Chapter 1: Love At First Sight

98 3 1
                                    

**Aijean's POV

9am palang. May isang oras pa bago magbukas ang mall pero nandito na ako at nag-aabang sa may pinto.

Ano nga bang reason kung bakit ako andito? Dadating lang naman ang mga favorite authors ko! Mga taong hinahangaan ko pa higit sa mga artista sa t.v.

"Uy! Nadala mo ba yung book ni DM Saragosa?"

Narinig kong sabi nung isang babae sa tabi ko na naghihintay rin sa pagbubukas ng mall.

"Oo naman! Ako pa? Magpapa-picture din ako sa kanya mamaya. Ay grabe! Excited na talaga akong makita siya!"

Sobrang halata nga na excited siya. May patili-tili pa e. Hmm. DM Saragosa? Siya yung author nung Happy Endings For Hopeless Romantics. Hindi ko pa nababasa yun pero sabi nila maganda daw. Naririnig ko lang din yung name niya at nakikita ko sa facebook.

Somehow nakakaintriga din. Matignan nga siya mamaya. At ng malaman ko kung Wafu nga !

------------------------------------------

Nakapasok na kami sa mall.

Madami ding tao na pumunta para makita sila. Mga sikat na kasi e. And months from now baka maging kagaya na rin nila ako. Hihi.

"Aijean! Pila na tayo dali!" nagmamadaling sabi ng kaibigan kong si Keena. Siya lang kasi ang kasama kong  nag-punta dito sa mall. 

"O siya! Tara na!" sagot ko at naglakad na kami papunta sa event center para pumila at bumili ng mga libro para makapasok sa loob ng event center.

  Pagkatapos naming maka-bili ng mga libro ay agad na kaming pumasok at swerte namin dahil sa pinaka-harapan pa ang pwesto namin. Tamang-tama may dadating na artista. Malapit lang ako. Aweeee >///<

  Ilang oras din ang hinintay namin. Nakapag-lunch na nga kami bago pa magsimula ang event. Pero ayos lang dahil worth the wait naman!

Isa-isa ng nagsisidatingan ang mga authors. Yung iba, pakalat-kalat lang pero hindi sila napapansin ng mga tao. First time lang kasi nilang dadayo dito sa lugar namin kaya wala pa masyadong nakakaalam sa itsura nila. Unlike me, pinuntahan ko na sila sa manila noon.

Sa paghihintay namin ay may nahagilap ang mata ko. Isang lalaking naka-checkered na polo. May mga kasama siya na para bang nag-babantay sa kanya. Napa-tili ang ibang mga babae ng makita siyang umakyat sa backstage. 

Si DM Saragosa.

Sikat nga pala talaga siya. Akala ko sabi-sabi lang. Tinitilian din pala. Well, diko naman masyado nakita yung mukha e.  Mamaya ko nalang siya ididiscriminate este ija-judge sa itsura haha.

--------------------------

"Wooooh! We love you DM!"

"DM ang gwapo mo!"

"Akin ka nalang DM!" 

Yan ang mga sigaw nung mga fangirls ni DM Saragosa. 

Ako?

Eto, nakatulala. Nakatitig sa kanya habang prino-promote yung libro niya.

"Friend? Ok ka lang?" 

Napatingin lang ako sa kaibigan kong si Keena ng magsalita siya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Bakit ganun? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

"Sandali. Maghahanap ako ng maiinterview!"  sabi ni DM at bumaba siya sa stage. 

Nakatitig lang ako habang kinukuhanan siya ng picture. Ni hindi nag-sink in sa isip ko na sa harap ko mismo siya dumaan!

O my gosh! DM Saragosa! Na-love at first sight ata ako sayo!

------------------------------------------

Tapos na ang event at madami ng nagsipag uwi. Kami naman ni Keena ay agad na nagpunta sa backstage para makapag-papicture sa mga authors. At namamag-asa din akong makapag-papicture kay DM Saragosa.

"Uy si DM oh! Palabas na!" excited na sabi ni Keena sa akin sabay hinila ako papalapit. 

"Nahihiya ako. Ang daming tao oh." alanganing sabi ko. E nakakahiya naman kasi e. Ang daming nagpapa-picture sa kanya. Ang dami niyang fangirls.

"Ano ka ba girl! Wala ng hiya-hiya! Kanina nga humawak kapa sa kamay nung artista! Eto papicture lang sa author nahihiya ka pa. Go kana!"

Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya. Kasalukuyan siyang nagpapa-picture nun. Inayos ko muna yung buhok ko at pumwesto na ako sa tabi ng barricade para makapag-papicture. Pero ng maka-pwesto na ako ay bigla siyang humarap sa kabilang side ng barricade para magpa-picture dun sa iba. 

"Seriously? DM?" napa-bulong ako out of frustration dahil sa nangyari. Iwan ba naman ako???

"Game!" 

Nagulat ako sa paglitaw niya sa may side ko. Hindi ko alam na babalik pa pala siya sa side ko. Naka-ngiti siya. Ngumiti din ako sa kanya at medyo nag-day dream nanaman. 

After taking a picture with him ay agad na kaming umalis ni Keena. 

Pag-uwi ko. Baon ko ang mga ngiti sa mga labi ko.

"He's so kind. He's so charming. He's so gentle. I think I'm in love!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Am His Hopeless Romantic (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon