Ako nga pala si Camille Conde. Ako ay may taglay na Kagandahan, ngunit hindi iyon halata dahil ako ay isang Nerd. Nerd man ako, mahilig naman ako magboy hunting. Hahaha. That's my hobby. Pero mula nung niloko ako ni Miko. LAHAT NAGBAGO. Gusto niyo ba malaman kung pano niya ko niloko? Sige. Isasalaysay ko ang aming kwento.When I was 3rd Year High School. Ako ay niyaya sa isang Club. BUY ME CLUB. Isa siyang Club na kung saan ang mga babae ay binebenta, hindi naman GRO o kung ano man iniisip niyo. For example, may isang guy. Kapag pumasok na siya sa BUY ME CLUB papipiliin agad siya kung sinong babae ang gusto niyang bilhin. Kapag nabili na niya, pwede na siyang makipag usap dito at kilalanin ito. Mayroong ilalaan sa inyong private room. Hindi pwede ang kalaswaan dito, pwera na lang kung nagkagusto kayo sa isa't isa. At KUNG nagkagusto na nga kayo sa isa't isa at gusto niyong gumawa ng kababalaghan, humanap kayo ng ibang lugar dahil bawal iyon sa BUY ME CLUB. Ang pupwede lang doon ay HUG lang, at kung mahuli kayo na lumabag sa batas, may multang Isang Milyon. Kaya nga nung malaman kong may ganung club, di na ako nagdalawang isip. Sumali ako doon dahil marami daw doong Gwapong lalaki na pwedeng bumili sayo kapag kasapi ka ng club na yun. Ang maganda pa e, walang kalaswaan. Kaya game na game ako dun.
KYAAAAAAHHH!!! RUBY ANN!!! Sasali ako sa Buy Me Club! Tuwang tuwa kong sinabi sa Bestfriend ko. ARAYY! Sakit sa tenga! Excited ka masyado Teh? Pagrereklamo niya.
ONAMAN!! KYAAAHHH! Sigaw ko ulit. Tapos patalon talon pa ako.
Bakit ka ba sigaw ng sigaw diyan at tuwang tuwa?
Tugaks ka talaga! Ang alam ko kasi mahilig pumunta dun si Crush, malay mo. Bilhin niya ko, tapos magkakausap kami tapos malay mo i-hug niya ko tapos magiging kami tapos.
*TUGGSSSHHH*
ARAAYY! Bakit mo naman ako binatukan? Pagrereklamo ko. Sadista talaga tong Bestfriend ko.
Kasi naman grabe ka mag-imagine! Hindi ka pa nga member nun eh.
Sabi ko nga. HAHAHAHA! Tara dali. Mamaya mahaba na pila dun!
Ehhh? Diba magaganda lang tinatanggap na member dun?
Ohhh? Di nga? Maganda naman ako eh! HAHAHA! Nerd lang.
Okay! Basta ah? Hanggang Crush lang kasi bawal pa mainlove yung bestfriend ko.
Tapos hinug niya ko. Sweet ng Bestfriend ko talaga. Sadista nga lang.
Sus, tama na nilalanggam na tayo. Hahaha.
Hahaha. Di ka pa nasanay, namiss lang kita e. Tara na nga!
At yun. Pumunta na nga kami sa Buy Me Club, himala nga eh kasi mga 20 lang yung nakapila. Karaniwan kasi umaabot yun ng 100.
Tara! Sali ka na din!
Ehh? Ayoko nga!
Dali na KristeL!
Ayaw .
Sasali ka!
Ikaw na lang sabi.
Eh?? Bahala ka diyan. Maraming Hot Papable dun.
Eh ano naman?
Tsskk. Sige na nga. Antayin mo ko ah?
Naman! Galingan mo.Then she kissed me in my right cheeks. How sweet is my Bestfriend, feeling ko nga may pagnanasa sa akin to e djk lang. After eklavu at chovacheness sa pagpapamember.
"Welcome! You are a New Member" sabi nung magandang babae na nag aassist dun.
PO?
Nakapasa ka! Congratulations.
PO?
*TUUUGGSSH*
ARAAYY! May bigla bigla na lang kasing namatok sa akin.
Pagpasensyahan niyo na lang po yung Bestfriend ko, minsan po kasi may pagkaslow yan eh. Pagpapaliwanag ni KristeL dun sa nag aassist.
Ahhh. Ganun ba? Tetext ko na lang siya kung ano yung mga gagawin. Bukas dapat nasa club na siya ng 2pm.
Okay po. Tsssss. Yun na lang nasabi ko kasi sakit talaga. Tapos umalis na kami dun.
Oh WAIT.
Oh? Ano nanaman?
Nakapasa daw ako?
Ayy! UNLI TEH!
OO NGA SABI! Babatukan kita ulit!
KYYAAAAAAHHHH! Napahug ako sa kanya.
At tumalon talon na din kaming dalawa.I'm so proud of you Camille!
KYAAHHH! HAHAHAA!! Thanks TeL KYAAAAAAHH! I'm so happy😊
Tapos pagka uwi ko. Yun? Tinext nga ako. Kung ano yung gagawin, tapos hanggang 5pm lang. May sahod pala yun? Ang saya lang? Pagkatapos ng klase namin. Umuwi muna ako para magpalit ng damit. Pagkatapos dumeretso na ako sa BUY ME CLUB.
******
WELCOME! Ikaw yung bagong Member diba? Camille? Right?
Ahh. Opo.
Tssk, anong ginagawa ng babaeng yan dito?
Oo nga eh, hindi naman maganda. Nerd pa!
Ang saya lang ah? Makapanlait sila? Sila Na MAGANDA!
Wag mo na lang silang pansinin. Ganyan talaga dito. Galingan mo nalang para marami kang customer.
Grabeeee. Nakakatibo tong nag aassist sa akin. Ang ganda kasi eh! tapos ang bait bait pa.
Ate! Salamat po talaga!
Welcome! Oh? Tara na?Naglibot libot lang kami sa club. Tapos tinuruan niya din ako ng mga techniques. Kapag mukha daw manyakis yung buyer lumayo layo daw ako, at siguraduhin ko daw na malapit sa akin yung device. Grabe, nakakatuwa naman sa club na ito. Biglang may umilaw sa bulsa ko.
Oh? Meron ka na agad buyer?
Po?
Tapos nilabas ko yung umiilaq na lollipop na binigay niya. Akala ko nga pagkain eh.
Hahaha. Kapag umilaw na kasi yang Lollipop na yan, mayroon ng bumili sayo.
Ahhh.By the way I'm Princess, nice to meet you.
Ako nama po si Camille, Thanks po!
Okay! Good Luck Girl.
Tapos umalis na siya. Pumunta na ako sa nakalaang Private Place. Hindi pa ako nakakarating sa kwarto eh tanaw na tanaw ko na ang NAPAKAGWAPONG nilalang OMG si CRUSH😍
VOTES and COMMENTS Guyss💙
BINABASA MO ANG
Life is Like a Magazine📕
Novela JuvenilKung manloloko ka, wag mo ng ituloy. Tandaan na ang mga Babae kapag iniwan, Gumaganda yan! At pag ang 'TANGA' natuto. Humanda ka😉