"Tss, ano ka ba naman Inday! Ayusin mo ang trabaho mo! Ang panget panget mo na bara-bara ka pa kumilos!" sigaw sa akin ni Madam Antonia. Si Madam talaga, napakamaldita. Oo nga panget ako, hehe. And I'm proud to say that, ^o^
"INDAY! May maibibilis pa ba yan!? Bilisan mo na! Male-late na ako sa office ko!"
"Eto na Madam!" sabi ko at inabot na sa kanya yung kape at ulam with rice.
"Oh, Inday! Ayusin mo na yung mga yuniporme ng mga anak kong magaganda. Yung sobrang plantsa ng yuniporme ha!? Bilisan mo na kumilos!" sigaw nya at umakyat ako sa may kwarto ng anak nya.
Actually, tita ko yan si Madam Antonia eh. Kaso, ang maldita nya sa akin. Di pa ako pinapasahod sa trabaho ko dito araw-araw sa bahay. Tss. Papasok na din ako maya-maya. Wag kayo magalala. Malalaman nyo yung routine ko dun sa school, kawawang busabos ako dun. Hehe.
(See? Kawawa si Inday! Pero ano kaya ang mangyayari sa school nya? Tska yung routine sa school na sinasabi nya? Tingnan natin! :)) Sa MAHIWAGA #1 ha? Keep Voting and comment guys!)
Natapos na ako sa pagpa-plantsa ng yuniporme ng mga anak nya na pinsan ko.
"HOY! PAGHANDA MO NGA KAMI NG MAKAKAIN, INDAY!" sigaw sa akin ni Angel. Panganay sya sa magkapatid na dalawa. "BILISAN MO! AKO DIN, HA!?" sigaw naman sa akin ni Angela. Hay. Maldita din tong mga 'to eh. Kung umasta yaya na ako dito sa bahay nila?
Bumaba agad ako at kumuha ng makakain, kumuha ako ng kape, itlog at kanin. Para sa dalawa 'to, hehe. I prepared some magic ulam! Hahahaha. Kahit naman papano, maging masaya din ako. Di kasi nila ako pinapatagal sa labas eh.
Umakyat na ako sa pagkataas-taas na kwarto nila habang dala yung tray, nahulog ko yung tray kaya natapon yung pagkain! Naku po! Saktong nandun si Madam Antonia kaya natapunan sya nung itlog sa mukha. Nakatingala sya eh. Ayan tuloy, naku! Mukhang matinding sermon na to ha?
"INDAAAY!"
Oh sya, tapos na muna ang story ko ha? Babyee~!
***
Ano? Nasayahan ba kayo? Hahahahah.