Isa: Reminisce (PAST)

19 0 0
                                    

Unang pasok ng araw ng Abril, ibig sabihin may dalawang buwan akong walang pasok. Marami akong oras para makapaglaro.

"Keilah!" napalingon naman ako sa aking bandang likuran ng tawagin ako ng aking nakatatandang kapatid. Si Kuya Krystian.

"Kuya!" ganting bati ko. Pero nakapagtataka dahil may kasama siyang isang lalaki. Mas maputi sa aking kuya, medyo singkit at kasing-tangkad ni kuya.

Tinawag ako ni kuya para lumapit at hindi naman ako nagdalawang-isip na gawin iyon.

"Ah Keilah, eto si Mason. Tawagin mo lang siyang Kuya Mason. Siya yung isa sa anak ng mga dela Vega, siya rin ang sinasabi ni Donya Brenda na ka-edad ko at kababata ko nung wala ka pa." nakangiting pagpapakilala ni kuya sa akin, pero kabaliktaran ang naging ekspresyon ng kanyang kasama.

Kahit medyo singkit ang kanyang mga mata, kita mong blanko lang siyang naka-tingin sa iyo. Para nga siyang patay sa lamig ng kanyang titig at walang kaemosyon-emosyon na mukha.

"Hi po! Ako po si Keilah Inuela Romualdez." pagpapakilala ko. Pero isang irap lang ang natanggap ko. Kaya napatingin ako kay kuya Krys.

Napakamot naman siya sa batok sa di malamang dahilan pero hinila niya nalang palayo si Kuya Mason papunta sa isang rancho ng mga kabayo.

"Sungit naman." bulong ko. Pero hindi ko inaasahan ang paglingon ni kuya Mason sa akin na may bahagyang nakakunot ang noo.

"Narinig ko iyon." diin niya sa malalim na boses. Medyo kinabahan ako kasi ang lamig ng boses niya at napaka-buo pa. Buti na nga lang andiyan si Kuya Krys para tuluyang malayo ang atensiyon niya sa akin.

Tsk, Keilah naman kasi, ang likot-likot talaga ng dila mo!

Bumalik ako sa puwesto ko kanina, kumuha ako ng ilang tabas ng dahon at ipinakain sa batang kabayo ng pagmamay-ari ko pero inirapan niya lang ako. Mga ilang buwan pa ito siya at para na siyang si Kuya Mason. Masungit.

"Uy Ricky, hindi ko talaga alam kung bakit ang sungit-sungit mo sa akin! Hindi naman ganyan ang nanay at tatay mo ah." sabi ko sa aking kabayo habang nakanguso. Pero wala, hindi niya ako pinansin.

"Para kang si Kuya Mason. Ayun oh! Kita mo yon? 'Yang kasama ni kuya? Tsaka, siya siguro nag-alaga sa Nanay mo habang pinagbubuntis ka, kaya ayan tuloy, ang sungit mo." pagpapatuloy ko pa, pero waepek parin! Hindi parin niya ako pinapansin. Tsk.

May tatlo na anak sina Donya Brenda at Don Enrico at puro pa mga lalaki. Nangunguna si kuya Thomson na may dalawang anak na, kasunod niya yung si Kuya Mason sungit at ang bunso nilang si kuya Briazlan, bawat isa sa kanila ay may pagmamay-ari na kabayo. At ang nanay ni Ricky ay pagmamay-ari ni kuya Mason.

Naisipan ni Donya Brenda na italik ang isa sa kanilang babaeng kabayo sa aming nag-iisang lalaki na kabayo. Si Torefiel.

Sa isang bakod, may tatlong babaeng kabayo at hinayaan nila na pumili si Torefiel ng babae para anakan. Hindi ko mawari kung swerte ba o masamang palad na napili niya ang babaeng kabayo ni Kuya Mason.

Ngunit, hindi si Ricky ang unang lumabas, naunang ipinanganak si George na pagmamay-ari na ng kuya ko. Pinalipas muna nila ang tatlong taon bago nila pinapili uli si Torefiel ng aanakan at yung kabayo uli ni Kuya Mason ang napili niya, pagkatapos si Ricky na ang naging bunga at pinalipas nila ang limang buwan bago nila ibinigay sa akin si Ricky.

Ang ipinagtataka ko lang, si George kasi, hindi siya masungit na kabayo, kahit sa akin hindi. Napaka-sunurin niya. Ganon din si Torefiel at ang ina nila na si Myla. Sa iba, hindi masungit si Ricky, pero pagdating sa akin, ewan ko ba.

"Hindi nagsasalita ang mga kabayo."

"Ay kabayo!" literal na napasigaw ako sa pagkakagulat dahil may taong biglang nagsalita sa likuran ko. Tapos, ang lalim pa ng boses, medyo nakakatakot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twenty-One & FifteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon