Alam mo bang hindi ako pinatigil ng damdamin ko dahil sa nangyaring iyon. Hindi ko alam kung bakit ako naapektuhan ng ganoon ng dahil lang sa pangyayaring iyon. Iniisip ko palagi kung ano ba ang pangalan ng lalaking iyon. Hindi ko matandaan! Nakakainis! Hindi ko rin alam kung bakit ako naiinis ng ganito sa kanya. Curiosity is silently killing me! Gusto kong malaman kung bakit niya ginawa iyon. Bakit niya ako kailangang ipahiya ng ganoon sa harap ng maraming tao? Gusto kong malaman kung bakit niya sinabing girlfriend niya ako.
---
Noong araw na nangyari iyon, hindi ako makapag-isip ng maayos. I'm really nervous! Paano kung may makakilala sa akin. Panno kapag pinag-usapan ako? Nakakahiya. That's the first time that someone did that to me. Nakakahiya talaga lalo na sa harap ng maraming tao.
"Bhest! Nangyari sa'yo? Bakit ang pula mo?" salubong agad sa akin ni Rhielle. Kaibigan ko.
"Oo nga. Sobrang pula oh." turo ni Hazel sa pisngi ko. What the! Ako? Namumula? Bakit?! Sobra ba akong naapektuhan sa ginawa niya?
"Ah, wala lang 'to. Init lang. Alam niyo naman na hindi ako marunong magbukas ng payong kapag ganitong mainit." sabi ko which is true. Mainit naman kasi talaga at hindi ako talaga gumagamit ng payong not unless umulan.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi na sila nagtanong ulit. Sinabi na lang nila na gumamit na daw ako ng payong sa susunod kasi masama daw ang init sa balat kesyo sayang naman daw yung puti ko
Nakaupo lang kami sa room namin. Kakaunti palang kami kasi naghahanap pa sila ng mahogany.
Dahil nabobored ako, kinuha ko muna ang phone ko at nagbasa ng ebook. Hindi pa kasi uso ang wattpad app noon kaya sa ebook kami nagbabasa ng mga kabarkada ko. Kapag nagbabasa ako, nakakalimutan ko yung lalaki. Ano ngang pangalan nun? Luke? Luis? Louie? Ay ewan!
"Maria, anong binabasa mo?" tanong ni Mariz sabay upo sa tabi ko. Mahilig din siyang magbasa ng ebook. Sa akin ang source niya ng ebook. Haha. Kapag wala na siyang mabasa, open lang ang bluetooth, press send, okay na.
"Ah, tinatapos ko lang 'tong He's Dating The Ice Princess ni Filipina." sagot ko habang patuloy pa din sa pagbabasa.
"Maganda ba?" Tumango naman ako bilang sagot. Hindi na ulit siya nagsalita at nakibasa na din sa akin.
"Anong ginagawa niyo?" si Rhielle.
"Nagbabasa na naman sila bhest." Si Hazel ang sumagot. Pakunwari pa 'tong si Hazel samantalang noong isang araw eh nagpapasa siya sa akin ng ebook tapos nung gabi eh nagtext sa akin,
From: Bhest Hazel
"Maria, anong sunod sa sadistlover? Tapos ko na eh."
"Mamaya na kayo magbasa. Tara na lang muna sa canteen. Sama ka Mariz." sabi ni Rhielle. Itinago ko ang cellphone ko at sumunod sa kanila. Sabay kami ni Mariz sa paglalakad.
"Anong bibilhin niyo?" tanong ko. Wala naman kasi akong balak bumili. Tiningnan ko si Mariz. Umiling naman siya sa akin. Ibig sabihin, hindi siya bibili.
"Kahit ano. Kayong dalawa bhest?" si Rhielle.
"Hindi na muna. Busog pa kami. Hintayin na lang namin kayo dito." sabi ko. Tumango naman sila at umalis na.
"Maria, upo tayo doon oh." sabi ni Mariz at nauna ng maglakad. Sumunod naman ako. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Ang dami kasing CWTS dito baka makita ko iyong lalaki.
"Ang bagal mo naman. Sino bang hinahanap mo at palinga-linga ka?" napatingin ako kay Mariz na nakaupo na pero para akong nabato sa kinatatayuan ko ng mapatingin ako sa may kabilang upuan na katapat ni Mariz. Shit! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay pulang-pula ang mukha ko. Anong gagawin ko?
"Maria!" Doon lang ako natauhan ng tinawag ulit ako ni Mariz. Tiningnan ko naman siya na parang nagmamakaawa. Gusto ko ng umalis dito. Mukhang naguluhan naman siya sa pinakita kong ekspresyon.
"Anong nangyayari sa'yo? Lumapit ka na dito. Mangangalay ka diyan. Matatagalan pa sina Hazel. Ang daming bumibili oh." sabi niya. Umiling naman ako sa kanya at nanatili na lang sa pwesto ko. Kinakabahan talaga ako. Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa sobrang kaba.
Napatingin ulit ako sa pwesto ni Mariz pero ganoon na lang ang pagkagulat ko ng iba na ang nakaupo doon. Oh my god! Yung lalaki! Nakatingin siya sa akin habang nakangisi.
![](https://img.wattpad.com/cover/106027827-288-k207257.jpg)
YOU ARE READING
After All This Time
General Fiction'Cause, she's loving him still... after all this time.