Minsan kung sino pa yung pinagkaka tiwalaan natin ng lubos sila pa mismo ang naglalagay sa atin sa pahamak. May mga tao rin na akala natin hindi mahalaga sa atin pero kapag kailangan mo magliligtas sayo ay nandyan sila agad.
"Huy huwag niyo kong iwan dito sobrang dilim na atsaka baka hinahanap na ako sa bahay." Sabi ko sa kanila.
Nandito kami kung saan nakatira ang aming guro. Hinahangaan ko ito kaya dinala nila ako kung saan ito nakatira pero sobrang dilim na.
"Sus okay lang yan te! Pinaalam ka namin diba? Oh don't worry! Sige na puntahan mo na iwan ka na namin dito. Byeeee!" Sabi ni Kris, kaibigan kong bakla.
Ang dilim na sa tingin ba niya kaya kong mag-isa dito? Isa pa hindi ko alam kung saan nakatira yun sinabi lang niya kung anong kulay ng bahay. Shit kinakabahan ako.
"Gago ka ba? E pag may nangyari sa akin dito? Ano?!" Asar kong sabi sa kanya.
Natawa lang siya sa sinabi ko.
"Oo nga Kris baka kung mapaano dito si Roseann masyadong madilim sa parteng ito at isa pa gabi na masyado baka hinahanap na siya nila tita. Mabuting umuwi na tayo." Sabi ni Sophia.
"OA niyo naman magreact mga te! Walang mangyayaring masama dyan dito. Matitino tao dito ano ba kayo. Hahaha! Tara na byeee!" Sabi ni Kris.
At yun umalis na hinatak na sila Sophia at Eya. Mga kaibigan ko sila, kakagaling lang namin sa isang fastfood kumain at pagtapos pumunta kami dito upang tignan daw yung bahay ni ginoo. Shit e hindi ko naman alam na ganito pala kadilim sa parte dito. Pag may nangyari talagang masama sa akin dito hindi ko mapapatawad yung baklang yun.
No choice na ako kaya naglakad lakad na ako, hindi ko rin alam kung saan palabas kaya naglakad lakad na lang ako. Habang naglalakad may nararamdaman akong parang may sumusunod sa akin. Hindi lang isa kung hindi dalawa. Binale wala ko na yun at tunuloy ang paglalakad. Hindi pa ako nakakalayo ng biglang may matulis na bagay na dumikit sa may tagiliran ko. SHIT! Ito na nga bang sinasabi ko.
*DUG.DUG.DUG.DUG* sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Akin na lahat ng gamit mo kung ayaw mong masaktan." Sabi sa akin.
Shit! Shit! Shit! Help me please! Huhuhu! Hindi ko alam gagawin ko!
Hindi na ako sumagot bagkus ibinigay ko na lahat ng mga kailangan niya.
"Kuya a-ayan n-na la-la-lahat ng ga-gamit ko pakawalan mo na ako." Nauutal kong sabi.
Shit sobrang kaba ko!
"At sinong nagsabi sayong papakawalaan kita agad? Hahaha hindi pa! May isa pa kaming gagawin na ikatutuwa mo." Sabi niya.
Shit! Shit! Mas dumoble yung kaba na nararamdaman ko.
May tinagawa pa siyang isa kaya paniguradong kasamahan niya yun.
Shit! Nagpupumiglas ako, kinakausap ko sila ng matino pero ayaw pa rin nila. Help me please!
Sir! Please help me! Naiiyak na ako! 😢
Walang silang ibang ginawa kung hindi hawakan yung braso ko shit.
"Mga kuya *hik* huwag niyo naman *hik* gawin ito sa *hik* akin." Sabi ko habang umiiyak.
"Hahaha ineng kailangan talaga ng lalaki ito." Sabi nung isa.
Gago! Kailangan pero sa iba't ibang babae?! Mga gago! Tangina mamatay na kayong mga lalaki kayo!
Hindi na ako kumibo at umiyak na lang ng umiyak. Alam kong walang matutulong yung pagiyak pero ayun lang ang magagawa ko ngayon.