Chapter 1-3

82 0 3
                                    

Chapter 1.

"Oy. Nakakapagtaka. Alam mo 'yon?" tanong ko sa kanya. Nakahiga kami ngayon sa balkonahe ng inuupahan naming bahay.

"Ano namang nakakapagtaka? Kung bakit panget ka? 'Wag ka nang magtaka. Blessing 'yan. Tamo, hindi ka nagkakasyota. Iwas stress,... ARAY! Ba't ka nangagat? Gutom ka na naman ba?"

minsan walangya talaga ang mga kaibigang lalaki. Minsan, kahit katiting na respeto wala e.

"Abnormal ka kasi! Hindi na libre mamula ngayon. Hinay hinay ka. mamaya mauubos yang katawan mo sa'ken."

"Sus. Di ka pa nasanay? Patawarin. E ano ba kasi 'yang pinagtatakahan mo?"

"Nagtataka ako kasi sa tagal na nating nagssama bilang magkaaway na magkaibigan, ni minsan wala ka pang chicks na pinakilala sa akin. Ni hindi ka nakikipagtext kahit kanino pag hindi tungkol sa school o ibang importanteng lakad. Tapos school-bahay ka lagi. Bading ka ba?" kunot noo akong tumingin sa kanya. Lalo pang kumunot ng bumuntong hininga sya.

"Oo o hindi lang ang hinihintay ko ang lalim ng pinaghugutan mo. -.-  Don't tell me tama ang pagtataka ko?" medyo nakangisi kong tanong. Pero utang na loob naman. Ang daming babae eng patay na patay sa lalaking 'to tapos aamin syang bading? Medyo pinagkakakitaan ko pa nga ang charm nya tapos biglang ganito? Babagsak ang business ko ng ganon lang? Dahil sa sarili kong katangahan? Jusko. 'Wag kang aamin, Rafael. Awa mo na.

Sa gitna ng pagdasal kong 'wag syang aamin e bigla nyang hinawakan ang kamay ko? Jusko! Bakla nga ang pota. -.-

"Alam mo gaga ka talaga." pasimula nya. Pero wait? Gaga? Bading at babae lang ang madalas nagssabi non ah. Oh nooooo!

Tiningnan ko sya na may bakas na pagkagulantang sa mukha. O_O

"Patapusin mo nga muna ako bago ka magreact! Bwiset ka e. Uh-hmm! " Hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko. Pakiramdam ko wala syang balak na bitawan 'to. Ang weird nyang bading. Jusko. Madiri naman sya, babae kaya ako. Di kami talo.

"Una sa lahat, hindi ako bading. Sira ka ba? Dapat alam mo 'yan. Tagal na kaya nating magkaibigan. Pangalawa," tumingin sya sa akin, napatingin naman din ako. Napakaseryoso ng mukha nya. Napaka-weirdo. "May mahal ako. Mahal na mahal ko sa. Ayokong mawala sya sa'ken. Hindi ako nanliligaw dahil hindi ko sigurado kung matatanggap nya ang nararamdaman ko para sa kanya. Kung tanggapin man nya, hindi ko naman alam kung hanggang saan ang itatagal naming dalawa. Ayokong umabot sa puntong maghihiwalay kami dahil hindi ko kaya na wala sya sa buhay ko. Sapat na sa akin kung anong meron kami ngayon. Dahil pinaghahandaan ko ang magiging future namin, isang matibay na relasyon na kahit end of the world na hawak pa din namin ang kamay ng bawat isa." umiiyak ako. Nasaktan ako sa sinabi nya. Kung sino man ang babae na 'yon, napakaswerte nya. Pero walanghiya sya. Dahil sa mga sinasabi ni Rafael tungkol sa nararamdaman nya sa babaeng 'yon, sobra akong nasasaktan. Dahil alam ko sa sarili kong pag dumating ang pagkakataong handa na syang magtapat sa babaeng 'yon, masasantabi na lang ako. Maiiwan na naman ako. Gaya ng ibang taong basta ako tinalikuran. Si Rafael at si Kuya Gab na lang ang tunay kong kaibigan na nagmamahal at nakakaunawa sa akin. Pero wala akong magagawa, di ba?

'Rafael, if I ask you to stay, will you be willing to stay? If it means choosing our friendship over your hearts content. Alam mong ikaw at si Kuya Gab na lang halos ang meron ako.'  Masyadong madrama. Pero alam kong dadating sa oras na itatanong ko ito sa kanya. Nabuo ang tanong na 'to ngayon mismo.

Kapag pala nalalagay tayo sa mga sitwasyong malungkot may pagkakataon pa lang nagiging rational pa din tayo. Dahil sa oras na 'to dapat naghi-hysterical na ako. I will be left behind, again. That's the worst nightmare for me. This is immaturity and selfishness. I know it very well. But you cannot blame me. My parents are separated. They left me all alone. My grandparents took cake of me but they left me eventually. Sa katandaan nila. I don't blame them but stiill, I was left all alone. I started living on my own nung 1st year highschool ako. Doesn't seem possible, right? But I'm telling, I, myself, made it unbelievably possible.

If I ask You to Stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon