Kabanata 1

92 1 0
                                    


Akala ko magiging simple lang ang college life ko. Akala ko magiging tahimik lang. Normal lang ako na kolehiyala. Nag-aaral para makatapos. Akala ko lang pala. Hindi ko inisip na dito ko rin mararanasan ang pinakamasakit na lagapak ko.

---

First year college tayo noong una kitang makilala. Sa totoo lang, wala sa isip ko noon ang magkaroon ng attachment sa isang lalaki. Kuntento na ako sa pag-aaral ko noon. Gusto kong makapagtapos. Isang tanghali, nakasakay ako ng jeep papunta ng school. Nagpupuno pa yung jeep. Doon ako umupo sa may likod ng passenger seat. Dulo kumbaga. May dala kasi akong halaman ng mahogany, requirement sa NSTP- Scouting namin.

Dumating ang ilang mga estudyante galing Annex dahil sa P.E. class. Napuno yung jeep. Aalis na sana ng biglang may humabol. Dun siya umupo sa tabi ko. Pilit pinagkasya yung sarili pero dahil wala nga akong pakealam sa mga nakakatabi ko, hinayaan ko na lang. Pinagpatuloy ko na lang ang pakikipagtext sa mga kabarkada ko.

Naramdaman kong gumalaw yung katabi ko. Nakipag-apir dun sa katapat niyang lalaki. Kaklase siguro. Pinagsawalang-bahala ko na lang iyon.

Alam niyo yung nakakailang? Yung tipong ramdam mong may nagmamasid sa'yo. Ramdam na ramdam ko ang pagkailang ng oras na yun. Kung maluwag pa nga yung jeep, lilipat ako ng pwesto. Yung katabi ko kasi kung makapanitig, akala mo may binabalak na masama. Nakakailang sobra.

Yung tipong buong biyahe, nakatitig lang siya sa'yo na parang baliw. Hindi ko alam kung alam ba ng mga kasabay namin sa jeep ang ginagawa niya. Pero kasi ramdam na ramdam ko iyong paninitig niya.

Hindi ako nakatiis. Nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay pero nginitian niya lang ako. Nag-iwas na lang ako ng tingin at nireplyan ang kaibigan ko.

Akala ko titigil na siya matapos iyon pero hindi pa pala. Patuloy pa din siya sa paninitig niya. Naglabas siya ng isang papel. Reviewer niya siguro. Nagbabasa kasi iyong lalaking nakipag-apir siya. Akala ko doon na matutuon ang atensyon niya. Hindi pala. Kasi kahit nandoon na iyong papel, nakatitig pa rin siya.

Kinakabahan na ako sa ginagawa niya, sa totoo lang. Para kasing ang creepy eh. Ipinagdadasal ko na lang sana ay lumipad na lang iyong jeep para makarating agad kami ng school.

Nakahinga lang ako ng maayos ng nakarating ang jeep sa school. Pakiramdam ko ay parang isang taon akong bumiyahe dahil sa nangyari.

Nauna silang bumaba. Nahuli ako kasi nga nasa dulo ako at may dala pang halaman. Tuluyan ng nawala yung kabog ng dibdib ko ng makalayo ako doon sa nakatabi ko sa jeep.

Naglalakad ako noon papuntang bldg. 4. Sa bldg. ng mga ACT. Doon kasi ang room namin. Lumihis ako ng daan kasabay na din iyong iba pang mga scouting din. Hiwalay kasi ang bldg. na 'to doon sa tatlong bldg. ng iba pang course. Kung hindi ako nagkakamali sa bldg. 2 nagtitipon-tipon ang CWTS. Habang naglalakad papalapit sa bldg. 4 ay may narinig akong sigaw.

"Miss na may dalang bag na violet na may lamang halaman. Girlfriend ka daw ni Louie!"

Babalewalain ko na sana iyong sigaw kung hindi ko lang nakitang tumigil yung ibang kasabay ko sa paglalakad sabay tingin sa akin. Napatingin naman ako sa kanila ng may pagtataka kaya tiningnan ko yung dala ko.

Bag na violet na may lamang halaman. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako ng mapagtanto kung ano ang dala ko. Ako ba ang tinutukoy nung sumigaw Pero bakit? Kahit kinakabahan ay nilingon ko kung sino yung sumigaw. Shocks!


Yung katabi kong lalaki kasama ang mga kaibigan niya! Agad akong tumalikod at binilisan ang paglalakad. Ang bilis ng tibok ng
puso ko. Shit! Ano iyon?!

After All This TimeWhere stories live. Discover now