CASSANDRA
'Ah, Mr. Tan, dito kana maupo sa tabi ni Cassandra.' Pasimula ni Ma'am.
'Ah, sure, Ma'am.'
'By the way, Ethan, hindi nga pala kami deretso uwi. Theses girls want to spend the reamaining time, since maga natapos ang conference, sa pamamasyal. I hope you don't mind.'
'Oh, okay lang po, Ma'am. It's fine. Ako naman po kasi ang nakikisabay. At, matagal tagal na din po nung huli akong nakapamasyal.'
'Oh? So you're really into studying? How about girls? Are you, you know what I mean.'
'Unfortunately po naging nerd na nga po ata ako. That's what you become kapag mahal na mahal mo ang pagaaral. Girls? Ah, papano ko po ba sasabihin? Sige, ganito po. Wala pa po kasi talagang nakakapukaw ng atensyon ko. Wala pang nakakakalabit sa puso ko. Nito lang.' Nangungiting sagot ni Ethan.
'Oh? Ako na ang nagsasabi, talagang napakaswerte ng babaeng nakapukaw ng atensyon mo. You're a good man. Daig pa ng babaeng 'yon ang nakatama sa lotto.'
'Hindi naman po. Tsaka, sa palagay ko po e ako ang nakatama sa lotto kung sakali.'
'If that's the case e matutuwa sa'yo ang magulang mo. Lalo na ang iyong ama, he wants you to be as happy as he is now.'
'Ito nga po ang parati nyang sinasabi. Ang hangad nya'y maging masaya ako tulad nya.'
'How wonderful. Anyway, I'll leave the talking to Cassandra. Cassandra, make Ethan comfortable. You'll be his company.'
'Sayang naman po, Ma'am. Quite taken na po pala si Mr. Tan. Akala ko pa naman nakabingwit na si Casandra.'
''Wag kang mabahala, Cassandra, hindi pa naman sya lubos na taken. May pagasa ka pa.'
Patawarin itong mga babaeng ito. Patawarin talaga.
Namumula na sa kakatawa si Ma'am. Utang na loob. Makakapamato ata ako ng professor. Sorry, Ma'am.
Tiningnan ko ang katabi ko. Hindi ko alam kung bakit ko sya tiningnan. Basta 'yon lang ang naisip kong gawin.
'Paglingon ko nakatingin sya sa akin. Isang napakasiglang ngiti ang nakaguhit sa kanyang mukha. Siguro nga mabait ang taong ito. Mapalad nga ang babaeng nakapukaw sa atensyon nya.
Gaya ni Rafael.
Gaano kaya katagal ang ipaghihintay ko para makatagpo din ako ng lalaking katulad nila.
Siguro kailangan kongbmaghintay ng walanghanggan. Siguro ang lalaking iyon ay nagaabang sa akin sa dulo ng walanghanggan. Nakakapanabik naman. <|3
'So?' Tanong nya.
'Anong 'so'?'
'So ganyan ka sadya? I mean, hihintayin mo lang na sumabog ka? Kung ako sa'yo ibabato ko na 'yang hawak mong unan. 'Yun naman ang balak mo di ba?'
'Ha?'
'Hindi mo talaga naunawaan ang sinabi ko o hindi mo sadya inunawa?'
'Kung ikaw ba nakaramdam ng urge na batuhin ang pinakanakakairitang tao sa harap mo, kahit pa sya ang Presidente ng Pilipinas, babatuhin mo?'
'Depende sa sitwasyon.'
'So 'yon. Nasagot ko na ang tanong mo. Ayon sa sitwasyong kinakalagyan ko ngayon, mas maiging hintayin ko na lang na sumabog ako kesa ibato ko ang unan na 'to. Pero may other option ako. No offense dito. Ang other option ko e ibato ko sa labas para hindi na ako maging center of attention.'
Nagulat sya sa sinabi ko.
Di sya sumagot.
'Ala. Sorry. Hindi ako seryoso dun sa 'other option'. Ganito 'yun e. Hindi ako talaga sanay sa ganito. Sa ganitong klaseng atensyon. Kahit pa biruan lang. Teka, hindi mo ko maiintindihan e. Basta. Tsaka, nakakahiya kasi. Nahihiya ako sa'yo. Napaka-HS kasi nito. Tapos ikaw, kahit estudyante ka pa lang din tulad ko, hindi halata. Nakakahiya sa'yo. Naririnig mo 'yung mga ganitong asaran na hindi mo dapat marinig dahil hindi bagay na marinig mo.'
BINABASA MO ANG
If I ask You to Stay.
Short StoryPeople are risk takers. Why? The problem is that we are always blinded by the sparkling brightness of love. And when we're already blinded we risk the life we have and try to create a new one. We cannot take looking back in to the dull side of life...