HMMG [ONE SHOT]

36 3 14
                                    

" Walter naman please!!! " pangu-ngulit saakin ni Gwyneth, Si Gwyneth ay kaibigan ko since Elementary, ngayon niyaya niya akong mag laro ng spirit of the Glass

" Gwyneth ayoko nga sabi eh, atsaka may mga kasama ka naman eh bakit mo pa ko kailangan isama?" Tanong ko naman sakanya, may mga kasama naman siya eh bakit niya pa ko isasama diba atsaka ayoko ng ganyang kalokohan

" Haysss!! Bahala ka sayang rin yon atsaka kapag sumama ka saamwin hindi ka na magiging Loser " sabi ni Gwyneth, Yep you read it Loser ako sa School Namin, nerd talaga ako to be honest

" Okey ng maging Loser kesa maging Gangster " sabi ko puro Gangster kaibigan niya, wala ng ibang ginawa kundi mag cutting class, uminom ng alak kahit may klase, at naninigarilyo sa loob ng campus

" So anong ibig mong sabihin? Gangster ako" sabi niya, hindi naman ganon yung ibig kong sabihin

" Huh!!? Hindi ka naman Gangster eh pero konti nalang talaga Official Gangster ka na" sabi ko, tumayo siya sa pag ka ka-upo niya at humarap saakin

" Psh!! Duwag ka lang talaga kaya ayaw mong sumama " sabi Ni Gwyneth at lumabas na ng Room

Oo na duduwag ako at the same time ayoko talaga may feeling kasi  may mangyayaring hindi maganda kaya hindi ako sumama

Nag simula na mag klase, at hindi na pumasok si Gwyneth panigurado nandoon siya sa mga tropa niya nag lalaro ng Spirit of the Glass

*Kriiingggggggggg

Tumayo lahat ng mga ka-klase ko at nag dasal, ganyan sa school namin every subject kailangan nag dadasal at uwian

" Good bye Class" sabi ng teacher namin at lumabas na kami sa Room

6:00 na ng gabi at panigurado nag lalaro na sila, hindi ko maiwasang mag alala kay Gwyneth baka kasi bigla siyang sapian tulad nang mga napapanood kong movie

Nandito na ako sa Dorm ko, ako lang mag isa dito yung parents ko nasa Panggasinan habang ako nasa Manila

*Riiinnngggg

Napatingin ako sa Bag ko dahil doon nag mumula yung tunog ng Cellphone ko, tinignan ko kung sino'ng tumatawag, at nakita ko yung pangalan ni 'Gwyneth' sa screen ng phone ko

" Hello Gwyneth?" Paninimula ko

" Ikaw si Walter diba, yung kaibigan ni Gwyneth pwede bang sunduin mo si Gwyneth sa Rooftop ng School natin, nahimatay siya bigla ng nag lalaro kami ng Spirit of the Glass bilisan mo" boses lalaki ang narinig ko sa kabilang linya pag katapos niyang nag salita binaba niya rin agad yung telepono

Lumabas agad ako sa Tinitirahan ko at pumara ng tricycle

" Saan po tayo?" Tanong ni kuya Driver

" Sa LTP University po " sabi ko at humarurot agad ang tricycle, halos ma bingi ako sa sinasakyan kong tricycle mukhang mali ako ng nasakyan pakiramdam ko madidisgrasya ako ng wala sa oras dahil sa bilis ng tricycle

Ilang minuto ang lumipas nakarating na ako sa University, binigay ko yung bayad atsaka tumakbo papuntang gate

" Ohhh!!! Sandali saan ka pupunta?" Tanong ni Manong Guard, nag dadalawang isip ako kung sasabihin kong  pupunta ako sa Rooftop or hindi? Baka kasi mabuking sila at mapahamak pa sila

" Ahh, ano po sa locker ko lang po naka limutan ko po kasi yung Sapatos ko don " sabi ko tinignan pa ko ng matalas ni Manong Guard

" Patingin ng ID mo? " sabi ni Manong Guard, mabuti nalang talaga at hindi ko pa tinanggal yung ID ko bago tumawag yung lalaki " Sige pumasok ka na bilisan mo dahil gumagabi na may mga Gumagala'ng mga multo diyan " sabi ni Manong Guard

Helping My Mystery GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon