logic #46

1.5K 15 6
                                    

Isang murder ang nangyari sa isang village at inutos ng police officer sa 2 police na pumunta sa crime scene,mag investigate doon at gumawa ng report.

Madaling araw na iyon at masyadong malayo ito sa police station kaya napagdesisyonan nilang gumawa ng fake report.

Ito ang kanilang incident report :

Pagpunta namin sa crime scene, nakabukas ang pinto , at isang lalaki , na sa tingin namin ay edad 35-40, ang nakahandusay sa sahig. Nakabukas ang ilaw at ang electric fan.

Nakita namin ang mga bagay na ito sa lamesa :

- isang bote na may lamang lason
- isang bote ng drinking water
- isang fountain pen
- isang dyaryo na nakabuklat sa page 9 at 10
- isang notebook
- calendar na may mark sa june 5
- isang red na sumbrero

Ang lalaki ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pag inom ng lason

Pagtapos basahin ng police officer ang report ay nalaman nya agad na fake ito. Paano nya nalaman iyon ?

clue : journalist knows

Tagalog LogicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon