Chapter 7 - Party

48 0 2
                                    

"Class Dismissed"

"Jaden, can I talk to you for a minute?"

"Uhm, yeah? Sure Aphrodite.", "Uhm, Amber, please just wait me in the Cafeteria."

"Sure thing, babe."

Nakita kong umalis na nga si Amber. Dinala ko si Jaden sa isang Cafe sa school. Pagka-upo namin doon..

"Ano yung sasabihin mo, Aphrodite?"

"Uhmmm.. gusto ko lang ikaw batiin ng Advance Happy Birthday. Sa pagkaka-alam ko, next week na yun diba? Hahaha."

"Ay, salamat! Oo eh, next week na."

Nag-isip ako ng sasabihin ko para ayain niya akong maki-celebrate sakanya. Kahit hindi ko siya close, naging kaibigan ko naman siya. I think siya na nga, dahil siya ang Mr. Childhood First Love ko.

"By the way, makiki-celebrate ba sainyo si.. Lance?"

"Ay oo! Inimbitahan ko na silang magtrotropa. Bakit?"

"Ah, wala wala."

"Teka nga Aphrodite, may gusto ka ba kay Lance?", pangungutya niya sa akin.

"HA!?! Wala no'!"

"Sus. Bakit ka naman masyadong defensive? Gusto mo reto kita? Close ko naman yun si Lance, hahahaha."

"Hindi ah! Bakit ko naman magugustuhan yun?!", nasaktan ako noong inasar niya ako sa iba. Hindi ba pwedeng ako nalang asarin niya sa kanya? Hay.

"Di ako naniniwala. Sige, ganito nalang, maki-celebrate ka sa amin tutal pupunta si Lance, sigurado akong gugustuhin mong pumunta. Ayos ba yun?"

Hay, kahit wala si Lance, gugustuhin ko talagang pumunta sa Birthday mo.

"Oh sige Jaden. Salamat sa pag-imbita."

"Sige Aphrodite, una na din ako ah? Iniintay na din kasi ako ni Amber. May date pa kami mamaya after class."

Ngiting peke ang ginawa ko.

Naiwan na akong mag-isa rito. Ilang araw na ang dumadaan, araw-araw akong nagpupuyat, araw-araw akong napapagod, ang hirap pala talaga maging isang college student, pero at the same time, super memorable.

Iniisip ko na kung ano mismo ang gagawin ko sa araw ng birthday ni Jaden. Paano kaya ako makaka-tsempo na mag-isa lang siya at hindi siya nakatingin upang makita niyang nilalagyan ko ng gayuma ang inumin niya? Hmm..

At kung itatanong niyo kung ano na nangyare sa pagitan namin nina Lance, Marco and Kevin, well ayon, hindi pa rin kami nagpapansinan. Napaka-immature talaga ng tatlong yun. I don't know why bakit bigla nalang silang nawala eh, parang ang liit liit nung bagay na pinag-awayan namin. Nakikita ko si Marco and Kevin na mukhang may Girlfriend na, pero si Lance? Mukhang wala.

One Week Later

"Naku! Ang apo ko talaga dalaga na. Mag-ingat ka dun sa Birthday ng kaibigan mo ha? Itext mo lang ako palagi."

Kung nagtataka kayo bakit hindi si mama ang kasama ko noong paalis na ako ng bahay, iyon ay dahil hindi ako pinapayagan ni mama na umalis ng bahay para mag-party. Kaya ayon, lagi ako spoiled kay Lola. Habang si mama naman ay wala sa bahay. Si Lola na daw bahalang magpaliwanag sakaling umuwi si mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gayuma; A Love SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon