Liana's POV
*Criiiiiinnnngggggg*
*kusot mata*
Ahhhhhh........ang aga naman! Lecheng alarm clock to! Ang aga!
5:30 pa ng umaga, umeepal, sabado naman!
Ang uhaw, iinom muna ako ng tubig.........
"Waaaaaaaaaa!!!!" Halos mahulog ang puso ko sa kaba, leche din tong magaling kong kapatid, bumubungad agad sa pinto ko, abot tenga pa ang ngiti.
"Hy ate! Samahan mo ako mamaya ah!" Ay oo nga pala, magpapasama nga pala siya sa concert nung ano.......yung...ano nga.......yung lion?.......tiger?...hindi eh! Parang........Ja....Jag......ah! Jaguar! Ano ba yun! Hindi ako fan nun eh, respeto nalang sa kapatid kong patay na patay sa Jaguar.
"Ang aga pa Samantha Mikael Revas, mamayang 7pm payun, Anong gusto mo? Ngayon na tayo pupunta? Excited ka nutella?" Nutella ang tawag ko sa kanya, medyo maitim eh, pikon pa naman to.
"Bahala ka nga diyan!" Ayan! Galing ko talaga! Umirap pa! Yun! Alis na!
"Ok, mag kaaway tayo? Di kita sasamahan, ako pa naman bumili ng ticket, langya ka!" Ako pa pinabili nitong nutellang to! Pasalamat siya mabait ang ate niya.
"Joke lang! Ikaw naman! Kahit tawagin mo pa akong cocoa, ok lang."
"Cocoa? uling kaya?"
"Ate naman!" Ayun pikon agad.
"Joke lang, alis nga, iinom pa ako ng tubig, pa epal ka eh! Ay nga pala, ikaw ba nag set ng alarm ko?"
"Hehe, oo, BYE!" Kumaripas agad ng takbo tong nutellang to!
Kung di ko lang mahal to, siguro pinalaman ko nato sa loaf bread ko.
YOU ARE READING
I'm at the Jaguar's Dorm!
FanfictionAng Jaguar ay isang boyband naway pinakasikat na boyband sa buong mundo . Consisting 7 members na super talented, gwapo and hotty, every single move of them ay maviviral na agad sa internet, kahit na magshoshopping lang sila or whatsoever, kahit na...