Chapter 2
Bitbit ko ang mga bilin ni Mama at Papa habang tinatahak ko ang daan patungo sa istasyon ng tren patungong Training School. Ang sabi nila ay huwag ako basta basta magtitiwala sa kung sino sino. Ibinilin din nila na alagaan kong mabuti si Fern. Ang asul na asong nabili namin sa Coocoe's Habitat. Ang sabi ni Mama ay isa si Fern sa mga poprotekta sa akin.
Tinignan ko ang ticket na ibinigay ni Mama sa akin kanina. Nauna na silang umalis dahil ang sabi nila ay ayaw nila akong makitang umalis. May nakasulat na malalaking letra ng Hex roon.
"Emerald! Take care, okay? I'm gonna miss you. Hex Training School is a great school. I'm sure you'll enjoy."
Napalingon ako sa lalaking nasa aking gilid na may kasamang nakasalamin na babae dahil sa pagbanggit nila sa Hex.
"Sir, saan ho ang istasyon patungong Hex?" Tanong ko sa lalaki.
"Oh! Bagong estudyante ka rin doon? Bago rin itong anak kong si Emerald." Sagot ng lalaki na pamilyar sa akin. Ngumiti naman ang kasama nito.
"Sumunod kayo sa akin." Dagdag pa nito.
Naunang naglakad ang kasama nito at sumunod lamang ako. Tumigil ang mag ama sa isang tren na may kaunting distansya sa mga taong sumasakay patungo sa kanilang nais na puntahan.
"Maraming salamat ho. Mauuna na ako." Sabi ko sa lalaki. Tumango naman ito.
"Walang anuman, hija. Ano nga palang pangalan mo?" Tanong nito.
"Raise po. Raise Widdershin." Sagot ko sa tanong ng ginoo.
Nanlaki ang mga berdeng mata ng anak ng ginoo. Ngayon ko lang napansin na parehong berde ang kanilang mga mata.
"Widdershin?! Anak ka ng matalik kong kaibigan na si Rex? Ako si Ram Wanger. Naalala mo ba? At ang anak kong si Emerald. Matalik na magkaibigan kayo noon!" Gulat na tanong ng lalaki.
Napangiti ako ng magkaroon ako ng kaunting memorya tungkol sa babaeng katabi ni Ram Wanger.
Pitong taong gulang ako noong nakilala ko ang batang si Emerald. Nagbakasyon ang pamilya nila sa amin noon. Agad kaming nagkasundo ni Emerald dahil pareho ang hilig namin. Ang magdrawing ng stickman at mga damit, ang mga manika at patatas. Pero isang linggo lang noon sila sa amin at mula noon ay hindi ko na muli silang nakita. Nawalan din kami ng komunikasyon ni Emerald noon.
"Pasensya na, Tito Ram, Emerald. Hindi ko kayo nakilala." Hinging paumanhin ko.
Tumango naman ito at ngumiti.
"Ayos lang. Raise, pwede bang sumabay sa iyo si Emerald? Limang minuto nalang at aalis na ang tren na sasakyan nyo. Pumasok na kayo sa loob." Ani Tito Ram.
Sa loob ng tren ay nagkakagulo ang mga kabataan sa edad ko. Inilalagay ng iba ang kanilang mga bitbit sa itaas ng kanilang upuan. Ang iba naman ay nagpapagalingan sa mga taglay nilang kapangyarihan. Ang iba ay nagkwekwentuhan.
"Dito nalang tayo." Aya ko kay Emerald malapit sa pinakadulo ng Tren.
"Umm. S-Sige." Tipid na ngiti naman nito. Mahiyain si Emerald. Yan ang unang napansin ko nang kausapin ko sya kanina.
Pagkalagay namin ng mga gamit sa lalagyan ng mga ito ay tinabihan ko si Emerald.
"Ang laki ng pinagbago mo. Malabo ba ang mata mo?" Pagsisimula ko sa conversation.
"O-Oo. Nagsimula lumabo noong una kong nagamit ang Hearing Powers ko." Mahinang saad ni Emerald. Nakayuko lamang ito habang kinakausap ako.
"Tingin ka sa akin." Sabi ko.
"Ano kasi. Nahihiya ako." Mahina pa ring sabi nya. Napangiti ako.
"Ano ka ba? Diba magkaibigan tayo noon? Wala namang nagbago. Namiss nga kita." Ngumiti ako ng mapatingin sya sa akin.
"Talaga? Alam mo bang wala akong kaibigan sa naging eskwelahan ko? Lahat tingin sa akin wirdo. Nakakainis sila! Mas maganda naman ako sa mga yun! Tapos mas maganda talaga ako kung tatanggalin ko lang ang salamin ko! Malinaw pa rin naman ang mata ko eh. Kaso pinasuot na ni Papa dahil lalabo daw ng kaunti ang mata ko pag naenhance na ang hearing powers ko." Napangiwi ako sa mas malakas at mas masiglang sabi nito.
"Akala ko ba mahiyain ka?" Natatawang sabi ko.
"Fake lang yon! Like duh! Di pwede sa mga tulad nating Sorcerers ang mga mahiyain!" Umirap pa ito sa hangin.
"Pero alam mo ba? Namiss kita! Pinipilit ko pa nga si Daddy dati na bumalik kami sa inyo eh. Kaso hindi daw pwede kasi malayo. Hintayin ko nalang daw kapag 17 na tayo. Makikita daw kita ulit. At heto na nga! Bestfriend kita ha?! Tapos dapat magkaklase tayo!" Yinakap ako ni Emerald at tumilitili pa ito na parang kinikilig. Napatingin ako sa bintana at nakita kong malayo na kami sa syudad.
"Ehem. Miss, maybe you want some snacks?" Tumikhim ang babaeng may dalang cart na maraming pagkain. Humiwalay sa akin si Emerald at tinignan ang mga pagkain na dala ng babae.
"We'll take this, this, and this, and this. Thanks!" Binayaran ni Emerald ang mga binili nya gamit ang mga gold coins na katulad ng mga binigay sa akin ni Papa kanina.
"Ah! I miss these foods! Daddy won't let me buy this noong 13 years old ako. Baka mabungi daw ako." Turo nya sa kinakain niyang gumagalaw na hugis uod.
"Don't worry! Ginamitan sila ng magic kaya hindi sila totong uod! Di naman ako kumakain ng uod noh!" Ani Emerald nang napansing napangiwi ako.
"Try this! Hindi mo ba alam ang mga pagkain na ito?" Umiling ako sa tanong ni Emerald. Hiniling ko noong sampung taong gulang palang ako kay Papa na gusto kong mamuhay ng normal. Kaya hindi pamilyar sa akin ang mga pagkain na kinakain ngayon ni Emerald.
"Alam mo idol ko si Headmaster Crane! Trihex din sya katulad ni Papa pero cool sya! He can perform magic using his mind, he can shape shift at isa sya sa mga Sorcerers na biniyayaan ng Spellnergy! Limang tao palang ang may special gift na ganon. Ang apat sorcerer na bumuo ng Training School at si Headmaster Crane." I know Headmaster Crane. He's famous. Siya lang ang tanging Sorcerer ngayon na may taglay ng special gift. Spellnergy. He perform spells using his index finger.
Nakatulugan namin pareho ni Emerald ang pagkwekwentuhan tungkol sa Training School. Nang magising kami ay tumigil na ang tren.
"Leave your things, students. Nasa mga kwartong para sa inyo na mamaya ang mga iyan." Bilin ni Mr. Schizser. Ang punong gwardiya ng Training School.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Maraming puno, kulay berde ang mga damo na parang laging bagong dilig, maraming ibon. Para kang nasa paraiso. Iba ang pakiramdam ng nasa Hex at nasa normal na mundo.
Sinundan namin ang tagabantay malapit sa tren. Habang naglalakad ay maramig bagong estudyante ang namamangha.
"Ang ganda dito." Bulong ng katabi kong si Emerald.
Para kaming nasa future. Hex is actually the definition of future. Katulad ng mga napapanood kong pelikula. Hindi kastilyo na inaasahan ko ang Training School. Limang matatayog na building ang nabilang ko, na sa tingin ko ay sampu hanggang labindalawa ang palapag at ang building sa pinakagitna ang may nakalagay na HEX TRAINING SCHOOL na hologram sa pinakaitaas nito. Sa mga apat na building naman ay may mga flag na iba iba ang kulay ng bawat isa ang nasa tuktok.
"Salamat, Mr. Schizser." Salamat ng babaeng nakasalamin at naka pony tail ang buhok. May hawak itong transparent glass na rectangle ang hugis.
"I'm Professor Zryah Hugh. Follow me, please." Nauna itong lumakad patungo sa gitnang building.
Pinaupo kami ni Professor Zryah sa mga upuan kaharap ang labing isang tao, na sa tingin ko ay mga guro.
"Ilabas ang tatlong Grooker's Potion. Gaganapin na ngayon din ang Sorting." Malakas na sabi ni Headmaster Crane.
BINABASA MO ANG
The Sorceress
FantasySa mundong ginagalawan ng mga taong di pangkaraniwan ay di kailanman magiging ligtas. Meet Raine Widdershin. Ang taong itinakda ng matandang propeta. Let us join Raine as she and the team uncover the secrets of the past. - ©2017