"Happy anniversary Karl my love !", sabay halik sa pisngi ni Karl.
Nung umupo ako inabot ko ang regalo ko sakanya. Kinuha naman nya at ngumiti na parang nahiya.
"So, order na tayo. Waiter !"
"Jona, may kailangan ako sabihin sayo."
"Hm sige. Pero kain muna tayo. Kanina pa umiingay tong tummy ko eh. Ah, waiter please !"
Hindi waiter ang lumapit sa amin, kundi isang babaeng maganda at sexy. Pero, bakit papunta sa amin ? Bakit sya umupo sa tabi ng boyfriend ko ?
"Cecil anong ginagawa mo dito ?", bulong ni Karl.
"Gusto ko lang i-enjoy ang first monthsary natin, BABE.", sabay tinfin sa akin na pang asar.
"First monthsary ? Babe ?"
"Teka, love let me explain."
"Love ?" Sigaw naman ng bruha.
"Babe please, umalis ka muna. Wag mo akong paunahan oh !"
"So pinapaalis mo ako sa araw ng first monthsary natin ?"
"Hindi sa ganun.."
"Then pumili ka. Sya na walang kwenta o ako ?"
Shocks ! Bruha talaga 'to ha ! Hindi talaga ako makahimik.
"Ha ?!", sabay tingin sa amin na parang pumipili na nga.
"Don't you dare choosing that no-taste-girl." Sama ng tingin sa akin.
"Walang hiya ka !", ayun tumayo na din ako.
"Oh ano, may gagawin ka ha ?", tumayo na din sya.
Hala ! Wala na naman akong ginawa. Na gulat na lang ako nung binuhos nya ang tubig sa mukha ko.
"Cecil ano ka ba !", sumigaw si Karl.
Sinampal naman sya ni Cecil at umalis.
"Mag sama nga kayo !"
Lumapit sa akin si Karl para punasan ang mukha ko.
"Paano mo na gawa sa akin 'to ?"
"Sorry."
"SORRY ? YUN LANG ?"
Sinampal ko sya kung saan sinampal ni Cecil at umalis na din ako.
Yun ! Alam mo na kung paano ako na heart break. Ilang beses ako nagka relasyon yun lang ang tumagal, doon lang ako nag mahal ng todo at doon din ako nasaktan ng todo. First love ko pa naman yun. Kaya simula nun, tumigas ang puso ko at naging bitter na ako.
BINABASA MO ANG
I'm Bitter, Nice To Meet You [Short Story]
Short StoryNagmahal, nasaktan at naging isang Bitter na gusto maghinganti. Kaya bang gawin ni Jona yun ? Find out ;)