Hi rezamae082600!! Ito na yung One Shot mo! Pasensya ka na kung sabog. Sabaw ako ngayon e XD -____- Pasensya ka na rin kung maiksi lang. Sana magustuhan mo! Thank you pala sa support and everythang! I appreciate it, sobra! Maliban sa school friends ko, ikaw pa lang ang nagsabi na taga Watty na keribels ang stories ko omg :)) Me iz zo tats :")) HAHAHA Osya tama na. Baka makagawa na ako dito ng nobela. XD
Enjoy reading guys!! ;))
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Naglalakad ako sa hallway ng school namin nang may bumangga sa akin.
“Hahaha! Nasakin na yung panda mo! Behlat!!” sabi ng isang matangkad na nilalang (ay maka-nilalang eno alien lang? XD)
“Hoy! Yung panda ko! Bumalik ka ditong panda ka!!!” sabi ko bago tumakbo. Pero bago pa ako makatakbo, naramdaman kong may nakahawak sa bagpack ko.
“Hayaan mo na siya, miss. Stuffed toy lang naman yun eh. Palagpasin mo na. Ano ka ba, bata na hanggang ngayon nagsa-stuffed toy pa?” sabi ni Kris habang naka-smirk.
Oo nga pala, ako si Reza Mae Dela Cruz. Inaamin ko, childish ako at sensitive. ._____.
Merong grupong EXO dito sa campus namin kung tawagin. Sikat sila dahil lahat sila gwapo, magaganda ang boses, rich kids pa. KASO, bully sila. Kaya nakakainis pa rin >/////<
“Pero bigay yun sakin ng bestfriend ko!!!” sabi ko bago maiyak. Napansin ko naman na parang nagulat si Kris at nataranta.
“S—sige na. Wag ka nang umiyak ano ba!! Kakausapin ko si Tao na ibalik yung panda mo. Tumahan ka na jan.” sabi niya bago pumunta kung nasaan ang EXO.
Lunchtime na, wala pa rin akong nakikitang Huang ZiTao na may hawak ng panda ko. Aishhh!! Nasaan na kaya yung panda na yun? Masasapak ko yun TT^TT
Papunta na ako sa cafeteria nang may humarang sa dinadaanan ko, ang buong EXO lang naman.
“A—ano bang problema niyo? Nasainyo na nga yung panda ko, pagtitripan niyo nanaman ba ako?” sabi ko. Pinahalata ko talaga sa kanila na naiinis ako. Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Tao. Umatras ako, pero naramdaman kong may bagay na akong nasandalan. Mali, hindi pala bagay, tao pala. Nakita ko naman si Luhan nahawak ang balikat ko. Homaygash, gwapo talaga ni fafa Luhan~ Napansin ko naman na nakatingin siya kay Tao. Tinanguan niya ito. Humarap ulit ako kay Tao at nakatingin na siya sa akin.
“Oh, ito na yung panda mo. Sorry” sabi niya bago umalis ang buong EXO patungong cafeteria.
1 week na ang lumipas simula nang napagtripan ako ng grupo nila Tao. Akala ko hindi na mauulit eh, pero wala kinuha ni Tao yung wallet ko na puno lang naman ng pictures niya -____-
Oo, tama kayo ng basa, puno ng pictures niya yung wallet ko. Eh kasi naman eh. Ano.. c—crush ko siya! >//////< Shh lang kayo, ha?
Papalabas na ako ng campus namin nang hinarang ako ng twin towers na sila Chanyeol at Kris.
“Excuse me.” Sabi ko at nilagpasan sila pero naramdaman kong hinawakan ni Chanyeol yung balikat ko.
“Wait..” sabi niya. “Come with us.” Pagtutuloy niya at dinala nila ako ni Kris sa isang dark room.
Habang hila nila akong dalawa, nakita kong nakatingin yung ibang estudyante at puno ng inggit ang kanilang mga mata. Well hello! Ako kaya ang naiinggit sa kanila! Feeling ko kasi bibitayin na ako anytime >/////<
“Hello?” sabi ko. Feeling ko may tao dito sa loob eh. Nakita ko naman na may aninong gumalaw. Shizz, katakot!! >////////////<
“U—uh, hello, ako si Reza.” Sabi ko habang nanginginig. Magpakatatag ka, Reza! Fighting~
“Alam ko.” Sabi ng isang boses. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marealize ko kung sino ang nagsalita.
“T—tao?” tanong ko. Bigla namang may bumukas na ilaw sa may pinakagitnang parte nung kwarto at nakita ko siya na may hawak na isang pirasong rose at panda stuffed toy sa kabilang kamay.
TAO’s POV
Lumakad ako papalapit sa kanya. Sht naman, mukha akong bakla nito. Ang keso ko na ba? -__-
Naaalala niyo ba nung kinuha ko yung panda niya? Aish, ewan ko pero natutuwa kasi akong pagtripan ‘tong babaeng ‘to. Ang childish ba naman kasi! May panda panda pang nalalaman. Pero ang totoo niyan, nacute-an din ako dun sa panda na stuffed to. XD
Heto ako ngayon, nag-iisa… De joke lang.
Nakatayo ako ngayon sa harap niya habang hawak hawak ang isang pirasong rose at panda stuffed toy naman sa kabilang kamay. Alam ng lahat ng members kung gaano ko kagusto itong stuffed toy, pero sabi ni Kris hyung na ibigay ko na lang daw ito kay Reza. Hayaan niyo na, bibili na lang ako nito next time.
“S—sorry.” Panimula ko. Napansin ko namang gulat ang expression niya. Gusto kong matawa, pero ayoko naman sirain ang moment.
“S—saan?” tanong niya.
“Sa pambubully sayo, sa lahat.” Sabi ko.
“O—okay lang ‘yon, ano ka ba.” Sabi niya. Napansin ko naman na namumula siya.
Nanatili kaming tahimik ng 10 taon. De joke lang, mga 2 minutes lang siguro. Binasag ko na rin yung katahimikan. Kashunga eh.
“Gusto kita.” Sabi ko. Nanlaki naman ang mata niya.
“Ha?” tanong niya. Nabingi ata o na-starstruck sakin. Ang gwapo ko kasi eh. ;)
“Gusto kita. Kaya’t sa ayaw at sa gusto mo, liligawan kita.” Sabi ko at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya.
2 months later…
REZA’s POV
Naglalakad ako ngayon papuntang classroom namin nang maramdaman kong may bumangga nanaman sakin.
“Ay palaka!” sabi ko. Natawa naman yung bumangga sa akin.
“HAHAHAHA! Yun mukha mo Reza!! Mukha kang OWL! Para kang si D.O!!!” sabi niya na tawang tawa pa rin.
“Hoy Tao!! Wag mo nga akong idamay jan sa kalokohan mo!” sabi ni D.O. Natawa naman ako sa kanilang dalawa.
“Goodmorning Panda!!!” sabi niya at niyakap ako. Hinalikan din naman niya ang noo ko.
“Goodmorning din Panda!! Grabe, konting konti na lang mapagkakamalan na takaga kitang panda! Ang laki na ng eyebags mo grabe!” sabi ko at inasar siya. Nagpoker face naman siya.
“Sige ha, asar lang.” sabi niya.
“Eto naman, galit agad! Joke lang yun bebe!” sabi ko at niyakap siya pabalik.
Haaaay, kita niyo nga naman.Kahit na-bully ako nitong Panda na ‘to, kami pa rin ang nagkatuluyan. Sa tingin niyo, gumagana talaga ang The more you hate, the more you love? Ewan ko! Basta sa amin, okay eh! HAHAHAHA.
“Goodmorning class!” sabi ng teacher namin. Osya! Mauuna na ako ha! Baka mapagalitan ako nitong teacher namin eh! Sungit pa naman nito -_______- Hanggang sa muli nating pagkikita! Paalam! :) <3
END
****
(sorry lakas maka-MMK XD)
