Ang Talinghaga ng Pulang Kisame at Ang Bagong Damit ng Emperor

17 0 0
                                    

Kahit saan ako tumingin, wala akong ibang nakikita kundi ang maalong dagat at walang katapusang maiitim na ulap. Umaabot sa kinatatayuan ko ang alon na humahampas sa dalampasigan, habang walang tigil naman ang pagbuhos ng ulan.

Tumingala ako at nilasahan ang tubig-ulan. Yup, totoo nga 'to. Kung paano ako napadpad sa isolated na islang 'to, hindi ko alam.

"Hooyy!!" Wala man lang echo.

"Tang ina n'yo!!" Wala pa ring echo. Ako nga lang yata rito. Wait, ihing-ihi na talaga ako. Wala naman yatang tao kaya pinakawalan ko na. Kakaibang ginhawa ang naramdaman ko dala ng init na dumudulas sa mga hita ko, pababa sa aking paa. Nabasa ko dati sa Life of Pi, hindi dapat umiihi nang ganito dahil perwisyo ang pangangati at rashes kaysa sakit sa pantog.

"K-kanina ka pa?"

Sandaling naudlot ang pag-ihi ko dahil sa gulat sa kung sinong biglang nagsalita. Hinarap ko siya.

Nakasuot siya ng puting bestida at tulad ko ay basa rin ng ulan. Nanunuot ang damit sa makurba niyang katawan kaya masisipat ng sinumang makakakita ang kanyang makinis na balat, ang mapipintog na mga hita at ang mayayaman niyang . . . d-dibdib. Napalunok ako. Okay lang talaga kung mag-away man kami dahil sa kanya. Magkawatak-watak man kami, hindi malulugi ang makakakuha sa atensyon niya.

Dahan-dahan akong tumango.

"Ah, pasensya ka na, hindi kita agad nasundo". Ngumiti siya pagkasabi n'on. Napakaganda niya habang nakangiti. Nakakarelaks. May kung ano sa akin na parang natutunaw at malayang dumadaloy sa katauhan ko.

Ay, oo nga pala, pinipigil ko nga pala ang ihi ko. Hindi rin naman niya siguro mapapansin kaya hinayaan ko na lang.

"Hala, nilalamig ka na!" Humakbang siya palapit.

Hindi. Naiihi lang ako. Kinikilig.

"Ano?"

"Ha? A eh. Wala ba tayong masisilungan?" tanong ko bago siya tuluyang makalapit.

"May dampa ako sa malapit. 'Li ka."

Tumalikod na siya at nagsimulang humakbang palayo. Saglit akong nanatili sa kinatatayuan ko at pinanood siyang lumakad. Mabilog ang kanyang pang-upo at sigurado ako, wala nang saplot sa ilalim n'on. Napalunok ako saka napailing. Umuulan man, malungkot man ang paligid at wala na yata kami sa mundo, masaya akong nandito siya. Masaya akong magkasama kami.

Lumakad na akong pasunod sa kanya.

Pumasok kami sa loob ng gubat, dumaan sa isang malaking puno na may malaking lagusan sa gitna. Ilang sandaling lakaran pa ay nakita ko na ang maliit niyang kubo na napalilibutan ng mga puno.

Nilingon niya ako at nginitian. Ginantihan ko iyon ng pang boy-next-door kong ngiti.

Nasa hagdan na siya nang humarap siya sa akin. Napako naman ang paa ko ilang hakbang mula sa kanya. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha, ang makipot niyang mga labi at ang mabilog na mga mata.

"May sasabihin ka ba?"

"A-ang . . . ganda mo pa rin." Nice try! sigaw ng isip ko. Yan na ang pinakapoging masasabi mo? Galing, pucha.

Napatawa siya sabay sabi ng "salamat".

Pero sandali lang iyon dahil may kung anong umikot sa sikmura ko. Para ding gumagaan ang aking ulo. Ilang saglit pa at hindi na maramdaman ng mga paa ko ang lupa. Napatingin ako sa kanya, nakataas ang dalawang kilay. Sinubukan kong sumigaw pero tinakasan na ng boses ang lalamunan ko.

"Hihintayin kita," sabi niya.

Sa isip ko ay nagtatanong ako ng kung anong nangyayari. Kung saan ako pupunta at kung kailan ako babalik.

Ang Talinghaga ng Pulang Kisame at Ang Bagong Damit ng EmperorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon