Tsapter Tu

29 1 0
                                    

"Di hamak na mas maganda naman ako kay Yoona." sabat ni Rionne.

Sya na naman.

Ang babaeng ayaw sa transferees.

Eto sya ngayon,

Mukhang may gusto na kay Sehun.

"I really don't care kung mas maganda ka pa sa lahat ng mga babae dito. Sino ba nagtanong sayo? Wala naman. Baliw ka ba? Sagot ka ng sagot, wala namang tanong. Tara na nga Luhan." sabi ni Sehun.

Pwede bang tumawa? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Masayang masaya ako ng napapahiya yang babae na yan. Sa kabila ng mga ginawa nya sa akin. Sa pananapid, paglalagay ng bato sa bag ko at madami pa. Kasiyahan ko na ang mapahiya sya. Hahaha.

Dumeretso na kami sa canteen.

"Sehun, bakit ka nagtransfer dito sa Y.U? Maganda naman sa C.U ah." Tanong ko kay Sehun.

Kase mas maganda naman talaga sa Carrat University. Pang mayaman na school. Gusto ko nga dun mag aral kaso wala kaming pera.

"Ayoko dun. May mga masasakit na pangyayari sakin doon. Ayoko na maalala pa." sagot ni Sehun at umorder ng pagkain.

"Ah ganoon ba? Makakalimutan mo din yun."  sabi ko sa kanya at ngumiti.

"I will never forget a girl who cheated on me." malungkot na sagot ni Sehun.

Kaya sya nagtransfer kase, nasaktan sya ng isang babae. Grabe naman yun.

"Pwede ba ikwento mo yung nangyari sa inyo?" tanong ko sa kanya.

"Sorry Luhan. Hindi pa kasi ako nagtitiwala sa iba. Ayoko muna ikwento sayo. Tsaka nalang." malungkot nyang saad.

Biglang gumaan ang loob ko sa kanya, kase akala ko sya yung tipo na playboy. Pero yun pala sya yung sinasaktan.

"Si Yoona. Gusto ko sya. Gusto ko sya tumulong sakin makalimutan si Ciana"  sabi ni Sehun.

"Bakit naman si Yoona?"

"May hawig sya kay Ciana."

"Sige ilalakad kita kay Yoona."

"Salamat Luhan."

Ciana. Parang pamilyar to ah. Parang ate kong si Ciang. Kaso hindi naman Ciana si ate. Haynako. Siguro pati mayaman yung Ciana na yun kase nag aaral sa C.U.

Pero sa C.U din si ate.

Luhan naman. Baka naman katunog lang ng pangalan. Masyado ka na praning.

Atsaka di naman manloloko si ate.

Kumain na kami ni Sehun. At nagkwentuhan.

"Ikaw Luhan, bakit ka nag transfer dito?" tanong ni Sehun.

"Kinapos na kami sa budget."

"Saang school ka ba galing?"

"Toungee University. "

"Ah. Kaya lumipat ka ng semi private?"

"Oo di naman kami mayaman."

"BELL RINGS"

"Tara na Sehun, baka mapagalitan pa tayo."  Aya ko kay Sehun at naglakad na kami.

Nasasaktan ako para sa nangyari kay Sehun, kase niloko sya ng isang babae. Napaka grabe naman nung babae.

"Sehun, alam mo ba ang bahay ni Ciana?"

"Hindi. Hindi nya pinapaalam. Legal sya samin pero ako hindi legal sa kanila. I don't know? Bawal pa daw kasi sya mag boyfriend. Pero ayun. May bago na syang boyfriend. Ang galing diba?"

"Kawawa ka naman, Sehun. Puntahan natin si Yoona mamaya."

"Sige lang. Salamat."

Nakasalubong namin si Rionne.

"Wala nang klase Sehun, umuwi ka na. Babye. See you tomorrow." Sabi ni Rionne at umuwi na.

Dumeretso nalang kami kay Yoona.

Wala na ring klase sila Yoona. Kaya nasa labas na sila ng room.

"Yoona!"

"Oh? Luhan!"

"Si Sehun nga pala"

"Hi Yoona." sabi ni sehun kay yoona.

"Hello Sehun" sahi din ni Yoona.

"Ah yoona gusto ka makausap ni sehun." Sabi ko.

"Hmm. Talaga?"

"Oo."

"Ah Yoona, pwede ba kitang maging fake girlfriend?"
………

Hi guys
Ang ikli ba talaga ng mga chapters?
Kase pag oo, hahabaan ko sa next update ko.

Published: April 15 2017
                      1:31 pm

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Im inlove with my bestfriend (HunHan Fanfic)Where stories live. Discover now