Part 3

28 2 0
                                    

Tatlong araw pa bago ang kasal. Inumpisahan na namin gawin ang schedule, bilhin ang mga gamit na kailangan, kinausap ang mga kataohan ko para sa sound system, sa gathering at kung ano-ano pa. Yung video presentation naman pinagawa ko sa isang co-worker ko. Baka hindi ako makapagconcentrate sa mga picture na yun. Tungkol sa mga decoration naman ako na daw bahala sabi ni Sarah. Ako na talagang bahala sa lahat-lahat.

"By the way, ipapakilala ko sayo si Karl. Papunta na daw sya ngayon. I'm sure magugustohan mo sya.", ngumiti si Sarah.

Pang asar ba ? Pero mukhang wala syang alam sa nakaraan ni Karl. Tungkol sa amin. Pero ano daw ? Papunta na sya dito ?

"Ah Sarah ! May pupuntahan pala akong importante eh."

"Ay sayang naman. Kahit hintayin mo sya ? Sandali lang naman.."

"Ayun, tumatawag na yung friend ko.", sabay kuha sa cellphone ko at kunwari may tumatawag.

"Sige, papunta na ako dyan. Pasensya na Sarah ha. Importante eh. Next time na lang. Sige see you tomorrow."

"Ano ba yan Jona ! Narinig mo lang pangalan nya nataranta ka agad ! Affected much at kailangan mo pa magsinungaling ?", kausap ang sarili ko habang papunta sa sasakyan ko.

Napahinto ako sa dumating na kotse. Pumasok ako sa kotse ko at nakita ko sya. Bakit ang lakas pa din ng tibok ng puso ko ? Bakit ka lalong gumwapo ?

Inisip ko ang plano kong magustohan ako ulit. Ano ? Puntahan ko na sya para ituloy ang pagsira sa kasal nila ? Tatlong araw pa at tuluyang mawawala sya sa akin. Hindi ko pala kaya. Umalis na lang ako.

***

"ANO ? Ngayon ka pa uurong eh nandun na sya ?!", sigaw ni Lany.

"Eh kasi naman wala din 'tong planong 'to. May pagasa pa ba na magkagusto sya sa'kin eh ikakasal na nga !"

"So, anong gagawin mo ? Aayusin mo tung event tapos hahayaan mo syang maging masaya ? Sige, pwede din."

"Pero gusto ka talagang humigante. Kahit konti lang. Kaso.. iniisip ko din si Sarah. Sobrang bait nya at wala syang kinalaman sa nangyari sa amin noon. Kailangan ko na lang tangapin. Yun lang."

***

Kinabukasan. Hindi ko na talagang maiiwasan si Karl. May meeting kasi kami ng mga kasali sa programa.

At yun na nga. Pumunta ako sa CR at nakita ko sila Karl at Sarah nagyayakapan. Oo, masakit. Oo, hindi ko na pigilan ang mga luha ko. At oo, gusto ko pa din humigante.

Inayos ko ang sarili para hindi halatang umiyak ako at lumabas na ako nang CR. Nagulat ako nung nakita ko si Sarah na may hinalikan. At hindi si Karl yun. Anong ibig sabihin nun ? Tumagbo ako palabas ng venue nang may nabunggo ako at muntik nang matomba kung hindi ako hinawakan ng nakabunggo ko.

"Jona.."

"Karl."

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam anong gagawin.

"Karl, si Sarah.."

"Bakit ?"

Awa ang nararamdaman ko para sa kanya. Hinawakan ko mga kamay nya.

"Pinagtataksilan ka ni Sarah.."

"Ha ? Anong pinagsasabi mo dyan ?"

"Di ako magtataka kung di ka maniniwala sa akin. Siguro iisipin mo na nagsisinungaling ako, naghihingante. Oo inaamin ko balak ko yun pero di ko pala kayang sirain ang kasal nyo. Karl, si Sarah may hinalikan sya.."

Ang bilis kong nagsalita. Hindi ko din inisip ang pinagsasabi ko at parang si Karl din na gulat.

"Karl !"

Niyakap ni Sarah ito.

"Andito ka na pala. Sya nga pala si Jonalyn, yung kinukwento ko na organisator. Ang galing nya."

Nagtinginan kami ni Karl.

"Brad, dito ka na pala !", lumapit yung lalaki sa kanya.

Yung lalaki. Sya yung kasama ni Sarah. Sya din yung pangatlong tao sa picture.

I'm Bitter, Nice To Meet You [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon