan at buhok niya ang nagbago sa kanya. Mas gumwapo pa siya ngayon.
Kung hindi pa siya tinawag ni Kuya Azlan, aabutin pa siguro kami ng ilang minuto na magka-titigan. Kung pwede lang.
Nginitian ko siya ng bahagya saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Kuya Mason. Tara na." napatigil uli' ako.
Mason Mercedes-dela Vega.
Marinig ko lang pangalan mo, parang aso ang puso ko na kay tagal na gustong kumawala. Akala ko hindi na magkakaganito ang puso ko. Akala ko lang pala ulit iyon.
BINABASA MO ANG
Twenty-One & Fifteen
Teen FictionSa Keilah, sa edad na kinse anyos. Sa isang lalaki lang siya nahumaling. Isang matinding paghuhumaling na maging siya mismo ay hindi maipaliwanag at ang lalaki lang mismo ang may kayang iparamdam iyon sa kanya, isang magandang mahika. Makulay at buh...