Chapter 3: UNKNOWN NUMBER

183 4 0
                                    

LOVE IS IN THE AIR

written by: SerEniTY_23

CHAPTER 3:unknown number

SANTI'S POV

SA BAHAY NILA SANTI:

andito kami sa sala, naglalaro kami ni seth ng psp.. 

"yow!kuya, ang hina mo namang tumira, lagi nalang kita natatalo,, hindi ka ba nahihiya na natatalo ka ng isang bata?" pang aasar ni sakin ni seth

"he! tumahimik ka na nga lang dyan,, (pabulong) kitang hindi makapag concentrate yung tao eh"

"anu kuya? siguro iniisip mo nanaman yung babae kanina sa mall anu?? yung ate ni mylene?,, kuya ha... ayyiiee,," binatukan ko ng mahina si seth at tumawa lang sya

"ay kuya , syanga pala, pag nagkita ulit kayo nung ate ni mylene, patanung naman ang number ni mylene, ang galing kasi nya sa barilan, imagine, natalo nya ako kanina, wala pang nakakatalo sakin ng ganun ganun e..pambihira"

"nakahanap ka lang kasi ng katapat mo! aminin mo nga, may crush ka dun no.? kapatid ha? ang bata bata mo pa!" ibinalik ko naman sa kanya ang pangungulit.. hayyy ang cute asarin nitong kapatid ko.. pero bakit ganun? hanngang ngayon, hawak hawak ko parin yung panyo na nalaglag sa kanya kanina, kailan ko kaya ito maisosoli sa kanya?? haixt,, anu ba santi,, bakit mo sya iniisip, e di ba tinarayan ka nya?? dapat sungitan mo din sya,,, maya maya nawalan narin ako ng ganang makipaglaro ng psp,, papasok na sana ako ng kwarto nang biglang dumating si papa at tinawag ako.

"gab, halika dito" 'gab' ang tawag sakin ng mga relatives and friends ko, ayaw ko kasi na santi ang itawag sakin, kasi mabubunyag lang ang panget kong name.. pati pag may mga bago akong kakilala gabriel paLMA lang ang pakilala ko sa kanila.. masisisi ba naman nila ako, e sa ang pangit naman talga ng pangalan ko eh..

"bakit paPA? may ipapagawa ho ba kayo sakin?" tanong ko sa kanya

"sa kuya mo sana ipapagawa ito, pero dahil may business meeting sya sa england, ikaw na muna, eto ung mga resume nung mga applicant na natanggap sa interview kahapon, naevaluate ko na silang lahat, at so far, iyan lang na mga hawak mo ang pumasa sa mga requirement ng kumpanya, so dahil halos lahat sa kanila ay fresh graduate at wala pa masyadong training,,, lagyan mo sila ng group assignment para sa one week nilang on the job training, bawat grupo may isang piloto na maghahandle sa kanila, yung mga piloto na iaasign mo ay yung mga employee na sa company natin, i want it finished by tomorrow afternoon, kasi sa isang araw that is monday magsisimula na ang on the job training nila, maliwanag ba?"

"yes pa, i'll start working with it now"

nagsimula na akong magscan nung mga resume at nagulat ako nung makita ko ang resume nung babaeng kiti kiti na iyon,ewan ko ba , bigla nalang din kasing nagpalpitate yung heart ko ung makita ko yung picture nya sa resume nya,oo walang iba kundi si ms.aguilar... bigla namang may malaking bumbilya ang umilaw sa aking utak. hahahaha.. may evil plan ako,, bwhahahahah.,.,. halos abutin na ako ng umaga pagtatapos nung work na ibinigay sakin ni papa pati narin yung pag iisip ng plano sa muli naming pagkikita ni ms.aguilar, syempre i included myself sa mga employee ng company, at inilagay ko si ms.aguilar sa group ko, hahaha,, tingnan natin kung ano magiging life nya dito kasama ako,, haha,,teka...  anu nga ba??? haha.. welll,, aasarin ko lang naman sya ng bonggang bongga. bigla naman akong napatingin dun sa panyo na nasa harapan ko,, hay sa wakas panyo.. maisasauli narin kita sa amo mo.

2:46am

..wwaaaahh,, bat hindi ako makatuloogg???? kung tutuusin, pagod ako dahil nag arcade kami ni seth kanina... gusto ko nang makatulog,, pero bat yung babaeng un parin ang nasa isipan ko?? kailan ba nya ako  patatahimikin?? ...pikiit,, piikiit pa...

Passenger Seat: Love is in the airTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon