Paaakkk 42

43K 1.5K 722
                                    


-----





FITA'S POV





Nasa isang mamahaling restaurant kami ngayon ni Kuya Axe. Dito nya ako dinala after nung nangyari kanina. Bigla nalang kasing tumunog ng sobrang lakas ng tiyan ko kaya wala na syang sinayang na oras, he immediately brought me here.


"Here are your orders Sir, Mam. Enjoy." Kuda ng waiter na to.

"Thanks." Sagot ni Kuya Axe at agad namang umalis ang waiter na yun.

Nakakagutom!
Mukhang masasarap lahat ng inorder ni Kuya Axe! Mukhang mapaparami na naman ang kain ng mga alaga kong cobra sa tiyan ko. Ahahahaha. Charot lungs!


Syempre before eating session, nag-pray muna kami. Hihi. And after nun...


"Let's eat." Ani Kuya Axe kaya nagsimula na kaming kumain.


"Sa-salamat Kuya. Ang sarap ng pagkain dito." Kuda ko while eating! Ang serep talaga mga bessh. Kain din kayo. Ahahaha.


"Halata nga. Mukhang sarap na sarap ka eh. Hinay hinay lang baka mabulunan ka." Sabe nya.


"Okay po." Nakangiting sagot ko.


"You know what? Naiinis ako sayo!" Singhal nya sa akin!

Anooo dawww?
Naiinis aya sa akin?!
Ano namang nagawa ko?!!!


"Bakit?! Bakit ka naiinis sa akin? May nagawa na naman ba akong hindi mo gusto?" Imbyernang tanong ko sa kaniya.


"Naiinis ako sayo. Dahil ang bilis bilis mo akong napatawad. Ganun mo nalang ba kabilis nakalimutan ang lahat ng ginawa ko sayo?" Inis nyang tanong!

Aba!
Sya na nga itong pinatawad sya pa itong nagagalit! Grrrrr.
Dapat nga magpasalamat pa sya dahil pinatawad at kinalimutan ko na lahat lahat ng ginawa nya sa akin!


"Ang dami mong arte Kuya. Ikaw na nga itong pinatawad ikaw pa itong naiinis." Pagtataray ko.


"Hindi naman sa nag-iinarte ako. Nakakagulat lang dahil sa dami ng masasakit na salitang sinabi ko at sa dami ng hindi magandang bagay na ginawa ko sayo eh ganun mo nalang ako kabilis pinatawad. Kung siguro ibang tao yun, maybe it takes time to forgive and forget those bad things." Aniya.


"Kuya. Alam mo kasi, sinabi sa akin nun ni Tatay bago sya mawala na huwag na huwag daw akong magtatanim ng galit sa kahit kanino. Kahit malaki o maliit man ang nagawang kasalanan sayo ng isang tao, kailangan mo silang patawarin at kalimutan ang hindi magandang bagay na nagawa nila. Dahil sabi ni Tatay, sobrang hirap daw mabuhay kung punong puno ka ng galit sa puso mo. Kaya ako, never akong nagtanim ng galit sa kahit kanino dahil mabigat yun sa kalooban. Ang hirap kayang maging masaya kung may galit ka dyan sa puso mo." Kuda ko.


Pinagmasdan ko si Kuya Axe at parang natauhan sya sa sinabi kong iyon.



"Sana tulad mo rin ako. I hope I could easily forgive those people who did something bad. Pero para sa akin, sobrang hirap. Pero para sayo ganon nalang kadali iyon. I admire you with that attitude." Sabi nya sabay ngiti sa akin.



"Alam kong mahirap yung napagdaanan mo Kuya, kaya hindi kita masisisi kung nahihirapan kang magpatawad at makalimot. Pero ang sa akin lang, huwag mo sanang lahatin ang mga gaya naming may pusong babae. Tulad ng sabi ko dati, magkakamukha lang kami ng sekswalidad pero magkakaiba kami ng pagkatao, kaya sana treat us differently because we're different from each other." Sabe ko naman.

My Four Homophobic StepbrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon