JAT 1

21 0 0
                                    


"Iwanan mo na kase yun pre! Dito ka na lang sa bar ko. Maraming chics dito! Masasabaw silang lahat. Walang sukuan kahit ilang rounds pa yan!"

Natatawa kong ininom yung laman ng shotglass ko.

Nakakaramdam na rin ako ng init sa buo kong katawan. Malakas naman ang aircon dito sa second floor ng bar at nakabukas na rin ang first three buttons ng polo ko pero nagbubutil pa rin ang pawis sa noo ko. Tinatablan na yata ako ng espiritu ng alak.

"Ano? Pumayag ka na kase! Ipapatry ko sa'yo yung prima. Panalo yung balakang nun!"

Tuwang-tuwa niya pang alok. Kung hindi ko lang talaga bestfriend 'tong si Zerx matagal ko na 'tong pinabugbog. Whore kung whore ang gago.

Binaba ko muna yung shotglass ko bago ko siya sinagot.

"Ulul. Alam kong natikman mo na yun. At ayoko ng napagsawaan na. Kilala mo ako Zerx. Gusto ko ako lang ang una at huling hahawak. Hindi ako mahilig makipag-share."

Siya naman ang uminom.

Nilapit ko naman yung baso ko para salinan niya.

"At baka nakakalimutan mo, kasal na ako."

Napailing siya sa sinabi ko.

"Kasal ka nga sa dyosa. Ang sexy. Ang ganda. Pero naikakama mo ba?"

Parang umakyat yung dugo ko sa ulo ko sa sinabi niya.

I glared at him.

"No offense pre. Pero ilang buwan na ba kayong kasal ni Danina? You said walang honeymoon na naganap hindi ba?"

Shoot. I calm my veins.

Ang bano pakinggan pero hindi pa ako nakakascore sa asawa ko. And it is because she is cold. Her heart belongs to someone. I do not own it.

"Kahit na. Huwag mong pagsasalitaan ng ganyan si Danina. Kalimutan mong magkaibigan tayo kapag inulit mong bastusin siya sa harap ko."

Saka ako tumayo para umalis na rin. Ayokong makaaway si Zerx kaya might as well, ako na lang ang iiwas. Hindi niya kase talaga gusto si Danina. Sa lahat nga daw ng babaeng nagkakagusto sa akin, bakit sa isang babae pa ako tinamaan. Sa isang babaeng hindi ko naman maangkin dahil may mahal na siyang iba.

Ito na nga yata ang karma ko sa lahat ng mga babaeng pinaiyak ko. ako naman ang na-one sided.

Mabilis akong pinigilan ni Zerx at pinaupo ulit sa highstool.

"Okay fine. It's just that, nahihirapan na rin kase ako sa set-up niyong dalawa kaya nagsasuggest ako na mag-unwind ka naman muna. Try to focus on the other side. Mula nang ikasal ka, hindi na kita nakitang tumawa ng totoo. Ang drama pero palagi ka na lang malungkot pre."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Kita mo? Napapangiti ka kase totoo."

"Oo na putangina ang daldal mo."
Binuksan ko yung isa pang bote ng tequila. Kahit kanina pa kami umiinom ni Zerx, ni isa sa amin hindi pa umaayaw. Parehas kase kaming may high tolerance sa alak. More hard drinks, more fun.

"So ano? Pakilala na ba kita sa prima ko?"

Talagang atat siyang ipatikim sa akin yung sinasabi niyang prima ng bar na 'to. May tiwala naman ako sa taste niya kaso nga lang, ayoko ng may iba ng nakahawak.

Tinuro ko yung mga taong nagsasayawan sa first floor.

"Doon na lang ako maghahanap."

Ngumisi siya sa sinagot ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just a TouchWhere stories live. Discover now