Chapter 3 - Now I Know.

41 1 6
                                    

Alas-nwebe na ng gabi at hindi pa rin ako makatulog. Andaming pumapasok sa isip ko. Simula dun sa matandang babae sa Baclaran Church, tapos dun kay Jaden na nakabangga ko, kay Lance na parang nasaktan ko, at.. teka nga. Familiar talaga yung Smith na surname ni Jaden eh? Wait. Hindi kaya siya si..

Mr. Childhood First Love ko?

Flashback

Summer '05

"Psssstt. Oy. Panget!"

"Sino ba yung nagbato sakin ng bato ha?", sabi ko sabay tingin sa likod ko.

Nakita ko ang isang batang lalaking may matamis na ngiti. Bigla na lamang akong napanganga nang makita ko siya.

"Oh bakit ka naka-nganga diyan? Ayos bibig!"

"Hindi ako nakanganga no! Sino ka ba ha? Bakit mo ba ako binato ng bato?!"

"Bakit gusto mo malaman? Masama ba yun?"

"Ehh. Masama yun! Sabi ng mama ko masama daw manakit ng kapwa!"

"Edi Sorry", pangungutya niya.

"Hmmppp. Bago ka lang ba dito?", sabay lapit ko.

"Oo eh. Bagong lipat lang kami dito. Wala kasi akong kaibigan. Pwede ba maging mag-kaibigan tayo? Mabait naman ako eh, promise! "

"Hmpp. Sige na nga! Laro tayo! Papa-alam lang ako kay mama ko ha?"

"Sige!!! Ako diin!!"

Buong summer, kami ang magkalaro. Para na nga kaming magkapatid kasi araw-araw kami magkasama. Lagi niya man akong inaasar, inaaway, at kinukulit, narealize ko rin na siya ang First Love ko. At hindi kaya si Jaden iyon? They really look the same. And.. now, I remember!

 now, I remember!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Uy bata. Gusto mo ba maging Mrs. Smith paglaki natin? Yung tipong pwede na tayo magkiss kasi malaki na tayo nun hihihi."

Nangamatis ang pisngi ko kasi syempre, bata palang ako nun. Big deal pa sakin mga ganung klase ng bagay. " Bakit Mrs. Smith? Ano ba yung Smith?", pagtatanong ko.

"Apelido ko yun eh!"

Hindi ko pa maintindihan nun kung bakit gusto niya maging magka-apelido kami. Akala ko pa nga nun gusto niya kami maging magkapatid. Pero ngayon, naiintindihan ko na. All this time.. inlove din pala sakin ang First love ko! But wait, isn't Jaden? Jaden Smith? Hmm. Kahit na alam kong maraming Smith sa mundo, hindi naman imposible yun na siya nga ang First love ko!

Gayuma; A Love SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon