Chapter 3
"We all know that the Houses are named after the 4 famous and brave Sorcerers. Harry Potter, Hermione Granger, Ronald Weasley and Draco Malfoy. Now, I will call your name one by one and please bring the 3 Grooker's Potions with you, students. You will be sort by your personalities and abilities." Sabi ni Professor Zryah sa amin matapos ang maikling speech tungkol sa rules and regulations ni Headmaster Crane.
"Prix Hortar." Tawag ni Professor Zryah sa unang estudyante.
Inilabas nito ang tatlong potions at umupo sa upuan na nasa harapan.
"Bring out your potions at inumin mo." Utos ni Professor Zryah rito.
Ininom ni Prix Hortar ang tatlong potions at may lumabas na apat na kulay na nakapalibot sa katawan nito. Unang kulay ay berde, sunod ay asul, pula, at mas nangibabaw ang dilaw.
"Welcome to Malfoy, Hortar!!" Anunsyo ni Professor Zryah at nagpalakpakan ang mga grupo ng estudyanteng nasa gilid na may halong dilaw ang mga suot na damit.
"Trek Sy." Tawag ni Professor Zryah sa susunod na estudyante.
Gaya ng nauna ay ganun din ang ginawa ni Trek Sy at mas nagibabaw rito ang kulay asul.
"Welcome to Potter, Mr. Sy!"
Nagpalakpakan ang mga estudyanteng may halong asul ang mga kasuotan."Raine, sana sa Potter ang house natin! Potter ang house ni Papa at Mama noon at ang parents mo rin. Yun din ang house ni Headmaster Crane noong estudyante pa sya! Potter is the other word for kindness and bravery. Nagbasa rin ako ng mga books about the houses bago ako pumasok rito. Granger, they wear something with the touch of green. They are known for being humble and intelligent. Weasley, sila naman yung nakasuot ng may halong pula. They are playful, and some of the famous sorcerers na dating Weasley ay Masters of Lightning and Fire. Malfoy, sila yung may suot na dilaw. They are... uh.. a bit wicked and brave too." Pagbibigay impormasyon sa akin ni Emerald.
"Lush Freeg." Tumayo ang babaeng nasa aking harapan nang tawagin ni Professor Zryah ang kaniyang pangalan at napunta ito sa Granger. Halata sa aura ng babae na ito ay matalino. Sunod na natawag ay si Emerald.
"Welcome to Potter, Ms. Wanger!" Anunsyo ni Professor Zryah.
Biglang minulat ni Emerald ang kanyang mga mata at tumalon talon sa harapan. Kanina pa ito nakapikit dahil ayaw raw niyang agad malaman. Baka daw madismaya ito sa resulta. Natawa halos ang lahat sa inaktong pagtatalon talon ni Emerald sa harapan.
"I knew it, Raine! I knew it! Ikaw na nyan ang next!" Niyugyog pa ni Emerald ang aking mga balikat sa sobrang saya nito.
"Raine Widdershin." Tawag ni Professor Zryah sa aking pangalan.
"Good luck, Raine!" Sabi ni Emerald nang tumayo na ako at sya naman ay pumunta na sa grupo na may suot na kulay asul.
Bitbit ko ang tatlong potions nang umupo na ako. Naalala ko ang bilin ni Mama nang kausapin nya ako para mapunta sa House of Potter.
"You need to calm your mind, Raine. Calm your mind and think about something you want to do. Think about something good and push away your bad thoughts."
Kinalma ko ang aking sarili. Ininom ko ang tatlong potions at naramdaman ko ang kakaibang pakiramdam na dumaloy sa aking katawan. Nang tignan ko ang mga kulay na nakapalibot sa akin ay nangingibabaw ang dilaw, pagkatapos ay nangibabaw ang berde. Pagkatapos ay nangibabaw naman ay pula.
Napalingon ako kay Professor Zryah dahil nakakunot ang kaniyang noo na para bang hindi nito maintindihan ang nangyayari.
Muli kong tinignan ang aking katawan at nakitang asul na ang nangingibabaw. Nawala ang mga kulay berde, dilaw at pula. Tanging asul na lamang.
"Welcome to Potter, Widdershin!" Nakangiting anunsyo ni Professor Zryah. Nakipagkamay ito sa akin at sinuklian ko siya ng pasalamat at ngiti. Nang tignan ko ang ekspresyon ng mga estudyante ay halos lahat sila namamangha sa hindi ko malamang dahilan. Lumakad ako kung saan naroon si Emerald.
"That's awesome, Raine! Ang akala ko ay sa Malfoy ka noong una, tapos biglang naging berde, pagkatapos ay pula! Pero napunta ka sa Potter. There's only one person in history na ganyan din ang nangyari sa kaniya! And that person is Headmaster Crane! Maybe... Maybe there's something in yo-" Pinutol ko ang sinasabi ni Emerald.
"Ano ka ba? Wala lang iyon. Magulo ang isipan ko kanina kaya siguro ganon." Sabi ko.
Emerald shrugged her shoulders. Dahil siguro may punto rin ako.
"Welcome to Potter, Ms. Widdershin. Ako si Sham Cunnington, ang Head ng House of Potter." Nakangiting sabi ng lalaking nakasuot ng jacket na kulay blue. Sa aking tingin ay nasa tatlo hanggang apat na taon ang tanda nito sa akin.
"Salamat, Mr. Cunnington." Nakangiti kong sabi.
"Quit the formality, Raine. Call me, Kuya Sham. Yan ang tawag sa aking ng mga Potters." Tinapik nito ang balikat ko.
Nilingon ko si Emerald dahil kinalabit ako nito.
"Raine, si Trek Sy. He's my friend noong nasa Grade 10 pa tayo." Pakilala nito sa lalaking nakasalamin. Ngumiti ito at inilahad ang kamay.
"Trek Sy. Raine ang pangalan mo diba? Lagi kang kinukwento ni Emerald sa akin noon." Sabi nito. Ngumiti ako at tinanguan ito. Ibanalik ko ang atensyon sa Sorting.
"Light Stark." Tawag ni Professor Zryah sa susunod na estudyante. Lumakad ito at ang mga estudyante sa isang tabi ay nagbigay ng daan para rito na parang hari ang dadaan.
Sinuyod nito ng tingin ang buong hall, ang mga estudyante at tumigil ang tingin nito sa aming banda. Tumili ang mga babaeng nasa aming likuran dahil kumindat ito.
"Ang yabang." Pabulong nasabi ko.
"Ang cute kaya nya! Bully nga lang. Schoolmate ko yan dati." Napalingon ako kay Emerald. Oo nga pala. Malakas ang pandinig nito. Napairap ako sa sinabi nito.
"Mayabang pa rin." Sabi ko.
"Welcome to Potter, Mr. Stark!" Lumakad ito patungo sa aming direksyon.
"Light!" Nakipagapir si Trek sa bagong dating na si Light.
"Raine, Emerald, this is Light Stark. Pinsan ko. Light, si Emerald, tapos si Raine." Pakilala ni Trek. Ngumiti ako ng tipid sa lalaki. Ngumisi ito at kumindat sa akin. Napailing ako sa akto nito.
Pagkatapos ng kalahating oras ay natapos na ang Sorting.
"Follow me, Potters. Ipapakita ko sa inyo ang ating dormitoryo." Sabi ni Kuya Sham at sinundan namin ito.
Lumabas kami ng hall at muli kong nakita ang labas ng training school. Papunta kami sa isang gusali na may asul na flag sa itaas. Pinapila kami ng head of the house, Sham Cunnington, na may kasamang sampu pang estudyante sa edad nito. Nasa labing lima kaming mga bagong estudyante ang napabilang sa Potter.
"I will give each of you a card, which serves as your key sa ating building. This rectangular shape transparent glass bilang guide niyo rito sa eskwelahan. You will have your own room. And one more thing, treat each member of the house as a family and a friend. We do not tolerate fight in here." Ani ni Kuya Sham at ipinabigay sa mga kasama nito ang Card na kulay asul at may disenyo ng leon. Nakalagay na agad ang aming mga pangalan sa Card pati na rin ang number ng kwarto na para sa amin. Ibinigay rin sa amin ang transparent glass na tinatawag nilang Gem.
Pinapasok kami sa loob ng gusali at may scanner sa entrance nito para malaman kung may dala ka bang patalim o mga bagay na maaaring makapahamak.
"Anong room number ka?" Tanong ng katabi kong si Light.
"Number 29." Sagot ko sa tanong niya.
"Ikaw Emerald?" Tanong ko kay Emerald.
"Number 25. 27 si Trek. Ikaw Light?" Ani Emerald.
"Ouch, Raine. Di mo ba ako tatanungin kung saan ako?" Umakto pa ito na akala mo ay may sakit sa puso. Umiling ako sa tanong ni Light at naunag naglakad.
"Ang tahimik at ang sungit naman ng kaibigan mo, Wanger." Narinig kong tumawa si Emerald sa sinabi ni Light.
-
Author's note:
Thank you! Napagtiisan mo siya hanggang dito. Hahaha. :)
BINABASA MO ANG
The Sorceress
FantasySa mundong ginagalawan ng mga taong di pangkaraniwan ay di kailanman magiging ligtas. Meet Raine Widdershin. Ang taong itinakda ng matandang propeta. Let us join Raine as she and the team uncover the secrets of the past. - ©2017