DIARY ♥
Hala naman. Bakit ngayon pako nalate ng gising. Kung kelan may activity kame, dun pa di nag-alarm ang bwiset kong cellphone. Si mommy naman, di man lang ako ginising. Ang hirap naman ng naghahabol sa oras.
Basta takbo lang ako ng takbo. Hinihingal nako my gad. Bakit ba kase kailangan sa taas yung room, tapos wala man lang elevator. Demanding eh no?
**BLAAAAAAAAAAAAAAAAAG!!
Yan na nga ba sinasabi ko eh. Sa sobrang pagmamadali ko, may nabunggo tuloy ako. Nahulog lahat ng dalang bitbit ko. Ganun din yung lalaking nabunggo ko.
"Sorry po. Sorry talaga." Sabi ko sabay pulot ng mga gamit ko na nahulog. Ganun din siya sa mga gamit niya.
"De. Okay lang. Okay ka lang ba Miss?" Pagkasabi niya nun, parang bigla akong napatigil. Sieeteee! Kilala ko tong boses na to. Kilala ko to eh.
Alam mo kase yung feeling na... Sa pagmamadali mo, di mo muna tinignan yung taong nabunggo mo.. Eto yun eh. Kayo unti-unti kong inangat yung ulo ko at tinignan kung tama nga hinala ko.
OMOOOO! Siya nga.
"Hello?? Miss? Okay ka lang?" Sabi niya habang winawagayway ang kamay niya sa gulat kong mukha.
"Ahh. O-oo. O-okay lang ako. Sorry ulet. Thank you den. Byee." Hindi ko na siya hinantay pang sumagot. Dali-dali na akong tumakbo paalis dun.
Haaay. Buti nalang di ako nalate. Yung saktong sakto lang.. Nagawa naman ng maayos yung activity! Ayy. Bute may free time. Bute la si Ms. Lacra. Makadaldal nga muna.
"Pst! Bes. Lika dito. May kukwento ako." Tawag ko sa one and only bestfriend ko, si Camille.
"Oh ano nanamang ichichika mo saken Yanie?"
"Alam mo bang nakabanggaan ko si Kevin kanina?" Oo. Kevin pangalan niya. Gwapong nilalang yan, Campus Crush, Mayaman, Matalino, Sporty tsaka mabait naman kahit papaano. At yan ang one and only Crush ko sa School. Paano naman niya ako mapapansin, eh di hamak na ordinary student lang ako. May itsura naman.. Pero, kahit na. >.<
"Whaaaat? Saan? Kilig ka naman?"
"Dun sa hallway. Oo. Grabe. Hiyang hiya ako. Tanga ko kase eh. Pero alam mo yung feeling.. Grabe! Yung puso ko nagtatatalon sa sobrang kilig. Muntanga ako kanina eh dahil nga nalalate nako. Shet lang talaga."
"Nako. Nako. Halata nga. Tignan mo yung pisngi mo oh. Parang kamatis. Ang pula na Bes."
"Hihihihi! ♥ Kilig talaga a--- Teka! Si Diary, masisiyahan yun."
"Adik ka talala. Sige na. Sumulat kana baka makalimutan mo pa mga nangyare."
"Tengee! Di ko makakalimutan yun! ♥♥" Ang adik ko no? Adik kase talaga ako sakanya. Nga pala, yung Diary? Mahilig kase ako magtake note ng mga masasayang nangyare sa buhay ko. Okaya, kahit anong maisipan kong isulat. Basta puro laman nun, about kay KEVIN ♥
Kinuha ko na yung Diary ko sa mga gamit ko na magulo. Haha! Ayun!
"Teka... Hindi to yung Diary ko." I mean.. Kamukha siya ng notebook ko a.k.a. DIARY pero pagbukas ko.. Iba yung first page niya. Bat wala yung nakasulat na KEVIN sa unahan? Oo.. Ganyan kaadik ang ate niyo.
"KEVIN CHUA!!!?" Bigla akong napasigaw. Napatingin naman yung buong klase saken.
"Nasan? Nasan si Papa Kevin?" Sabi nung kaklase kong juding.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories Collection
Short StoryMy collection of one shot and short LOVE stories. ♥