habang nakaupo ako sa waiting shed at kumakain ng mansanas na lagi ko naman ginagawa pag umaga ay may nakita akong isang pulubi. Lahat ng dumadaan ay may binabanggit syang salita. Dahil gusto kong malaman pinakinggan ko sya.
Naglakad ang isang babaeng mataba at nag salita sya ng "baboy".
Naglakad ang lalaking payat at nagsalita sya ng "bulalo".
Naglakad ang isang laseng at nagsalita sya ng "aso".
Naglakad ang isang lalaking naka tuxedo at sinabi niya "tao".
Inisip ko may kung anong nagagawang pambihira itong taong to. Nag isip ako ng nag isip hanggang sa ako ang dumaan at sinabi niya "mansanas".Alam ko sa sarili ko na mapula ang muka ko noon pero napaisip ako at doon ko nalaman kung anong kaya niyang gawin. Pero may bigla akong naalala at kinatakot ko.
Anong kayang gawin ng pulubi? Ano naman ang aking kinatakot?

BINABASA MO ANG
Tagalog Logic
Misteri / ThrillerTagalog logic is the compilation of logical questions in tagalog version. Hope you enjoy it!