Maiksi lang 'to mga pipolets. Bigla lang nag pop-up sa utak ko kanina HAHAHAHA XD Sana magustuhan ninyo *u*
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kasama mo ang iyong boyfriend na si Baekhyun sa may tabing dagat. Holding hands while walking kayo. Oh diba, lakas maka PDA? Tss. Osya itutuloy ko na. So ayun, holding hands while walking ang peg niyo. Masaya ka dahil 1st Anniversary ninyo 'to bilang mag-boyfriend. Kumain kayo sa may tabing dagat, ipinaghanda ka niya ng maliit na celebration. Ginawan ka niya ng kanta. At syempre, dahil gwapo ang boyfriend mo, maganda ang boses, at iba pa, kilig na kilig ka naman. Echos.
"Jagii~ Happy first anniv! Saranghae~"
Ilang beses mo nang sinabi sa kanya ang mga salitang iyan ngunit tanging ngiti lamang ang isinasagot niya sa iyo. Dahil napuno ka na, huminto ka at hinarap siya. Napahinto rin siya.
"Eeeh~ Jagi! Kanina pa ako naga-I love you sayo ah? Bakit hindi ka sumasagot?" tanong mo na parang batang nagta-tantrums.
"Ha? Bakit? Hindi naman tanong ang 'I love you' na kailangan ng sagot, 'di ba?" sabi niya at napatawa, ginulo pa niya ang buhok mo. Dahil doon, mas napasimangot ka.
"Oh, sisimangot ka nanaman. Wag, sige ka papanget ka." sabi niya sayo. Inalis mo naman ang pagkasimangot mo at nginitian ka nya.
Ilang beses kang nagpa-cute sa kanya. Ilang beses ka humingi ng kiss. Ilang beses mo siyang niyakap, pero hindi ka niya niyakap pabalik. Nang mag gabi na, umupo kayo sa isang bench. Dahil hindi mo na kaya, kinausap mo na siya.
"Jagii~ Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo? Ano, uwi na tayo?" Nag-aalalang tanong mo, pero ngumiti lang siya.
"Ah, hindi. Okay lang ako." sabi niya at umiwas ng tingin sayo.
"Baekhyun, a--ayos pa ba tayo? Pansin ko, nung huling 2 buwan iwas ka na sakin ah? May problema ba tayo?" naiiyak na tanong mo. Napatingin siya sayo.
"Ah, kasi..." napahinto siya at umiwas nanaman ng tingin sayo. Napasigaw ka na sa kanya dahil sa sobrang inis.
"Ano?! SABIHIN MO! ANO BANG PROBLEMA? MAY NAGAWA BA AKONG MALI? ANO?!" umiiyak mong sigaw.
"Wala. You were perfect as a girlfriend. Look, ako ang may mali... Hindi ikaw.." sabi niya. Napaiyak ka naman ng tuluyan.
"Bakit, Baek? May ibang babae ka ba? Mas maganda ba siya sakin? Mas sexy? Ano! SUMAGOT KA!" sigaw mo habang hinahampas siya sa kanyang dibdib. Pinigilan niya ang iyong mga kamay.
"Itigil mo yan, nasasaktan ako." seryoso niyang sabi. Natakot ka naman at itinigil ito.
"Baek, sino? Sino siya?" nagmamakaawa mong tanong.
"Si--si Chanyeol. Mahal ko siya, _______. (pangalan ng nagbabasa yan. Ah ewan XD Imagine-in nyo na lang pangalan nyo yung nasa underline HAHAHA). Hindi siya babae. Lalaki siya, _______. Bakla ako. BAKLA." dahil sa galit, inis at gulat mo, nasampal mo siya.
"Kelan mo pa ako niloloko?!" pagalit mong tanong.
"Kami na ni Chanyeol 3 months ago..." pabulong niyang sagot sa iyo. Dahil sa yamot mo, nahampas mo ang kanyang dibdib.
"Walanghiya ka!!! Niloko mo ako!!! AT SA CRUSH KO PA TALAGA!? JUSKO JUGIGO, HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO SAYO!!!" sabi mo at humagulgol ulit.
"Jusko, si Chanyeol. Ang tangkad, ang gwapo, malaki tenga pero cute, akala ko manly, pero hindi! PUMATOL SIYA SA KATULAD MO! Bakit hindi na lang ako pinatulan niya? Eh hindi ka naman babae? HINDI MO SIYA MAPAPASAYA!" sigaw mo, nasampal ka ni Baekhyun.
"HOY BABAE! Mag-ingat ingat ka sa pananalita mo ha! Baka makalimutan kong babae ka, ilampaso pa kita jan sa sahig!" nagulat ka sa tugon sa iyo ni Baekhyun. Tila baklang-bakla siyang magsalita. Wala ka nang nasabi at nanlaki ang mata mo.
"So, I'm ending this relationship. Gaga ka, akala mo hindi ko alam na nililigawan mo si Chanyeol? Tss, walanghiya ka rin. Aagawan mo pa ako ng papa. Sige na. Ayaw na ulit kitang makausap. Chumupi ka na sa buhay ko. Baboosh." sabi niya sabay tayo at lakad ng makembot. Nakita mong sinalubong siya ni Chanyeol sa kanyang kotse at umalis na sila.
Hindi ka makagalaw sa nangyari. Nagulat ka sa bilis ng pangyayari sa araw na iyon.
"Walanghiya ka, Baekhyun..." humihikbi mong sinabi. "Minahal kitang bakla ka!" sabi mo humagulgol na. At dito nagsimula ang iyong buhay single. WAKAS.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
OKEH. Sorry sabog. Ewan ko kung bakit ko naisip yan OTL Pagpasensyahan XD
Btw, sa mga Lavely jan, condolence pala. Though I do not stan Ladies Code, nagulat pa rin ako sa nangyari. Heaven just earned another angel. EunB, you will be missed. Let's pray for EunB's and their driver's soul, and also for the fast recoveries of the staffs and other members.
RIP EunB.
